IV. Reminder

15 1 0
                                    

Pagkagising ko ang sakit-sakit nanaman ng mga mata ko. Epekto siguro ito ng kabaliwan ko kagabi buti na lang hindi pumasok sa kuwarto ko si Krystal kung hindi sigurado akong tatawanan niya ako. 

"Antok na antok pa ako!!"

Sigaw ko sa ilalim ng kumot ko. Baka kasi pababain ako nila mama pag nalamang gising na ako. Nakakatamad pa kasi, gusto ko lang matulog buong araw, nakakapagod kasi kahapon. Maliban sa nahimatay ako sa oval , gumawa rin kami ng projects, saktong vacant time ko lang kaya napapunta ako sa oval. Akala ko magiging masaya ako dahil matagal na ang huling iyak ko bago yung nangyari kagabi. Nakakalungkot kasi hindi ko natapos yung projects kahapon, kasi naman itong emosyon na ito.. Sana pwede kang kontrolin!

10:00 am ko na naisipang bumangon sa kama , nagugutom na kasi ako.

Pagbaba ko...

"Oh, gising na ang mahal na prinsesa!"-papa

"Kumain ka na Demi, uubusan ka na namin dapat kung hindi lang pinaalala sa amin ni Krystal na may ate pa siya na tulog na tulog sa kama."-mama

"Good morning! Pasensiya na po mama at papa, napagod lang talga ako kahapon."

"Ate, bakit ka humahagulgol sa kuwarto mo kahapon?"-Krystal

"Ah, wala yun. May pinanuod kasi kami sa school, naiyak ako..."

"anung pinanuod niyo ate?"-Krystal

"Nakalimutan ko title, pakainin mo kaya muna ako Krystal pwede?"

"Geah ate. Ma , papa alis na po ako, bye!"-Krystal

"Umuwi ka ng maaga para may katulong ate mo maglinis ng bahay mamaya!"-Papa

"Aalis kami ni papa niyo mamaya, may kaibigan siyang kararating lang galing ibang bansa. Gusto kaming makita kaya kayo muna bahala dito."-Mama

"Opo mama"

Tuluyan ng umalis ng bahay si Krystal dahil gagawa daw sila ng project ng mga kaklse niya. At ako, ito pagtapos kumain ng almusal eh maglilinis na ng buong bahay. Ang suwerte naman ng kapatid ko, gala-gala na lang sa bahay-bahay.

Mag- 12:30 na ng tanghali ng makaalis sina mama papunta sa pupuntahan nila at tuluyan na akong naiwan sa aming bahay. 

Una kong inayos ang kuwarto ni Krystal. Color green ito, malayo sa paborito kong kulay. Kahit bed sheet , kurtina at mga laruan niya halos naglalaro lang sa kulay na green. Paborito niya kasi ito. Nakakarelax daw kasi sa mata ang kulay na berde. Sa gilid ng kama ni Krystal andoon ang isang picture frame, larawan ng kabataan namin. Nakasuot ako ng violet jumper skirt at white polo shirt, nakaribbon ako doon sa litratong iyon. Samantalang si Krystal naka halter white shirt na may heart na color green sa gitna, nakapants at nakaheadband. Ang saya-saya namin nung araw na iyon. Kinder pa siya nun at ako grade 1 pa lang....

"Ate, ang ganda ganda mo!"

"Siyempre mana ako kay mama, eh ikaw? kanino ka nagmana?"

"Syempre sayo ate! Kaya maganda rin ako!"

"Love ka ni ate!"

"Love rin kita ate!"

Ang saya balikan ang kabataan namin ni Krystal, hindi tulad ng ordinaryong magkakapatid na nag-aaway, kami yung magkapatid na hindi mo mapaghihiwalay kahit ngayon si Krystal pa rin yung nagpapatawa sa akin umpisa nung nawala siya sa akin... Kahit binalewala ko ang pamilya ko nung naging kami , napalapit ako lalo sa pamilya nung nawala siya sa akin na akala ko katapusan na ng buhay ko, ng mga plano ko sa buhay.

Nagulat ako ng biglang may tumunog na malakas galing sa kuwarto, tumakbo ako ng mabilis dahil yung tunog na iyon.. iyon ang favorite music namin. Natatakot akong maulit ang nangyari kagabi na kahit pagpikit ko lumalabas siya. Ayaw kong maramdaman ko ulit ang pangungulila..

Agad kong tiningnan ang phone ko at nakita ko...

"HAPPY 2ND MONTHSARY PANCAKE! I LOVE YOU SO MUCH! 

INFINITY AND BEYOND"

Nagulat ako sa nakita ko, hindi ko pa pala naooff ang reminder sa phone ko tuwing tumatapat sa araw kung kailan naging kami. Kung kailan ko siya sinagot. Kung kailan naging boyfriend ko siya at girl friend niya ako. Ang pinakamasaya kong araw.

Inoff ko na lang ang phone ko at tinapon sa kama ko, kahit ayaw kong gawin kailangan dahil masyado na akong nasasaktan tuwing naalala ko siya.

Forget About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon