Untitled Part 22

75 2 0
                                    

Nagising siya sa mga halik at haplos ng kamay ng binata sa tabi niya. Naririnig din niya ang pagtawag nito kaya nagmulat na siya ng mata at sinilip ito.

"Ga.." tawag nito sa kanya habang patuloy sa paghalik sa leeg niya pababa. Tuluyan ng nawala ang antok niya ng maramdaman ang kamay nito sa loob ng t-shirt na suot niya at minamasahe ang ibabaw ng kanyang dibdib.

"Ga..T-teka.." awat niya rito. Anong oras na ba? Baka mahuli ito sa flight nito. Ngunit parang bingi itong patuloy sa ginagawa.

"Sandali..a-anong oras na?" bahagya niya itong itinulak at tinakpan ang bibig nito para huminto sa paghalik.

"Maaga pa, marami pa tayong oras.."namumungay nitong sagot at tinabig ang kamay niya bago siya siniil ng halik. Ramdam niya ang pagkasabik nito kung kaya hindi na siya tumutol. Hindi rin naman niya ito mapipigil at higit sa lahat, gusto din niya ang nangyayari. Hinding hindi siya magsasawa sa mga halik nito at yakap.

"Anong oras ang call time nyo?" tanong niya rito na ngayon ay nagpapahinga sa tabi niya. Hindi niya naitago ang lungkot sa boses kaya umangat ang ulo nito para tingnan siya. Nakayakap ito sa kanya at nakasiksik sa leeg niya ito, bagay na madalas nitong ginagawa kapag magkatabi sila.

"Ala una ng hapon." Pinagmamasdan nito ang mukha niyang nakatitig lang sa puting kisame ng bahay nito. "Sshh, wag ka umiyak please.." pinunasan nito ang mga luhang nalaglag sa mga mata niya ng hindi namamalayan.

Kahit siya ay nagulat ng malaman na umiiyak na pala siya. Samu't saring emosyon kasi ang nararamdaman niya at mas lamang ang lungkot. Dahil ngayong araw ang huling araw na magkakasama sila.

"S-sorry..may naalala lang ako," umupo siya at sumandal sa headboard ng kama habang hila hila ang kumot para takpan ang katawan niya.

"We'll talk about us when I get back. Kung pwede lang kita isama, isasama kita sa tour. Kaya lang gahol na sa oras. " Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinalikan. "Mahihintay mo ba ako?" punong puno ng emosyon ang mata ng binata at naghihintay ng sagot niya.

"I-ibig bang sabihin, hindi mo na ako hihiwalayan?" tanong niya rito. Nagsimula na naman mamuo ang mga luha sa mata niya ng marinig ang mga sinabi nito kanina.

Umiling ito. "Paano pa kita papakawalan? Halos mabuang ako kapag wala ka, lalo na ngayong akin ka na" May ngiti ito sa labi at kitang kita ang saya sa mga mukha nito. "Hindi ko kakayanin kapag sa iba ka napunta, baka makapatay ako."

"S-sigurado ka ba dyan sa desisyon mo? B-baka masira ang career mo, gaya nga ng sabi mo unti unti mo ng naaabot ang mga pangarap mo. Kung malalaman nila na ako ang kasintahan mo, baka masira ka o tanggalin ka," paliwanag niya. Sa dami ng hirap at sakripisyo ng binata ay handa siyang lumayo wag lang masayang ang lahat ng iyon.

"Naabot ko na lahat ng pangarap ko, at isa ka doon. Kaya kung anuman ang meron ako ngayon, masaya na ako," punong puno ng sinseridad ang boses nito kaya tuluyan na siyang humagulgol. Niyakap niya ito ng mahigpit at doon ibinuhos ang lahat ng nararamdaman. 

Mag- aalas onse na ng napilit niyang umalis ng kama ang binata. Ayaw pa nitong bumangon dahil nakatulog ulit ito sa pagod. Nagluto siya ng almusal nila at tinulungan ang binata sa maleta nito matapos kumain. 

"Sige na, maligo ka na. Ililigpit ko lang ang kalat sa kusina." Utos niya sa binata habang inaayos ang pagkakasalansan ng maleta nito. Sinimulan na rin niyang ayusin ang kama nito ngunit hindi na niya natapos ang ginagawa ng hilahin siya nito at isama sa loob ng banyo.

"Hindi ka ba napapagod, Ga?" Siya ang sumusuko sa binata at parang hindi napapagod at nagsasawa.

"Saan?" pilyong tanong nito sa kanya. Unti unti nitong inaalis ang mga damit niya bago inalis ang kanya. Napalunok siya ng mapagmasdan ang kabuuan nito. 

How to Unlove You | Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon