Part 8

24 6 0
                                    

TW: H*rassment, s*xual abuse, s*icidal



"Kilala mo 'yung nasa grade 9 Lavender? Yun bang tumakbong SSG Treasurer! Ang ganda, pre."

Ngumisi lang ako at nagpatuloy sa paglalaro ng online games. "Not interested," maikli kong sagot.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Tingnan natin kung hanggang saan aabot 'yang  ‘not interested’  mo" Ani Karl. Kaklase ko siya pero hindi ko talaga sinasabayan ang paghahanap nila ng mga chix. Hindi naman talaga kasi ako interesado.

"Once again, I'm Sheryn P. Ladezma. Running as your treasurer. Thank you!" Sinundan ko ng tingin ang babae. Sobrang ganda niya, ang makinis niyang balat at ang mahaba niyang buhok ay agaw pansin. Ang kanyang mukha ay sobrang linis at pormal din ang pananamit nito.

The more I stare at her, the more my heart beat fast. This is my first time staring so long with a girl.

"Yan ang hindi interesado? Kung makatitig, wagas!" Pang-aasar nila sa 'kin.

Hindi ko alam kung anong nakain ko pero simula no'ng campaign ay mas napadalas ang tambay ko sa classroom nila. Inaasar na nga ako ng mga kaibigan ko at mas lalo akong nagkaroon ng interes sa babae nang mapansin kong iba rin ang paraan ng pagtingin nito sa 'kin. Siguro ay gusto niya rin ako? Kasi ako, gustong gusto ko siya. Naging malapit kami sa isa’t isa kaya no'ng nag-grade 10 kami ay sinadya ko talagang maging magkaklase kami. 'Di naman ako nabigo dahil first week of school pa lang, sinagot niya na ako. I was courting her since grade 9. We're still young but I swear, I'm in love with her even though people would tell us that what we felt is just a puppy love or infatuation. I didn't mind them, as long as my heart is screaming her name then I can say that I'm in love.

"Kapag naghiwalay tayo, pwedeng balikan ulit natin ang isa’t isa pagkatapos ng sampung taon?" Ani Sheryn. "Ikaw lang kasi ang lalaking gusto kong pakakasalan, alam ko 'yon kahit bata pa tayo."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko ma-gets, kung bakit kailangan pang maghiwalay kung ako naman ang gusto niyang pakakasalan.



"Hindi tayo maghihiwalay." Sagot ko.

We graduated junior high school and decided to go to the same school for senior high but in different strand. I'm fond of business and solving word problems that's why I took ABM. She's into science kaya nag-STEM siya.

Maayos naman ang naging relasyon namin hanggang sa may nalaman akong ikaguguho ng buong pagkatao ko.



"Kyle, akala ko ba may meeting kayo ngayon?" tanong ni ate.

"Kyle!" tawag niya ulit. Natinag ako sa sigaw ni ate at umayos sa pagka-upo. "Huh?" tanging sagot ko.

Nag-aalalang lumapit sa 'kin si ate. "You're zoning out." Ani ate.

Napakurap ako, I didn't realize that I was zoning out. "May meeting ka ngayon 'di ba? Huwag ka munang pumunta kung hindi ka okay."

Tiningnan ko ang wrist watch ko. "A-ate, I'm late."

"Huh? Anong oras ba ang meeting?"

"1 pm."

"Ay, 'di mo naman sinabi. Late ka na nga. Mag 3 pm na e. Magpahinga ka muna, you're not okay." Saad ni ate at hinaplos ang buhok ko. "Kyle, don't stress your self that much. I'm worried."

___

"Okay ka lang?" tanong ng kaklase ko.

Tumango ako at pilit na ngumiti. Sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko na alam ang nangyayari sa 'kin pero hindi na ata 'to normal. These past few days, may mga napapansin ako sa sarili ko. I always experience nightmares. Halos gabi-gabi 'tong nangyayari. Takot ako, sobrang takot.

The Solace In Our Scars (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon