Bahagyang nakabaluktot ang mga binti ng binata dahil hindi ito kasya sa higaan niya. Nakayakap ito sa kanya na parang mawawala siya at nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya.
"Sobrang namiss kita, Ga. Yung amoy mo, yung lambot ng balat mo, lalong lalo na ang boses mo. Ikaw talaga ang pahinga ko.." Mabagal ang bawat pagbigkas ng binata at bakas sa boses ang antok.
Uminit ang puso niya at alam niyang masayang masaya siya ngayon dahil nandito ang binata. Akala niya ay hindi na siya hahanapin ng binata kaya ganon na lang ang kabog ng puso niya ng masilayan ito kanina. Ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya, lalo na kapag ang mga mata nito ay nasa kanya. Para siyang kandilang nauupos dahil sa init ng titig nito.
"Hindi mo ba ako namiss?" maya maya ay tanong ng binata ng hindi siya umimik.
Umikot siya paharap dito at ginantihan ng yakap ang binata. "Sobra, kung alam mo lang." Bulong niya rito.
"Ga..I am trying my very best to stop myself from kissing you and to take you right here, right now. So please don't whisper and keep your distance."
Napaatras naman siya ng bahagya at bumalik sa dating pwesto dahil alam niyang pulang pula na ang mukha niya ng mga oras na iyon. "Puro ka talaga kapilyuhan! Matulog ka na nga.." dinaan niya sa pagsusungit at epekto ng mga sinabi ng binata. Uminit lalo ang pakiramdam niya dahil dito.
Maya maya pa ay narinig na niya ang paghilik nito. Ipinagpapasalamat niya ang makatulog ng mahimbing ang binata dahil makakabawi ito ng lakas para sa mga susunod na shows and events nila.
Nang masigurong tulog na ito ay bumangon siya upang kausapin ang ate niya. Nakapagdesisyon na siya, at ipapaalam niya sa mga kapatid niya ngayon.
"Ate.." tawag niya sa kapatid na kasalukuyang nag aayos ng mga paninda. Lumingon ito ng marinig ang pagtawag niya.
"Ano yun, Ga? May kailangan ka?" tanong nito habang patuloy pa rin sa pagsasalansan ng mga paninda nila.
"Ahm..ate, gusto ko kasing magpaalam sayo." Hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin ang plano niya para sa kanila ng binata.
"Sasama ka kay Felip pabalik? Alam ko na yan, ramdam ko na agad." Ngingiti ngiti nitong bulgar sa plano niya.
Naluha naman siya dahil sa halo halong emosyon. Nalulungkot siya dahil iiwan na naman niya ang mga kapatid sa probinsya, at masaya rin dahil naiintindihan ng ate niya ang laman ng puso at isip niya.
"Kahit hindi ka magsalita, alam ko na Ga. Tsaka nagsabi na sa akin si Ken kanina bago ka pa niya kausapin. Nangako naman siya na hindi ka papabayaan at tutulong sayo at sa amin," kampante nitong sabi.
"Nahihiya ako ate, kasi ikaw na naman ang magbabantay sa dalawa. Pero magpapadala naman ako dahil may trabaho ako doon. Mag iipon din ako para sa kolehiyo ng dalawa kaya sasamantalahin ko na," paliwanag niya.
"Ano ka ba! Ako nga tong dapat mahiya dahil ikaw na halos ang nagpalaki sa dalawa. Ngayon pa lang ako makakabawi. Isa pa, napagbabantay ko naman kay Kengkeng yung dalawa kaya kahit papano nakakakilos ako." May punto naman ang ate niya kahit papaano napanatag ang loob niya.
"Wag na muna kayo umupa ni kuya, dumito na muna kayo para makaipon din kayo." Gusto din niyang makatulong kahit papaano sa ate niya kaya mas maganda na dumito na sila.
"Sige, ako ng bahala sa dalawa. Basta mag-iingat ka lagi sa Maynila. Tiwala naman ako dyan kay Felip, pero kung paiiyakin ka lang niyan at sasaktan ulit wag kang magdalawang isip na umuwi dito." Ramdam niya ang kaligayahan ng ate niya para sa kanya. Niyakap siya nito at tinapik sa ulo.
"Salamat ate." Ngumiti siya rito at gumanti ng yakap.
Tumulong siya sa pag aayos nito ng mga paninda dahil tulog pa naman ang binata at baka gabi na ito magising. Nang matapos sila ay namalengke siya saglit ng pang hapunan nila para mamaya ay iluluto na lang. Magluluto siya ng paborito ni Ken na pritong isda at sinigang na baboy. Para naman makatikim ito ng lutong bahay dahil puro delivery ang kinakain nito kapag mag-isa lang.
BINABASA MO ANG
How to Unlove You | Ken Suson
Romance"Love is sweeter the second time around." Kasabihang masarap sa pandinig ngunit mahirap makamtan. Iyan ang mga katagang hindi na kailanman pinangarap ni Olga na mangyari sa kanya. Naglaho na ang lahat ng pag asa at pangarap niya simula ng lumayo sa...