Untitled Part 30

75 4 0
                                    

"Bro, ano ba yang pinapanood mo at ngiting ngiti ka?" tanong ni Pablo ng tumabi ito sa binata. Break time nila mula sa maghapon nilang pagpa-practice ng mga kanta at sayaw. Kagaya kahapon ay hatinggabi na matatapos ang rehearsal nila dahil papalapit na ang mga big events na dadaluhan nila.

"Ha? Wala wala.." itinago niya ang cellphone at hinarap ang binata.

"Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan kasaya mula ng umalis si Olga. May bago na ba?" asar nito kay Ken na agad sumimangot sa tanong ni Pablo.

"Malabo yun bro!" may diin niyang sagot dito.

"So kelan mo balak sunduin ang mag iina mo?  Buti pa si Josh nakadalaw na kay Olga last month, mamaya main-love yun dun yari ka!" pang aasar pa nito ulit. Alam na alam ni Pablo ang kahinaan ni Ken at yun ay tungkol kay Olga.

"Siraulo! Hinding hindi maiinlove kay Josh yun, isa pa nag usap na kami ni Josh. Hinihintay ko lang mahanap yung lalaking puno't dulo ng gulo sa buhay namin. Mapatunayan ko lang na hindi totoo na sa kanya  ang pinagbubuntis ni Olga, tapos na ang maliligayang araw niya," may gigil na turan ng binata habang nilalaro ang mga singsing sa kamay.

"Ibig mong sabihin duda ka pa rin kay Olga?? Na mas pinaniniwalaan mo ang lalaking yun at ang nanay mo kesa sa babaeng sobrang mahal ka at naging tapat sayo? Kakaiba ka bro." Hindi makapaniwalang sabi ni Pablo at napailing iling pa.

"Hindi mo 'ko masisisi bro, sobrang laking epekto sa akin yung unang paghihiwalay namin. Nagkaroon ako ng trust issues sa mga babae. Kaya mapapanatag lang ako kapag narinig ko mismo sa bibig na lalaking iyon ang katotohanan." Nilingon nito si Pablo na ngayon ay titig na titig sa binata na parang iniintindi ang mga sinabi nito.

"Naiintindihan na kita bro. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami palagi." Tinapik tapik nito ang balikat ng binata bilang pakikisimpatya.

"Salamat bro."

_______________________________________________________________

Sobrang laking tulong ng bagong cellphone na ibinigay ni Josh sa kanya dahil mas madali na sa kanya mag research tungkol sa pagbubuntis.  Meron din itong app na nagta-track ng laki ng baby sa loob ng sinapupunan. 

Anim na buwan na ang kanyang tiyan at base sa app ay kasinlaki na ito ng isang pipino. Kaya naman naisipan niyang picturan ang sarili sa salamin upang makita ang pagkakaiba noong limang buwan pa lang ang tyan niya. 

Nakaugalian na  niyang kumuha ng litrato ng tiyan niya kada linggo upang makita ang paglaki nito. 

Hinubad niya ang pang itaas na blouse at short bago humarap sa salamin upang kuhanan ang sarili. Tumagilid siya upang mas makita ang umbok ng tiyan niya. Ilang anggulo pa ang kinuhanan niya bago nakuntento.

Lumalaki na nga ang tiyan niya at ang daming pagbabago sa katawan niya. Lalo na ang dibdib niya na lumaki ng husto kaya naman bumili siya ng ilang bagong pang ilalim na kasuotan. 

Sinimulan na rin nila mag impake ng ilang gamit na dadalhin nila sa pag alis dahil sa susunod na linggo na ang araw ng paglipat nila. Wala siyang pinagsabihan kanino man sa grupo nila Josh dahil ayaw na niya ng magulong buhay. Magsisimula siya kasama ang anak at mga kapatid. Naayos na rin niya ang tindahan sa harap ng bago nilang bahay. Pupunuin na lang niya ng paninda para may pantustos sila araw araw. Magtitindahan muna siya habang hindi pa siya makakapag trabaho muli.

Lumipas ang mga araw at naayos na nila ang mga gamit na dadalhin sa paglipat nila sa bayan ng lola nila.

"Ate wala na ba tayong nakalimutan? Bukas ay maghahakot na ang truck ng mga gamit natin." Tanong niya sa ate niyang busy sa pagchecheck ng mga gamit nila.

How to Unlove You | Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon