Isa-isang nililigpit ng mga kapatid ni Olga ang mga ginamit niya sa pagtitinda ng meryenda sa labasan malapit sa bahay nila habang siya ay nagpapahinga at nakaupong nagpupunas ng pawis. Simula ng mamatay ang kanilang ama dahil sa pagkalunod sa laot habang nangingisda, siya na ang halos tumayong magulang sa dalawa pa niyang kapatid.
Apat silang magkakapatid at pangalawa si Olga sa kanila. Ang panganay naman nila ay maagang nakapag asawa dahil nabuntis ng kasintahan kaya sya na ang umako sa mga responsibilidad na naiwan ng kanilang magulang. Tanging sa pagtitinda ng pagkain sa umaga at hapon, at panaka nakang pagtu-tutor sa mga anak ng kapitbahay nila ang naging sandigan niya upang sila ay mabuhay.
"Dana! Bilisan na natin sa pagliligpit at mukhang uulan na naman" nagmamadaling tumayo na si Olga at tumulong sa pagliligpit ng mga gamit. Kagaya ng inaasahan, malalaking patak ng ulan ang sumalubong sa kanila. Mabuti na lang at nakapasok na sila sa bahay dala dala ang huling gamit sa pagtitinda.
"Ate, malapit na ang pasukan, yung sapatos ko hindi na yata kakayanin ilakad. Sinubukan ko ng dikitan ng pandikit pero ngumanganga pa din", napapakamot sa ulong sabi ni Robin, ang pinaka bunso sa kanila. Mag ha-high school na ito at matagal ng pinagtyatyagaan ang pinaglumaan ng kanilang ama na itim na sapatos.
"Hayaan mo, ibibili kita ng bago. Mag-iipon ako para sa gamit ninyo sa eskwela. Sa ngayon sipagan pa natin sa pagtitinda. Nakakainis nga lang at madalas ang pag ulan". nakangiting sabi niya sa kapatid. Ngunit sa kabila ng mga ngiti ay iniisip na niya kung paano siya makakapag-ipon ng pambili ng gamit ng mga kapatid. Haaay bahala na, hindi naman siguro kami pababayaan ng Diyos, piping usal niya sa isip.
Matapos makapag hapunan ay sinubukan ni Olga na tawagan ang nakatatandang kapatid na nasa Davao. Doon na kasi ito nanirahan simula ng manganak.
"Hello ate! Kamusta ka na?" masayang bati niya sa kapatid.
"Ayos lang naman, Olga. Kamusta sina Robin at Dana?"
"Maayos naman sila. Ate, mayroon sana akong sasabihin. Malapit na kasi ang pasukan, wala pang gamit yung dalawa. Kaya lang, wala pakong ipon dahil ibinayad ko sa bahay at kuryente. Kung pwede sana akong humingi ng kaunting tulong, hindi na kasi puwede yung ginagamit na sapatos ni Robin." malungkot niyang sabi sa kapatid.
Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaniyang ate, at inaasahan na niya ang magiging sagot nito. Tulad nila, kapos din ito sa buhay. Pagsasaka lang ang ikinabubuhay nila at walang trabaho ang ate niya.
"Ga, alam mo naman ang sitwasyon ko dito hindi ba? Walang wala din kami, at sobrang nahihiya ako sayo. Yung responsibilidad na ako dapat ang gumagawa ay ikaw ang sumasalo. Sorry talaga Ga" mahina ang boses nito at bahagyang gumaralgal.
Alam naman niya ang magiging sagot nito, nagbaka sakali lang siya na makakatulong ang ate niya. Pilit ang ngiti niyang sinagot ang kapatid, "wala yun ate! Tayo tayo lang ang magtutulungan at naiintindihan kita."
"Hayaan mo, Ga. Kapag nagkaroon ng sobra ang budget ko ay ipapadala ko agad sa inyo. Pakikiusapan ko din ang hipag ko na makapag sideline sa negosyo nya kahit ilang araw para may maipadala ako sa inyo." ramdam niya ang determinasyon ng kapatid upang tulungan sila at masaya na siyang marinig iyon.
"Salamat ate. Sige na, at baka magising pa si Kengkeng sa tabi mo. Ihalik mo na lang ako sa pamangkin ko." pinatay na niya ang tawag matapos nilang magpaalaman.
Nang dahil sa pagod ay nakatulog siya kaagad. At sa gabing iyon ay dinalaw na naman siya sa panaginip ng alaala ng lalaking minahal niya ng buong buo sa loob ng tatlong taon. Ngunit iba ito sa pangkaraniwang panaginip niya kay Felip. Hindi ito katulad ng nauna niyang panaginip na nakatingin lamang ito sa kanya habang siya ay nagmamakaawa bago mawala ng parang bula sa harap niya. Isang galit na galit na Felip ang naglalakad papalapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa batok at marahas na hinalikan.
"Ate! Ate!" tawag ng kapatid niyang si Dana habang niyuyugyog siya upang magising. "Tanghali na, wala na tayong aabutan sa palengke." Mabilis siyang bumalikwas at tumingin sa paligid.
