Untitled Part 28

70 3 6
                                    

Naitago niya ng isa pang buwan ang pagdadalang tao niya mula sa kasintahan. Hindi rin kasi nito mapapansin dahil madalas itong hindi umuuwi dahil sa sunod sunod na events at rehearsal. May mga out of town din ang mga ito kaya bihira ito umuwi sa isang linggo.

Nakapagdesisyon siyang itago muna ito sa binata para makapag focus ito sa mga malalaking events nila. Tsaka na lang niya kakausapin ang binata tungkol sa pagbubuntis. Kung papayag ito ay maglalagi siya sa Cagayan de Oro para malayo sa chismis.

Ngunit hindi niya inaasahan ang pagdating ng big boss ng grupo sa unit ng binata. Ang akala niya ay si Felip ang pakay nito ngunit nagkamali siya. Siya ang gustong kausapin nito dahil kasama din nito ang ina ng kasintahan.

"Hi Olga! It's nice to see you again." Bati nito sa kanya ng papasukin niya ang mga ito.

"H-hello po. Ano pong sadya ninyo sa akin." Kinakabahan siya sa dahilan ng pagpunta nito dito kasama ang ina ng binata. May kutob siyang ipinaalam na ng matandang babae ang sitwasyon nila ni Felip pati na ang pagbubuntis niya.

"Tatapatin na kita, Olga. Alam ko na ang lahat tungkol sa inyo ni Ken pati na ang sitwasyon mo ngayon. I just want to remind you that Ken's career is on its peak and we cannot afford to lose everything he built just because of you and that baby. Don't get me wrong, pero sigurado ako na hindi mo rin gustong makitang mawala lahat kay Felip right?" Pranka nitong turan sa kanya. 

Para siyang dinaganan ng mabigat na bagay sa dibdib at kinakapos ng hangin sa paghinga. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam ang isasagot. Nakita rin niya ang pagngiti ng ina ng binata ng makita ang reaksyon niya.

"To be honest, tutol na ako noong nalaman kong nagli-live in na kayo ni Ken but nakiusap siya sa akin kaya pumayag na ako. Nakita ko kasi ang pagbabago sa kanya, mas naging determinado siya at masaya sa mga ginagawa. Ang dami nyang pangarap at gustong magawa pa." Patuloy nito.

"But this time, having that baby is no longer acceptable. It's either he chooses you and leave everything he has, or abort that baby and be with him as long as you want." Pinamimili siya nito, at napakahirap ng gusto nilang mangyari. Imposibleng isakripisyo niya ang anak niya dahil hinding hindi niya gagawin iyon.

"Kung gusto mo naman, umalis ka na lang at wag ng magpakita sa anak ko. Sayo na ang bata, padadalhan ko na lang kayo ng sustento--" hindi na natapos ng matandang babae ang sasabihin ng sumigaw siya.

"Hindi hayop ang anak ko! At higit sa lahat hindi kami charity para kaawaan  ninyo! Hindi ko kailangan mamili dahil lang sa mga sarili ninyong interest!" Humihingal siya sa galit kaya napahawak siya sa mesa sa kusina.

"Sa tingin mo ba pipiliin ng anak ko ang batang yan kapalit ng career niya?! Gumising ka sa katotohanan iha! Mas masasaktan ka lang kung sa kanya mismo manggagaling na alisin ang batang yan." Sagot ng matandang babae na pursigidong alisin sila sa buhay ng anak niya.

"I can give you money to start a new life in your province. Pwede ka mag business para may pinagkakakitaan ka. Kung itutuloy mo ang pagbubuntis kami na ang sasagot sa mga gastusin mo hanggang panga--" Napahinto ang matandang lalaki ng hampasin niya ang mesa.

"Inuulit ko, hindi kayo ang magdedesisyon sa buhay namin. Kakausapin ko si Ken tungkol dito, at kung anong mapag usapan namin yun ang gagawin ko. Kung wala na kayong ibang sasabihin, makakaalis na kayo." Tinalikuran niya ang mga ito at pumasok sa kwarto nila ng binata.

Nanghihina siyang napaupo sa likod ng pinto pagkasara nito. Doon lang nagsimulang mamuo ang mga luha niya at napahagulgol siya ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman. Wala pa man sa mundo ang anak niya ay nakakatanggap na ito ng pang aalipusta. Hinimas himas niya ang puson at tahimik na humihingi ng paumanhin sa anak.

How to Unlove You | Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon