VII. Part of Him

11 1 0
                                    

Tumakbo ako pauwi pagtapos mangyari ang pinakanakakagulat na part. Inamin ni Kenneth na may feelings siya at ang malala pa doon nag-alok siya kung pwede niya akong ligawan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako papalabas ng bakaery ni Therese, buti na lang naibigay na ni Therese ang dahilan kung bakit ako pumunta sa bakery niya.

Nilapag ko muna ang cake sa table, umalis nanaman sina mama at papa. Lately busy sila nagreunion kasi ang mga friends nila from high school. Yep, high school couple sila kaya nga nagwish ako dati na ganoon din ang mangyari sa amin ni CLyde, but unfortunately hindi nagkatotoo. Nakakalungkto hindi ba?

Tulog pa rin si Krystal.

"Anung oras kaya 'yun natulog kagabi?"

Biglang tumunog ang phone ko, tiningnan ko agad iyon, akala ko si Therese o Hailee na magtatanong kung kamusta na ako ngayon kaso hindi , I was wrong. I was not so shocked but am I seeing the real text from the real person, it's been so long I haven't seen him.

"Hey, how are you? I'm here in the Philippines. Hope you don't miss me a lot :)"- Daniel Santiago

D-daniel S-santiago? Yung isa sa mga best friend ni Clyde simula nung first year kami, classmate namin siya. Sabay silang pumasok sa pilot section noong second year at third year. Si Daniel, masaya siya kasama, makulit, inaasar ko nga siyang bakla kasi noong first year kami nagdadala siya ng malaking pulbo na babae lang nagdadala. Siya din ang pinakaclose ko sa mga tropa ni Clyde. Siya din ang tumulong sa akin noong naghiwalay kami ni Clyde at noong oras na nawala siya sa akin. Kaso kasabay siyang nawala ni Clyde noong oras ng libing ni Clyde, pumunta sila sa Canada at doon na niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya. Nagwatak-watak ang tropa nila umpisa noong araw na iyon.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang message ko sa kanya. Kaya..

"Hi Danny! It's been long since I haven't heard about you. Hindi naman kita namiss pero nakakamiss lang kabaklaan mo :) Peace! "

At nagreply agad siya.

"Ganoon pa rin pala ang asar mo sa akin, don't worry I'm not pissed, It's just, I miss you calling me that petname. See you soon Demz, I miss your childish acts."

"Silly, see you soon din Danny :)"

And our conversation end. Nakakamiss din sila kahit papaano....

"Demi, Bilis C.R. tayo!"-Hailee

"Bilisan mo Demi!"-Therese

"Oo na ayan na nga oh... Gosh! Anjan na yung tropang pilot!"

"Bilis!!!"-Hailee

Sa loob ng C.R.

"Oh, na saan na ang pulbo?"-Hailee

"Ito oh,"-Therese

"Kinakabahan talaga ako pagnakikita ko sila.. lalo na kapag kasama nila si Clyde"

"May feelings ka pa din kasi sa kanya Demi, huwag ka nang magdeny!"-Therese

"Buti na lang may mabait sa kanila"-Hailee

"Who?"

"Si.. Daniel ba 'yun?"-Hailee

"Yep, si bakla!"

"Bakit bakla?"-Therese

"Kasi noong first year kami binuksan ng mga classmate ko bag niya may hihiramin yata tapos nakita 'yung pulbo na pang 1 year supply ng mga "No! ofcourse not!baby."

"Kalalaking tao"-Hailee

"Hail, alam na kung saan tayo manghihingi ng pulbo pagnaubusan tayo ah!"-Therese

"Ewan ko ba sa inyo, tara kakain pa tayo eh!"

Ang sarap balikan ang third year days. Pero hanggang throw back na lang kasi kailangan nang magmove on. Tinext ko na lang si Therese.

"Therese, andiyan pa ba si Kenneth?"

"Why? Sasagutin mo ba siya Demi, for real?"

"No! Ofcourse not! Hindi pa ako ready!"

"Ayusin mo 'yan ah! Wala na siya dito, hinabol ka niya kanina noong tumakbo ka."

"Really? Sorry siya mabilis yata itong tumakbo! Ay, Therese, remember Daniel? as in Daniel Santiago?"

"Oh my! From the Tropang Pilot?! Si Bakla!!! Oo bakit!"

"Andito na siya sa Pilipinas at gusto niya tayo makita!"

"Ehem! baka ikaw lang gustong makita, huwag mo nga kaming idamay diyan Demi!"

"Kinakabahan kasi ako, alam mo na crush ko siya bago ko pa naging crush si Clyde and ang weird kasi wala na si Clyde but we still have communication."

"So natatakot kang mafall kay Danny? ganoon ba?"

"That's not that, awkward lang kasi, basta! Wala na kasi akong connection sa mga kaibigan ni Clyde umpisa noong nilibing siya, as we all know naghiwahiwalay ang tropa noong nawala si Clyde from that day wala na akong balita. Hindi kaya bumigay na si Danny sa Canada?"

"Oh baka nagpakababae na talaga! Oh my Gosh hindi ba uso ang change ng gender sa ibang bansa?"

"Yep, but paano kung masgumapo siya ngayon kesa dati?"

"Who knows Demz, by the way gising na ba ang dearest sister mo?"

"Tulog na tulog pa siya hanggang ngayon sa kuwarto niya. Hindi ko nga alam kung gigising pa iyon eh"

"Naughty Demz! Gisingin mo na yan, baka tunaw na ang cake na ginawa ko bago pa niya matikman. Picturan mo siya once na tinikman niya yung cake ah!"

"Yep, no problem! "

At doon nag end ang medyo mahabang text namin ni Therese. Napagisipan ko na din akyatin ang sleeping beauty na si Krystal. Ang tagal niyang gumising.

"Krystal! Anung oras na oh! Mag-10 am na! Gising na!"

"Ate, mamaya na antok na antok pa ako!"

"Anung oras ka na ba natulog kagabi? Ha!"

"12 am po, iniisip ko kasi si kuya Clyde kung anung meroon sa kanya at hindi mo siya makalimutan ate. Ano nga ba?"

"Gumising ka na at dapat natutulog ka ng maaga, hindi iyong iniisip mo ang problema ng iba at nangengealam. Puwede ba Krystal, tigilan mo na ang pagiging detective mo sa akin. Hindi na nakakatuwa."

"Ate, nag-aalala lang ako sa iyo.."

"So sinasabi mo hindi ko iniisip sarili ko?"

"Hindi sa ganun-"

"Tumayo ka na diyan, may cake sa baba galing kina ate Therese mo. Galing na ako doon."

"Wow!"

Dali daling tumakbo si Krystal pababa, parang first time lang siya makakatikim ng cake sa buong buhay niya. Grabe talaga 'yung batang yun. Sabagay sabi ko sa kanya dati na masarap ang mga binibake ni Therese sa bakery nila, kaya siguro ganoon ka-excited si Krystal. Nakaktawa kung iisipin ang mukha niya sa pagmamadali.

Ano kaya ang itsura ni Daniel Santiago ngayon? Nakakaexcite kasi andito na ulit siya sa Pilipinas. Eh paano kaya ang ibang tropa magkikita-kita kaya sila ulit? Siguro masaya si Clyde ngayon kasi nasa Pinas ang best friend niya. Masaya din ako para sa kanya, pero masmasaya kung andito pa rin siya at kasama namin.

Forget About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon