Dumating na kami ni Daniel sa house ko. (Binaba namin sina Hailee and Therese sa mall, magshopping pa daw kasi sila).
Pagkakita na pagkakita ng kapatid ko kay Daniel inakala niyang idol niya na si Lee Min Ho yung kasama ko. Ang weird nga nila, GGSS kasi si Daniel ngayon porket malaki ang improvement ng itsura niya from before. Like always, sinalubong nila mama at papa si Daniel sa pinto at isipin mo yun parang mas love nila si Daniel kesa skin na anak nila (ang unfair).
"Hi kuya Daniel, you look so cute than your profile picture sa facebook and tulad ng mga kuwento ni ate sayo. Selfie tayo mamaya ah!"-Krytal
"Sure why not, nakukwento ako ng ate mo sayo? Ano naman sinasabi niya about me?" - Daniel
"About you being close to kuya Clyde" - Krytal.
"Kystal, please dont talk about Clyde anymore. Daniel, kain ka muna, nagprepare si mama ng ulam for us."
"Sige, thank you tita and tito for the foods. Kystal join us ok? After this let's take a photo." - Daniel
"Sige! Mama kakain na ako! Sabi mo yan kuya Daniel ah! For sure maraming maglilike ng picture natin, hindi ba ate?" - Kystal
"Yeah, oh let's eat na. Krytal lead the prayer ok?"
Habang kumakain kami nagkuwento si Daniel about his life sa States. Tuwang tuwa naman si Kystal ,para na daw siyang nakapunta sa ibang bansa. Sina mama at papa naman tuwang tuwa kay Daniel not because sa mga kuwento niya pero dahil ang laki na daw ng pinagbago niya from head to toe. Natanong nga nila kung nagpaplastic surgery siya sa States , but he just said na yun daw nagagawa ng puberty these days. Well, I agree. Marami talagang nagbabago sa isang tao lalo na't matagal mo siyang hindi nakikita, tsaka iba talaga nagagawa ng klima sa States. Sana nga may snow din dito sa Pinas para hindi na oily skin namin ng kapaid ko tuwing gumigising sa umaga.
Natapos yung dinner namin ng masaya and yung inaakala kong selfie lang nila Kystal at Daniel, naging groufie ng buong family ko kasama si Daniel. With the caption "Thank God for giving a lot of blessings".
Natulog na kami after watching a late night show, maaga pa kasi si Daniel bukas (kasi pupunta na siya sa condo niya first hour in the morning and marami siyang aasikasuhin maliban sa pakikipagbonding sa mga old group of friends niya dito sa Pilipinas). Dun siya natulog sa living room, nilatagan siya nila mama ng mahihigaan kasi ang gulo-gulo daw ng kwarto namin ni Krystal para dun patulugin si Daniel nakakahiya daw sa bisita.
Before I go to sleep napaisip nanaman ako.
Clyde, are you watching us from above? Andito na best friend mo, sana andito ka rin, siguro mas masaya ako pag kasama kita ngayon. Kung asan ka man ngayon sana ok ka, sana hindi mo nararamdaman yung lungkot na nararamdaman ko sa pangungulila sayo. Kahit gusto ko magmove on sa lahat ng memories natin ang tanong "makakaya ko kaya?". Clyde, miss na miss na kita. Alam mo naman yun di ba? Good night and sweet dreams Clyde, hope to see you in my dreams.
After that hindi ko inakalang nakatulog na pala ako and nagkatotoo yung sinabi ko kay Clyde , nakita ko nga siya sa panaginip ko. Naglalakad ako papunta sa oval namin at nakita ko siyang nakatayo sa gitna nun, kumakaway siya at agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko, yung miss na miss ko siya na sa sobrang tuwa gusto ko ng umiyak papunta sa kanya, pero binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti habang papalapit sa kanya.
"Clyde! Clyde! Ikaw ba yan? Parang panaginip! Clyde, hindi mo ako iiwan hindi ba? Sumagot ka Clyde. Hindi mo na ako ulit iiwan hindi ba?"
"Demi, kahit gustuhin ko na hindi ka iwan wala akong magagawa. Sana nga totoo na lang ang lahat. Miss na miss na kita Demi, kung alam mo lang."
"Clyde, dito ka lang ah! Wag mo na ako iiwan, please Clyde! Kahit anung mangyari gusto ko andito lang ako sa tabi mo! Clyde please! Stay!"
"Demi, if I can , I will choose to be with you"
At dun sa panaginip ko, sobrang saya namin ni Clyde,kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari umpisa nung nawala siya. Kung alam lang ni Clyde na sobrang gusto ko siya makasama araw-araw. Maspipiliin ko na forever na lang managinip at matulog para makasama ko siya. Kahit yun lang, masaya na ako. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin tanggap na wala na siya sa tabi ko. Ang Clyde na nagmahal, nag-alaga , nagprotekta at nagparamdam sa akin kung gaano ako kaimportante.
"I miss you Clyde......"
BINABASA MO ANG
Forget About Love
Teen FictionNagmahal ka rin ba tulad ng ginawa ko? Binigay ang buong buhay mo Ngunit sa lahat ng ngiti at kilig may kapalit pala ang lahat... Isang umiiyak at nagmamakaawang puso Na hinihiling lang ang bumalik siya...