I love giving advice to those people who needs it. I love how sincere I am when it comes to it. I love each words of life I say. My life is almost colorful as rainbow. Albeit, there's some time that I lost its color but I always make sure to filled it again with vibrant. I'm just a simple teenage girl, contented and happy. I have my family who supports my needs and I have my boy friend who's almost perfect. I get what I want, the love and care from them was enough for me.
Hanggang sa isang araw, ang haligi na matagal kong binuo ay gumuho dahil sa mga salitang nasa paligid ko. It feels like I was building a tower for how many years and when it's done... in just one word, my tower collapsed.
"Ang laki na ng pinagbago mo, Sheryn ah." My aunt said without even hesitating.
I forced my smile when I heard my cousin Vinny chuckled. "Tumaba ka ata, couz?" Ani Vinny.
I calmed down and smile, "Ikaw ba naman palaging may eatwell," I laughed covering the bitterness inside.
"Masarap palagi ang ulam namin e. Ikaw nga sobrang payat, napansin ko ba? Kung 'di mo pa sinabi na tumaba ako ay hindi ko mapapansin na pumapaya–"
"Watch your words, Sheryn." suway ni mama.
Umirap ako nang palihim. Okay fine, mabilis lang talaga akong mainsulto lalo na kung physical appearance ang usapan. Ilang taon kong binuo ang confidence ko, hindi ko dapat hinahayaan na masira agad ito dahil lang sa mga salitang mababaw.
"May jowa na itong si Sheryn, tita?" tanong ng pinsan ko.
I clinched my fist. Ayoko talaga na pag-uusapan nila ang tungkol sa relasyon ko. Ambabaw kasi nila! Mabait naman si Kyle, he's almost perfect. Walking green flag kaya 'di ko rin gets kung bakit ganyan sila maka-down sa boy friend ko. Kung status din naman ng buhay ang pag-uusapan, hindi naman mahirap ang pamilya ni Kyle. They own several companies.
"Oo, ewan ko ba sa batang 'yan. Imbis atupagin ang pag-aaral ay inuuna pa ang landi. Ayan, with honors na lang sa first sem. Baka nga sa second sem hindi na pasok e." I can feel the disappointment in my mom's voice.
"Napabayaan mo na siguro ang pag-aaral mo iha, naku ayan na nga ba." saad ni auntie. Ewan ko ba sa pamilyang 'to, napaka problematic.
"Kaya pala tumaba? Baka naman buntis na 'to, Idet. Naku, baka isang araw mag-aalaga ka na ng apo–"
"Tumigil ka nga, Adel. Hindi naman ata tama 'yan."
Pinigilan ko ang sarili na magsalita, iba pa naman ako kapag galit baka mawalan sila ng ganang mabuhay. Bakit nga ba ganito ang paniniwala nila? Toxic Filipino culture na kapag may-jowa ka, automatic mabubuntis ka na ng maaga, matic wala ka ng future. Grabe, hindi naman lahat gano'n, may goal din kami ni Kyle sa buhay namin kahit papano. Ang sakit talaga makarinig ng mga ganitong salita. Gets ko naman sa part na takot lang silang mangyari sa 'min ang mga nangyayari sa ibang mga kabataan ngayon pero ang sabihan ako ng buntis dahil lang sa tumaba ako ay hindi na nakakatuwa. Body shaming na 'to and I can't accept jokes about my body and partner.
"Ay? Ano pa nga ba ang aasahan natin sa mga kabataan ngayon? Andami ng nabubuntis kahit minor de edad! Susmaryusep, Idet. Gumising ka nga."
"May tiwala naman ako sa anak ko kahit papano, 'wag mo lang pagbintangan na buntis 'yung bata just because she gained weight–"
"Baka naman nasobraan sa ano tita," Vinny said and laugh as if there's something funny with her words. What the heck? Kahit hindi niya sinabi ay alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin at sobrang nabastos ako ro'n. Anong akala nila sa 'kin? Gano'n na talaga kalandi? Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pumikit ako ng mariin.
BINABASA MO ANG
The Solace In Our Scars (Complete)
Short StoryWhen high school lovers reunited. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story is in the first draft. Bare...