II. Throwback

42 1 0
                                    

Mag-isa lang ako ngayon, naglalakad papunta sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat - sa field.

Ako nga pala si Demi Oliver , tinatawag din nila akong Demi. High school student at masasabing mabait na anak. Dalawa kaming babae sa pamilya , ako at yung makulit pero masayahin kong kapatid na si Krystal. 

Graduating student na ako ngayon, sabi ng mga kaibigan ko dapat masaya ako ngayong taon na ito dahil nga next year college na ako pero sobrang lungkot ko ngayon.. dahil wala siya sa araw ng graduation ko. Yung taong sinasabi ko ay isang mahalagang tao sa buhay ko. Nawala siya noong 3rd year high school pa lang kami.  Nakkalungkot man kailangang tanggapin dahil may rason ang Diyos sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin.

Nakaupo na ako sa field namin, puno ito ng luntiang mga damo na parang kailan lang ay kulay dilaw ang mga ito. Marahil nagdilig kaninang umaga si kuya Mike- ang hardenero ng aming paaralan. 

Naaalala ko nanaman ang una naming pagkikita dito noong unang taon namin sa sekondarya. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako dahil sa kakatawag sa akin ng mga kaibigan ko. Dito rin naging kami, maraming alaala ang nabuo sa lugar na ito na kahit kailan hindi ko makakalimutan. Dito rin ang tambayan namin tuwing maaga ang uwian namin, tuwing break time namin dito rin kami kumakain at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa klase namin. Magkaiba kasi kami ng klase, matalino siya at ako , kabilang sa mga hindi katalinuhan.

Nagsimula ng bumalik ang lahat ng alaalang 'yon sa akin at nagumpisa naring tumulo ang mga luha ko na akala ko hindi na tutulo dahil matagal na siyang nawala sa akin. Nagkakamali pala ako dahil noong oras din na iyon sunod sunod silang bumagsak hanggang sa nawalan ako ng malay.

Forget About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon