III. Longing For Him

32 1 0
                                    

Nagising ako sa isang puting kuwarto at sobrang tahimik dito. Tanging mga tunog galing sa aircon lamang ang aking naririnig.

Bumangon ako at nagtataka parin kung ano ang nangyari sa akin..

Hanggang maalala ko ang mukha niya, nakangiti.. yung mga ngiti niya hindi pa rin nagbabago tulad ng dati tuwing pinapangiti niya ako tuwing umiiyak ako dahil sa kalokohan niya.

Nakakalungkot.. nakakahinayang.. 

"Ok ka lang ba Ms. Oliver? Kanina ka pa tulala diyan."

"Opo ok lang po ako, pasensya na po sa abala, aalis na po ako"

"Sigurado ka? Umuwi ka na kaya , mukhang masama ang pakiramdam mo ngayon. Kanina ka pa namumutla. Magbibigay na lang ako ng refferal slip para makauwi ka na."

"Salamat po Nurse Jackie."

Hinintay ko lang yung binigay sa akin ni Nurse Jackie at umuwi na rin ako, masyado na akong napapagod .. masyado na rin akong naapektuhan sa pagkawala niya... Pero bakit kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan? Dahil ba kahit papaano nasaktan din ako sa pag-alis niya, o dahil sa mga alaala namin na kahit kailan hindi ko mabura-bura?

Papauwi na ako ng may tumawag sa akin mula sa likuran.

"Demi! Hintayin mo kaya kami! Sabay na tayong umuwi!"-Hailee

"Oh, Hailee , Therese kanina pa ba kayo jan?"

"Oo Demi, at kanina pa kami sigaw ng sigaw sayo. Ano bang nangyayari sayo?"-Hailee

"ah wala, may naalala lang ako, tara sabay sabay na tayo"

"Wala raw, baka naman si ..."-Hailee

"Oo nga naman Demi, baka siya nanaman iniisip mo."-Therese

"Kelan mo ba siya hindi pwdeng isipin? Sabihin mo naman sa amin para makapunta naman kami sa bahay mo."-Hailee

"Magpapaparty ako pag nangyari yun!"-Therese

"ahh.. hindi ko alam, update ko kayo sa GM ko.. nakakagaan kayo ng loob talagang need ipaalala sa akin ?"

"Ay sorry sorry, uwi na tayo gabi na oh!"-Hailee

"Guys, una na ako sasabay pa pala ako kay Tresh , bye!" -Therese

"Mahal niya talga kapatid niya noh?"

"Kaya nga eh, kaya nga mahal ko kapatid ko."-Hailee

"So sinasabi mong hindi ko mahal kapatid ko ganun?!"

"Hindi naman, tara uwi na nga tayo!"-Hailee

Nakauwi rin ako sa bahay namin , naabutan kong tulog na tulog si Krystal sa sofa. Siguro napagod siya sa pagiging hyper niya. 

"Salamat naman , masosolo ko ang kuwarto ngayong gabi."

Pagkaakyat ko sa kuwarto ko na ginagawang tambayan ng aking mahal na kapatid, napangiti nanaman ako. Paano ba naman lahat ng picture na nakasabit sa kuwarto ko ay puro picture naming dalawa. Kahit ang mga nakadisplay na stuffed toys ay regalo niya sa akin. Isa sa mga favorite ko sa mga iyon ang piggy na color pink.....

"Anung gusto mo?"

"Gusto ko yung makakapagremind sa akin na sayo galing yun!"

"ay sige , ito gusto mo?"

"ayaw! Sawa na ako sa color violet! Violet na kuwarto ko, kurtina ko, bedsheet ko! kulang nalang pati ako!"

"Sige na nga wag kang iyak ah!"

"Nakakainis ka!" (sabay palo sa balikat niya)

(sabay kaming tumawa)

"Wait lang ah"

makalipas ang ilang minuto may dala dala na siyang blur paper bag. Pagbukas ko bigla na lang ako nainis, tumingin ng masama sa kanya at bigla siyang natawa.

"Kamukha mo naman hindi ba? Ayan magreremind sayo na ako nagbigay nyan"

"Thank you!"

(sabay yakap niya sa akin at pisil sa matangos kong ilong)

Umiiyak nanaman ako sa kama ko habang hawak si Piggy na regalo niya. 

"S-sobrang m-miss na k-kita..sobra!"

Sigaw ko sa kuwarto ko habang yakap yakap ang stuffed toy na regalo niya akin noong anniversary namin.

Forget About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon