Ken's POV
Masakit ang ulo niya ng magising kinabukasan. Naparami kasi ang inom niya kagabi kasama ang mga kagrupo. Inaya niya ang mga ito at nagpaunlak naman kaya naparami lalo ang inom nila. Hindi na niya matandaan ang mga huling nangyari kagabi at kung paano siya napunta sa kama niya.
"Pre, pre.. gising na, baka ma-late tayo sa shooting ngayong araw." Niyugyog siya ng bahagya ni Josh upang gisingin siya. Umungol lang siya at umikot sa kabilang side na kama. Antok at sakit ng ulo ang nararamdaman niya at gusto pa niyang matulog.
"Sige ka, lalamig ang niluto ni Olga. Kaya halika na, baka maubusan ka", nanunudyong sabi ni Josh.
Pagkarinig sa pangalan ng dalaga ay napabangon siya at dumiretso ng banyo upang maghilamos at magsipilyo. Kaya naman si Josh ay ngingiti ngiting lumabas ng kwarto niya.
Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa lamesa. Masakit pa rin ang ulo niya dahil sa hangover.
"Wag mo sasabihing iiyak ka na naman", asar ni Stell sa kanya. Lintik ka talaga Stell, bulong niya sa isip ng marinig ang sinabi nito. Napalingon din si Olga sa gawi nila ng marinig ang sinabi nito.
"Olga, halika sabayan mo na kami kumain. Wala pa naman ang ibang mga PA kaya sumabay ka na", alok ni Pablo sa dalaga matapos itong magluto ng agahan.
Inasikaso naman ito ni Josh at hinawakan sa balikat habang iginigiya papuntang lamesa. Pinagsilbihan pa ito ng binata at sinandukan ng pagkain. Nawalan siya ng gana sa nakikita at pinili niyang maligo na lang muna dahil baka kung ano ang magawa niya.
Habang nasa shower ay inalala niya ang sinabi ni Stell na pag iyak niya. Malabo at hindi na niya maalala lahat at tanging pag iyak niya habang binabanggit ang pangalan ng dalaga ang naaalala niya. Kung may nasabi man siya o naibunyag sa kagrupo ay hindi na niya alam.
Nang lumabas siya ay dinatnan niya ang dalaga sa kusina na nagliligpit. Nagulat pa ito ng makita siyang nakaupo sa lamesa. Hindi niya inaasahan na hahainan siya nito ng pagkain at pagsisilbihan kung kaya't hindi siya makatingin ng diretso dito.
Tumaba ang puso niya sa simpleng aksyon nito na dati na nitong ginagawa noong nasa Cagayan de Oro pa sila. Sa tuwing pupunta siya sa bahay nito at hindi pa kumakain ay pinaghahain siya nito at inaasikaso na parang asawa. Madalas ay sabay sila kung kumain at nagkukuwentuhan kaya naman iba ang pakiramdam niya ngayon. Bumabalik ang lahat sa kanya at hindi niya mapigilan ang puso niya sa pagririgodon.
Umalis na ito ng kusina at pumunta sa sala upang ayusin ang mga gamit ni Pablo. Ni hindi man lang siya nakapag pasalamat.
Natapos ang shoot nila ng araw na iyon. Sa wakas makakapag relax na sila, naging masyadong busy ang buong grupo dahil sa dami ng rehearsals at events na pinuntahan nila. Napadaan siya sa grupo ng makitang nandoon ang dalaga.
"Huling tanong Olga, sasama ka ba sa amin sa beach o hindi" pangungumbinsi ni Pablo. Dinig niyang sabi ni Pablo sa dalaga. Mukhang gusto nilang isama ang dalaga sa outing.
"Hindi talaga--" hindi na niya pinatapos ang dalaga sa pagsasalita.
"Sasama na daw siya bukas, sabi niya saken kanina", singit niya. Nanlaki ang mata ng dalaga sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon pero iisa ang sigaw ng puso niya, yun ay ang makasama ulit ang dalaga at makita ito ng mas matagal.
Kinaumagahan ay maagang nakarating ang dalaga sa apartment at tinutulungan na nito si Stell sa pagluluto. Masipag at mabait talaga ang dalaga. Maasikaso pa ito at hindi nagrereklamo, mga katangian ng dalaga na gustong gusto niya. Totoong maswerte ang mapapangasawa nito. Ngunit inalis niya ang isipin na iyon dahil kumirot at dibdib niya ng maisip na sa iba ito mapupunta. Hindi niya kayang makita na ibang lalaki ang pinagsisilbihan nito. Ngunit ano nga bang karapatan pa niya?
BINABASA MO ANG
How to Unlove You | Ken Suson
Romance"Love is sweeter the second time around." Kasabihang masarap sa pandinig ngunit mahirap makamtan. Iyan ang mga katagang hindi na kailanman pinangarap ni Olga na mangyari sa kanya. Naglaho na ang lahat ng pag asa at pangarap niya simula ng lumayo sa...