"Sige na, Sheryn please? Pupunta tayo mamaya." Nag-puppy eyes si Reysha habang si Bella naman ay nagkibit-balikat lang na pinagmamasdan kami. Andito kami ngayon sa apartment. 3:00 pm pa pero kinukulit na ako ni Reysha na sumama sa kanila mamayang 6 pm papunta sa venue ng Birthday ni Mrs. Oliveros.
"Sige na nga," napipilitan kong tugon. Paniguradong andoon si Kyle kaya hindi sana ako pupunta pero kinukulit talaga ako ng dalawa kong roommate na sumama. Tinakot pa nga nila akong dalawa na may multo raw sa apartment namin.
"Yey!" Nag-apir ang dalawa. Umirap lang ako at humiga sa kama. Sobrang busy rin kanina pero maaga kaming nag-out para maghanda sa party. Yung mga hindi makakapunta ay may nakalaan na party sa kanila bukas at kami namang mga pupunta mamayang gabi ang mag-du-duty bukas.
"Pero wala akong susuotin," Ngumuso ako.
"Sabi ko kasi sa 'yo kanina na sumama ka sa 'min bumili ng damit, ayaw mo naman." wika ni Bella.
Umupo at napakamot sa batok. "Wag nalang siguro akong sumama?"
"Ay! Hindi pwede, maaga pa naman kaya magagawan 'yan ng paraan." Tumayo si Reysha at nakapamewang na tumingin sa 'kin.
"Mag shopping tayo! Sakto at bibili na rin ako ng accessories, hehe"
"Sige, sasama rin ako para bumili ng bagong heels." saad naman ni Bella.
Tumango-tango ako. Dapat kasi formal ang susuotin mamaya. Wala namang sinabi na dapat naka-long gown pero at least you should look formal. Hindi 'yung naka leggings lang at T-shirt.
"Okay, I'll just take a shower first para pagdating natin, mag-aayos nalang." sabi ko at tumayo na.
"G na g! May regalo kana ba para kay Doc?" tanong ni Bella.
Tumango ako, "Nag-order ako no'ng Monday. Isang designer bag lang ang ibibigay ko." tugon ko.
"Ang taray, ikaw Reysha anong ireregalo mo?"
Nag-isip si Reysha, "Required ba talaga 'yan?" tanong niya kaya nakatanggap siya ng isang batok galing kay Bella.
"Aray! Joke lang naman, syempre meron. Mas expensive 'yon ha. Isang ballpen lang naman pero ops don't underestimate my gift kasi sobrang mahal ng ballpen na 'yun! Lagpas 1k," aniya.
"Sa 'kin isang perfume lang ang ibibigay ko. Mahal din 'yun kahit alam natin na impossibleng gagamitin ni Doc kasi sobrang yaman no'n at sa dami ba naman ang magbibigay ng regalo mamaya, malamang 'di niya na magagamit ang iba." lintaya ni Bella.
"Sabagay, pero at least may dala tayong regalo. Nakakahiya naman kung pupunta lang tayo roon para kumain tsss."
"Mag-shower kana ro'n Sheryn! Baka ma-late tayo." Reklamo ni Reysha kaya pumunta na ako sa walk-in closet at kumuha ng damit.
I decided to wear white high-waisted skinny jeans, paired with my nude tops.
Nilugay ko na rin ang buhok ko dahil palagi itong naka-bun kapag nasa duty. Hindi na ako nagsuot ng heels kagaya ng dalawa kong kasama, flats lang ang isinuot ko dahil mamaya magsusuot na naman ako ng heels, hindi ako sanay kaya sasakit ang paa ko.
"Kahit sobrang simple, sobrang ganda pa rin. Kami dito trying hard lang," saad ni Bella.
"Maganda tayong lahat," Kumindat ako.
Malapit lang naman ang mall dito kaya mabilis din naming narating.
"Dito ka muna, Sheng. Sa third floor nalang tayo magkikita ha. Andoon kasi ang jewelry shop." Nagpaalam na sina Bella at Reysha sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Solace In Our Scars (Complete)
Short StoryWhen high school lovers reunited. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story is in the first draft. Bare...