Untitled Part 4

97 3 1
                                    

"Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo Ga? Pinag isipan mo ba ito ng mabuti?" tanong ng ate Lucy niya. Tinawagan niya ito ng makapag desisyon na sya tungkol sa alok na trabaho ng kaibigan niya sa Maynila.

"Oo ate. Naisip ko rin kasi, lumalaki na ang gastos nila Robin at Dana sa school baka hindi na kayanin kung magtitinda lang kami. Kung magtatrabaho naman ako sa Maynila ay mas malaki ang kita at makakapag ipon pa ako para sa pangkolehiyo ni Dana", paliwanag niya sa kanyang ate.

Natahimik ito sa kabilang linya pagkatapos marinig ang paliwanag niya. Alam niyang sinisisi na naman nito ang sarili sa nangyayari at ayaw niya iyon mangyari.

"Ate, wag ka na malungkot. Alam ko naman na kung ikaw ang nasa posisyon ko ay gagawin mo din ito. Tayong magkakapatid na lang ang magdadamayan at hinding hindi ko kayo pababayaan. Mahal na mahal ko kayo, lahat gagawin ko para mapabuti tayo", may luha sa matang wika niya sa kanyang ate.

"Alam ko naman yon, Ga. Nalulungkot lang ako kasi first time na malalayo ka sa amin" tuluyan ng nabasag ang boses nito at pilit tinatago ang pag iyak. "Mag-iingat ka lagi doon at wag mo pababayaan ang sarili mo."

"Si ate naman kung makaiyak, parang mag iibang bansa ako", biro niya sa kanyang ate. Ngunit ang totoo ay mamimiss din niya ang mga kapatid niya. Mabuti na lang at pumayag ang ate niya na lumipat muna sa kanila para may kasama ang dalawa pa nilang kapatid.

Lumipas ang isang linggo, bukas ay lilipad na siya pa-Maynila. Nakausap na din niya si Wendell tungkol sa utang niya sa Coop. Nangako siyang babayaran ito kada-sahod at pumayag naman ito. Ito na rin ang nagprisintang maghahatid sa kanya sa airport na hindi na niya tinanggihan dahil alam nyang hindi din naman ito papapigil.

"Ate, tatawag ka ng madalas ha.  At tsaka eto yung size ng paa ko, para kapag bibili ka na ng sapatos ko alam mo na ang size", nakangiting wika ni Robin. Mamimiss niya ang kakulitan nito.

"Loko ka talaga! Hindi naman ako mangingibang bansa. Dana, ikaw ng bahala sa kapatid mo ha. At bawal din ang ligaw-ligaw! Kailangan makapagtapos muna kayo", bilin niya sa dalawang kapatid niya.

"Mag eighteen naman na ako ate next year, baka pwede na?" pangungulit ni Dana.

"Hindi ho pwede. Mag aral muna at sumunod kay ate Lucy. Tumulong din kayo sa gawaing bahay at pagbabantay kay Kengkeng. Si ate na muna ang tatao sa tindahan", striktang bilin niya.

"Sige na nga. Basta ate yung sapatos ko ha!" wika ni Robin.

"Ako ate SB19 merch lang! Ayy sorry..." hinging paumanhin ni Dana. Hindi lingid sa kaalaman niya na fan ang kapatid niya ng mga KPop boy band at ng SB19 kung saan kabilang si Felip. Wala itong mga poster sa kwarto nito dahil alam nito ang nangyari sa kanila.

"BTS na lang pala ate, hehehe" bawi nito.

"Kayo talagang mga bata kayo", sabay gulo sa mga buhok nito.

Hatinggabi na pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Alas diyes ng umaga ang flight niya bukas at lahat ng gamit niya ay nakaayos na. Ilang beses din niyang chineck ang mga gamit upang makasigurong wala syang makakalimutan. 

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Kaba, dahil pupunta siya sa lugar na hindi niya kinalakihan at nakasanayan. Hindi niya alam ang kalakaran sa Maynila at kung kakayanin ba niya ang magtrabaho doon. Lungkot, dahil mapapahiwalay siya sa tanging pamilyang meron siya. Sa loob ng halos dalawampu't limang taon niya sa mundo, ngayon lang siya malalayo sa mga kapatid niya. Pero, ang lahat naman ng ito ay para sa kanila. Takot, na hindi naman niya dapat nararamdaman pero may umuusbong sa kanyang damdamin. Hindi niya maikakaila na may tsansa siyang makita si Felip doon at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

How to Unlove You | Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon