Part 5

18 6 0
                                    


"Gising na teh, may duty pa." I groaned when I heard Reysha's voice. Bumangon ako at tumitig sa kawalan.

"Baklang 'to, akala mo naman may hangover e ang aga-aga nating umuwi kagabi dahil sa pagmamadali mo. Naku, kung hindi ka lang talaga namin prinsesa!" reklamo niya.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Bella. "Aysus, 'di mo lang nakita si Doc. Perez kaya ayaw mo pang umuwi e." wika nito.

Umirap si Reysha habang naglalagay ng lipstick. "Ito kasing si Sheryn, akala mo naman may curfew. Tapos antagal namang nakatulog kagabi."

"Insomnia lang," Maikli kong sagot.

"Aysus, insomnia kaya? O baka naman may naka-one night stand ka–" Binato ko siya ng unan.

"Grabe! Walang preno talaga 'yang bibig mo 'no?" saad ko.

"Gaga talaga, hindi naman bar ang pinuntahan natin kagabi. Anong one-night stand ka r'yan?" sabi naman ni Bella.

Nagpuot si Reysha. "Maraming pogi na doctor. Malay ko ba," tugon niya.

Hindi ko nalang ito pinansin at naligo na para maghanda dahil may duty pa ako.

Habang nasa shower ay naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Grabe, kahit ano ata ang gawin ko, maaalala ko 'yun! Inangyan, tanga rin pala ako 'no?



Laking pasasalamat ko naman nang maalala na walang duty si Kyle ngayon. Sunday kasi at Monday, Wednesday, and Friday lang ang schedule niya. What if a-absent ako sa mga araw na 'yan? Tsss.

LUNCH BREAK nang bigyan ako ni Elijah ng chocolates.

"Himala, namimigay" Ngumisi ako at tinanggap ang isang pack ng kisses.

Ngumuso ito, "Sumasakit na ang ngipin ko kaka-kain ng chocolates, teh."

Kung hindi pa ata sumakit ang ngipin niya ay wala rin atang balak mamigay.

Nagpasalamat ako at inilagay ito sa bag. Hapon na at naisipan kong hindi muna mag-o-overtime.

"Mag-movie marathon tayo, please?" saad ni Elijah.

"Sakto wala akong duty mamayang gabi," sagot ko.

Pumalakpak siya. "Sa apartment n'yo nalang!" Aniya.

"Ha? E baka magalit yung mga kasama ko–"

"No worries! G na g kami!" Napalingon ako sa dalawang bagong dating. Sinasabi ko na e, planado na pala ang lahat.

"Sige na, sobrang stress na talaga ako this week. Daming pasyente!" reklamo ni Reysha.

Sumang-ayon nalang din ako. Namili kaming apat sa 7/11 ng mga snacks na pwedeng kainin. Junk foods, chocolates, drinks, at popcorn na lulutuin pa namin.

I also bought some foods that we can cook for our dinner. Sobrang hilig kasi nilang mag-order sa fastfood, mas tipid naman kung magluluto nalang. Among us, ako lang ata ang marunong magluto. Hindi sa pagmamayabang, wala rin akong sinasabing masarap ang mga luto ko pero at least I know how to cook. Unlike sa mga kasamahan ko na muntik pang sunugin ang apartment namin. Simula no'ng nangyari 'yon ay hindi ko na talaga sila hinayaang magluto pa. Ako na ang nagluluto ng breakfast namin o dinner.

After I cooked our foods, tinawag ko na ang tatlo para makakain na.

"Mhm... pwede ka ng mag-asawa," saad ni Elijah.

The Solace In Our Scars (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon