Untitled Part 7

72 3 0
                                    

Pinili niyang maglinis ng condo ng kaibigan ng sumunod na araw dahil wala naman siyang gagawin buong araw. Hinihintay na lamang niya ang resulta mula sa inapplyan niya, ngunit hindi na siya masyadong umaasa. Kahit na may posisyon si Jessie sa kompanya nila, maaari pa rin silang humanap ng mas karapat dapat sa posisyon. 

Ngayon palang nag iisip na siya ng ibang trabaho pwedeng applyan para hindi masayang ang pagluwas niya dito sa Maynila. Ayaw niyang biguin ang mga kapatid na umaasa sa kanya.

Tumunog ang cellphone niya at dali daling binasa ang mensahe. Kung kanina ay mga promo subscription lang sa network ng sim niya ang natatanggap niya, ngayon ay galing na sa HR ng kompanyang inapplyan niya.

Bumagsak ang balikat niya ng mabasa ang mensahe mula sa HR. Kahit na alam niya na mas lamang ang hindi siya makakapasa sa inapplyan, masakit pa din mabasa ang naging resulta. Napaupo siya sa sofa dahil talagang nanlumo siya. Kasamang nabigo ang mga pangarap niya na matulungan ang mga kapatid sa probinsya. Ngayon niya mas naramdaman ang pressure na makahanap ng ibang trabaho para hindi masayang ang pagluwas.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang laptop na pinahiram sa kaniya ng kaibigan. Ginagamit niya ito sa pagchecheck ng emails ang messages sa social media mula sa mga kapatid. Sinimulan niyang tignan ang mga job posting sa facebook. Gumawa din siya ng profile sa isang kilalang website na nag aalok ng iba't-ibang trabaho.

Hindi niya namalayan na may ilang oras na pala siyang matiyagang naghahanap ng trabahong maaari niyang applyan. Dahil sa karamihan ay hindi sya qualified, iilang lang ang napasahan niya ng resume. 

Dahil sa kalam ng sikmura, napagpasyahan niyang mamaya na lang ituloy ang paghahanap. Ngunit ng akmang ilo-log out na ang account ay may isang mensaheng pumasok sa kanyang email. Binasa niya ito upang malaman kung kanino ito galing.

Hindi makapaniwalang napatayo siya sa pagkakaupo at muling binasa ang mensahe sa isang pribadong email. Isang trabaho ang inaalok nito at nakita nito ang profile niya sa isang kilalang website para sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang magiging trabaho niya ay Personal Assistant ng isang celebrity. Ngunit hindi ito ang nakapukaw ng atensyon niya, kung hindi ang halaga ng sasahurin. Hindi ito kasing-laki ng halaga sa una niyang inapplyan ngunit malaki pa rin ito at sapat na upang makapagpadala siya sa mga kapatid. Agad niyang sinagot ang mensahe at pumayag sa oras ng interview. 

Pagkasarang pagkasara ng laptop ay nagtatalon siya sa tuwa. Hindi niya akalain na mabilis siyang makakahanap ng kapalit na trabaho at hindi masasayang ang pagluwas niya dito.

Sumapit ang hapunan at kasalukuyan silang kumakain ng kaibigan ng ibalita niya ang nangyari sa kanya ngayong araw. Panay ang hingi ng sorry ng kaibigan dahil sa naging resulta ng unang inapplyan niya. Sigurado daw si Jessie na tanggap na siya bago pa siya lumuwas dito dahil intinembre na daw siya ang nag refer. Ngunit biglang nagbago ang desisyon at wala daw nakakaalam kung bakit.

"Hindi ko alam bes bakit nagbago ang desisyon nila, samantalang ikaw lang ang ininterview nila noong araw na iyon. Nakalaan na talaga ang posisyon para sayo. I really feel bad kasi bumiyahe ka pa dito, tapos wala naman mapapala", hinging paumanhin nito. Bakas sa mukha nito ang lungkot at dismaya.

"Hayaan mo na yun, bes! Hindi naman ako pinabayaan ni Lord, binigyan niya agad ako ng kapalit. Hindi nga lang kasing laki ng sahod sa kompanya ninyo pero ayos na din", palubag loob niya. Ayaw niyang makaramdam ng panghihinayang ito at pagsisisi sa nangyari dahil marami na din itong naitulong sa kanya.

"Sigurado ka ba diyan sa papasukin mo bes? Hindi biro ang maging PA, lagi kang nakasunod sa amo mo at lahat ng utos ay sa iyo ipapagawa. Pinag isipan mo na ba yan mabuti?" tanong nito sa kanya.

How to Unlove You | Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon