Nagising siya sa tunog ng alarm ng cellphone ng binata kaya napabangon siyang bigla. Muntik na niyang makalimutan kung nasaan siya at ang mga nangyari kagabi kung hindi pa niya naramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita niya. Tulog na tulog pa rin ang binata kaya pinatay na niya ang alarm nito at dahan dahang umalis sa pagkakadantay nito sa kanya.
Pinulot niya ang mga damit, ngunit naisipan niya na t-shirt na lang nito ang suotin. Maluwag at mahaba iyon na aabot hanggang sa gitna ng hita niya. Hinanap niya ang banyo nito para maghilamos at mag ayos ng sarili. Gustuhin man niyang mag shower pero wala siyang dalang extra na damit.
Muli niyang sinilip ang cellphone nito para tingnan ang schedule nito ngayong araw. Gigisingin niya ito para hindi ma-late at mapagalitan na madalas mangyari dito. Ngunit bumungad sa kanya ang mukha niyang nakangiti na stolen shot ang pagkakakuha.
Mukha niya ang wallpaper nito? Uminit ang puso niya sa nakita at lihim na napangiti.
Base sa schedule nito sa calendar nito ay may rehearsal sila ng alas diyes ng umaga. Napatingin siya sa orasan sa cellphone nito, mag aalas siyete na. Kailangan na niyang gisingin ang binata para hindi ma-late sa call time.
Nagpainit muna siya ng tubig gamit ang electric kettle nito at naghanap ng pwedeng iluto ng mabilis para makapag almusal ito. May nakita siyang dalawang pirasong itlog at loaf bread sa kusina nito kaya ito na lang ang iluluto niya. Pinrito lang niya ang itlog at pinainit ang tinapay at inihain na ito sa lamesa. Bumalik siya sa kwarto para gisingin ito, ngunit nakasalubong niya ito sa pintuan na natataranta at parang may hinahanap. Naka boxer briefs lang ito at walang pang itaas kaya medyo nailang siya sa tanawin sa harap niya.
Napabuga ito ng hangin ng makita siya at niyakap ng mahigpit. Naguguluhan siya sa ikinikilos nito na para bang natatakot na mawala siya.
"Bakit? Anong problema?" tanong niya ng medyo luwagan ng binata ang pagkakahapit nito sa katawan niya.
"Akala ko wala ka na, naalimpungatan kasi ako wala ka na sa tabi ko," paliwanag nito na bahagyang umatras ng makita ang suot niyang damit. Bahagyang umangat ang sulok ng labi nito ng mapagmasdan siya.
"Nagluto kasi ako ng agahan, gigisingin na nga sana kita kasi anong oras na. Baka ma-late ka na naman at mapagalitan," paliwanag niya rito. "Kumain ka na, itlog lang at tinapay yan wala kasing laman ang kabinet at ref mo."
"Hindi kasi ako madalas dito, kaya hindi ako nags-stock ng pagkain. Halika na, sabay na tayo" iginiya siya nito papuntang lamesa ngunit dumiretso siya sa lababo para itimpla ang kape nito.
Iniabot niya rito ang kape nito at nilagyan ng tinapay at itlog ang plato nito. Gaya ng nakagawian nila noong nasa Cagayan de Oro pa sila. Siya ang nag aasikaso ng lahat sa pagkain kapag sabay silang kumakain sa bahay nila. Para silang mag asawa kung titingnan.
"Anong mga kailangan mo mamaya sa rehearsal? Naayos mo na ba?" tanong niya sa binata na dahan dahang humihigop ng kape. Umiling lang ito at nagsimula ng kumain.
"Sigurado ka? Extrang damit? Sapatos, hindi ka magdadala?" paniniguro niya rito. Gusto kasi niyang ayusin na ito para hindi na magahol ang binata mamaya.
"Dalawang extra ng t-shirt lang ang bimpo pamunas ng pawis, yun lang naman madalas kong dinadala" naubos nito niluto niyang itlog at ilang loaf bread. Halatang nagutom ito sa ginawa nila kagabi. Pinamulahan siya sa naalala kaya tumayo na siya at nagtungo sa kwarto nito.
Naghanap siya ng mga t-shirt sa kabinet nito at bimpo. Puti at itim na t-shirt ang napili niya. Ipinatong niya sa kama ang mga ito at humanap naman ng bimpo. Yumuko siya ng bahagya para maghanap ng bimpo nito ng biglang pumasok ang binata sa kwarto.
BINABASA MO ANG
How to Unlove You | Ken Suson
Romance"Love is sweeter the second time around." Kasabihang masarap sa pandinig ngunit mahirap makamtan. Iyan ang mga katagang hindi na kailanman pinangarap ni Olga na mangyari sa kanya. Naglaho na ang lahat ng pag asa at pangarap niya simula ng lumayo sa...