Panaginip lang pala. Halos habulin niya ang hininga sa kaba sa pag aakalang totoo ang kanyang panaginip. Hinding hindi nya makakalimutan ang huling araw na natikman niya ang matamis na labi ni Felip. At iyon ay hanggang alaala na lang. Alam nyang hindi mauulit ang ganoong pangyayari.
Mabilis syang nag -ayos upang mag almusal at tumungo sa palengke.
Lumipas ang mga araw at papalapit na ang pasukan. Wala pa rin syang ipon, hindi pa din niya nabibilhan ang kapatid niyang si Robin ng bagong sapatos at mga gamit sa eskwela. Wala na syang ibang maisip na paraan kung hindi ang lumapit kay Wendell, ang masugid niyang manliligaw.
Simula ng maghiwalay sila ni Felip, naging mas masugid si Wendell sa panunuyo. Halos araw araw itong dumadaan sa tindahan nila at bumibili ng paninda niya. Mabait at may itsura din naman si Wendell. Ang pamilya nito ay isa sa mga mayayaman sa lugar nila. Mayroon silang pag aaring mga warehouse at grocery sa bayan at ibang lugar sa Cagayan de Oro. Ngunit hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa binata.
Oh, Olga! Napadalaw ka? Halika pasok ka." anyaya sa knya ni Wendell sa loob ng opisina nito. Sinadya nya ito upang masabi ng personal ang pakay.
"Salamat." Ngayon lang sya nakarating sa opisina nito at masasabi nyang may ibubuga talaga ito. Maganda at maaliwalas ang ambience ng lugar.
"Sasagutin mo na ba ako kaya ka naparito mahal?" pilyong biro nito.
Tinawanan lamang nya ito at bahagyang tumikhim. Huminga muna sya ng malalim, " Wendell, may hihingiin sana akong pabor. Gusto ko sanang humiram ng pera sa Coop, yung programa ng kompanya ng papa mo. Nagbabaka sakali sana ako, magpapasukan na kasi kailangan ko ng pera para sa kakailanganin ng mga kapatid ko." Tinitigan sya ni Wendell kaya iniyuko nya ang kanyang ulo.
"Kung kaya mo lang sana akong mahalin, Olga. Matutulungan kita sa lahat ng problema mo, pati na ang pagpapa-aral sa mga kapatid mo." seryosong turan nito sa kanya.
Napatitig sya sa mukha ng lalaking kaharap niya. Seryoso ito at parang may gustong iparating.
Matagal na rin sinasabi sa kanya ng kanyang ate ang tungkol kay Wendell. Pati na ang kaibigan niyang si Jessie na walang bukambibig kundi ang panliligaw ni Wendell. Kung tutuusin na sa kanya na ang lahat pero hindi niya mapilit ang puso na mahalin ito. Dahil meron pa din nagmamay-ari nito.
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Wendell bago muling nagsalita. "Hindi kita minamadali at hindi kita pipilitin. Pero sana maisip mo ang mga bagay na kaya kong ibigay sayo at sa mga kapatid mo."Hinawakan nito ang mga kamay niya at marahang pinisil. "Heto ang form na kailangan mong i-fill up para sa loan sa Coop." Inabot nito sa kanya ang isang papel at ballpen.
Napatingin na lamang siya sa binata at nagpasalamat.
Habang sinasagutan niya ang form ay hindi mawala wala sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Wendell. Kung titimbangin ay kaligayahan niya ang kapalit ng maginhawang buhay para sa kanyang mga kapatid. Kaya ba niyang ialay ang pansariling kaligayahan para sa mga kapatid.
Muli niyang inaabot sa lalaki ang form at ballpen. "Babalitaan na lamang kita kapag naaprubahan na ng Coop ang loan mo. Dadaan ako sa inyo upang iabot sayo ang pera." Ngumiti ito sa kanya ng tipid at muling hinawakan ang kanyang kamay. "Sana pag-isipan mo mabuti Olga ang proposal ko sayo. Malinis ang intensyon ko sayo at kaya kitang pagsilbihan na parang prinsesa. Bonus na lang ang pagiging gwapo ko kung sakali." muling biro nito.
Napangiti na lamang siya sa biro ni Wendell at marahang tumango dito. "Salamat, Wendell. Napakabait mo sa akin at sa mga kapatid ko. Hayaan mo pag-iisipan ko, pero sana wag kang umasa ng sobra dahil ayaw kitang masaktan. Masasayang ang kagwapuhan mo kung iiyak ka lang sa akin." ganting biro niya. Pero sa loob ng puso niya, naaawa siya dito. Hindi niya maibigay ang buong puso niya dito dahil sa isang taong hindi niya magawang kalimutan at burahin sa puso at isip.
Tumayo na sya at nagpaalam dito ngunit nagpumilit itong ihatid siya hanggang sa pwesto nila ng tindahan. Hindi na rin siya tumanggi dahil sa hiya nito sa lalaki. Alam niyang tutulungan siya nitong makautang sa Coop. Isa pa, kaibigan na rin ang turing niya dito.
BINABASA MO ANG
How to Unlove You | Ken Suson
Romance"Love is sweeter the second time around." Kasabihang masarap sa pandinig ngunit mahirap makamtan. Iyan ang mga katagang hindi na kailanman pinangarap ni Olga na mangyari sa kanya. Naglaho na ang lahat ng pag asa at pangarap niya simula ng lumayo sa...