"Ate, bilisan mo naman. Kanina pa kami naghihintay ni ate Dana sayo" naiinip na turan ni Robin. Medyo natagalan siya sa pagbibihis dahil hindi niya alam ang susuotin na damit. Matagal tagal na din kasi mula noong huling nakalabas siya para mamasyal. Hindi niya alam kung bagay pa ba sa kanya ang mga luma niyang mga damit.
"Heto na nga, lalabas na." Muli niyang pinasadahan sa salamin ang hitsura niya bago nagpasyang lumabas ng kwarto.
" Sa wakas, makakapasyal na ulit tayo!" Masayang turan ng dalawa niyang kapatid. Hindi niya masisisi ang mga ito. Simula ng pumanaw ang kanilang ama, hindi na nila naranasan ang mamasyal at natuon na lamang ang atensyon nila sa paghahanapbuhay.
"Hayaan ninyo, sa pasko ipapasyal ko ulit kayo." wika niya sa mga kapatid habang naglalakad papuntang sakayan.
"Ang tagal pa non ate. Matatapos palang ang Mayo, pitong buwan pa ang hihintayin namin", sagot ng kapatid niyang si Robin. May kapilyuhan talaga ito at kung sumagot ay parang bata pa rin. Nasanay kasi ito sa kanilang ama na ibinibigay lahat ng gusto ng bunso nilang kapatid.
"Ang mahalaga makakapasyal pa ulit tayo. Ikaw talaga, alam mo naman na wala tayong pera at si ate lang ang naghahanapbuhay sa atin",striktang sagot ni Dana.
"Tama na yan. Basta, si ate ang bahala sa inyo. Gagawin ko lahat para makapagtapos kayo ng pag-aaral at magkaroon kayo ng maayos na buhay. Ang hiling ko lang sa inyo, sipagan nyo pa sa pag-aaral at konting tiis sa kung ano lang ang meron tayo ngayon. Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos at alam kong binabantayan tayo ni papa", malambing niyang turan sa mga kapatid.
"Salamat ate. 'Buti na lang ikaw ang naging ate namin." proud na sambit ni Robin.
"Sus, bola!" sabay sabay silang nagtawanan magkakapatid.
Nakauwi sila ng bahay bandang alas siyete ng gabi at masayang masaya ang dalawa niyang kapatid na sinusukat ang mga bagong sapatos kanilang binili. Namili rin sila ng ibang gamit sa eskwela tulad ng mga papel, kwaderno, ballpen at mga gamit sa arts.
Napatingin siya sa kanyang cellphone nang umilaw ito hudyat na may tumatawag.
"Hello, bes! Napatawag ka?" bungad niya sa matalik niyang kaibigan. Si Jessie ang nag-iisa niyang kaibigan mula noong elementarya. Naging magka-klase sila mula elementary hanggang highschool. Nagkahiwalay lamang sila ng school dahil sa pribadong paaralan na tinuloy ng kaibigan ang pagkokolehiyo samantalang siya ay sa public school sa kanilang probinsya. Si Jessie ay nakapagtapos sa pag-aaral, hindi gaya niya na hanggang second year college lamang. Hindi na niya naipagpatuloy ang pag-aaral mula ng mamatay ang kanyang ama, at isa iyon sa pinanghihinayangan niya. Bagaman iskolar siya sa kanilang paaralan, hindi kakayanin ang gastusin sa school at wala ding mag aasikaso sa kanyang mga kapatid.
"Bes!! Kamusta ka na? Namimiss na kita kaya napatawag ako. Mag aanim na buwan na ako dito at wala akong maka-chikahan kagaya mo," malungkot na turan nito. Lumuwas kasi ito ng Maynila simula ng mapromote sa pinapasukang kompanya dito sa Cagayan de Oro at kinakailangan na sa Maynila siya manirahan.
"I miss you too, bes. Ang lungkot nga ng buhay ko dito simula noong nawala ka. Wala ng mainit na chismis akong nasasagap. Alam mo naman na sayo lang ako nakakarinig ng mga chika sa lugar natin", biro niya sa kaibigan.
"Gaga! Ginawa mo pa akong Lolit Solis! Anyway, kaya din ako napatawag sayo, gusto ko sanang alukin ka ng trabaho dito sa Manila. Mayroon ditong opening sa amin, at alam kong kaya mo ang trabaho", wika nito. "Alam ko naman na ang isasagot mo, hindi mo maiiwan ang mga kapatid mo dyan. Pero sana pag isipan mo, malaki ang pasahod dito at mas matutustusan mo ang pag-aaral ng mga kapatid mo" pagtatapos nito.
"Bes, alam mo naman na hindi ako graduate ng college diba? So paano ako papasa dyan? Sigurado ako bigating kompanya ang pinagtatrabahuhan mo at hindi sila tatanggap ng undergraduate." Alam niyang nais lang siyang tulungan ng kaibigan, pero alam din niya kung hanggang saan lang siya. Kaya nga hindi niya magawang mag apply sa kahit anong trabaho dito sa Cagayan de Oro dahil alam niyang bihira ang tumatanggap ng hindi tapos at walang experience sa pagtatrabaho.
"Ako ng bahala doon. Ano pang sense ng pagiging Senior Operations Manager ko kung hindi kita kayang ilusot?Isa pa, ang may-ari ng business na pagtatrabahuhan mo ay hindi maselan sa credentials" wika ni Jessie sa kanya.
"Ibig sabihin, sa iba ako magtatrabaho kung sakali? Hindi sa kompanya nyo? Parang ang hirap naman non, bes!" naguguluhang tanong niya sa kaibigan. Hindi niya kakayanin kung malalayo siya sa kaibigan kung sa Maynila siya magtatrabaho.
"Hindi naman talaga iba, kumbaga bagong kasosyo ng kumpanya. Under sila ng company namin, which is why kami ang nagpa-process ng mga applications for needed positions. And hello?? Hindi ganyan ang kilala kong Olga. Palaban at matapang ang kilala kong Olga" paliwanag nito. "At para mas makumbinsi ka, ang estimated salary is 35-40k!"
Pumalakpak ang tenga niya sa narinig na halaga ng pasahod sa Maynila. Agad pumasok sa isip niya ang mga kapatid at ang magiging buhay nila kung makukuha ko ang posisyon na iyon.
"Talaga? Baka binibiro mo lang ako bes!" paniniguro niya. Ngunit sa tono ng boses nito alam niyang seryoso ito sa sinabi.
"Totoo 'yon bes, at gusto kong pag isipan mo ito mabuti. Hihintayin ko ang sagot mo bukas o sa makalawa, basta pag isipan mo", pagdidiin ni Jessie sa kanya.
Nagkuwentuhan pa sila ng ilang minuto bago nya pinatay ang tawag. Mag aalas onse na ng gabi ngunit hindi pa din siya makatulog. Maraming bumabagabag sa kanya. Una, paano ang mga kapatid niya kapag tinanggap niya ang alok sa Maynila. Pangalawa, kakayanin kaya niya ang buhay sa Maynila. At higit sa lahat, natatakot siyang makitang muli ang lalaking hindi mabura bura sa puso't isip niya.
Ganunpaman, alam niyang malabo na na magkita pa sila ni Felip. At kung magkita man sila, tiyak niyang hindi na siya nito pagtutuunan ng pansin dahil sa nangyari sa kanila. Siya ang naging dahilan kung bakit umalis ito ng lugar nila at putulin ang relasyon nila. Siya ang dahilan ng poot at galit sa mga mata nito ngayon.
Sa tuwing bumabalik sa kanyang alaala ang mga nangyari, hindi niya mapigilang lumuha dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Ang mga halakhak, haplos, yakap at halik ng unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso..
Ang mga matang kung tumitig ay tagos sa puso at kaluluwa..
Ang boses na kumakalma at dumuduyan sa kanyang pagkatao..
Lahat ng ito'y hanggang panaginip na lamang at kailanma'y hindi na muling makakamtan.
BINABASA MO ANG
How to Unlove You | Ken Suson
Romantiek"Love is sweeter the second time around." Kasabihang masarap sa pandinig ngunit mahirap makamtan. Iyan ang mga katagang hindi na kailanman pinangarap ni Olga na mangyari sa kanya. Naglaho na ang lahat ng pag asa at pangarap niya simula ng lumayo sa...