Naglalakad ako papunta sa school namin para kunin yung mga documents para sa pagtransfer ko ng new school next school year. Ito na yata yung pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko: Yung iwan yung mga kaibigan ko na tinuring ko na din na mga kapatid , at siguro yung pagiwan na rin sa mga alaala ni Clyde.
Bago ako umalis sa bahay kanina ,halos mahaba-habang debate pa yung nangyari tungkol sa paglipat ko next school year. Tinutulan kasi yun nila mama, Hailee, Therese at Krystal. Pero sa huli pumayag din sila dahil nakita nila kung gaano ako naapektuhan ng sobra dahil sa pagkawala ni Clyde at kung gaano kahirap yung mga nangyari sa akin bago pa ako naging Demi ngayon.
Nakarating na ako sa school, mamimis ko 'to. Yung school na halos 5 years din akong nag-aral. Kung saan nakilala ko sina Therese at Hailee, ang tropa, at si Clyde. Sila yung naging buhay at kasama ko ditto sa school na 'to. Halos sila yung naging sandalan ko pag may problema ako, naiiyakan ko pag may problema ako at kasama kong tumawa pag may kalokohan kaming nagagawa.
"Hay, mamimiss ko yung mga memories na yun..."
"Miss Oliver?" -Ma'am D.C.
"Hi Ma'am Dela Cruz, kukunin ko po pala yung documents for transfer."
"Ah, ganun ba. Bakit mo naisip na lumipat? Ayaw mo na ba dito? May problema ba kayo nila Therese at Hailee?"- Ma'am D.C.
"Wala po Ma'am, naisip ko rin po yun para maka move on kay Clyde.. Naiintindihan niyo naman po yung gusto kong mangyari diba ma'am?"
"Oo naman miss Oliver, nakita ko kung gaano kayo kaclose ni Clyde, estudyante ko yata kayo nung first year pa kayo at ako pa adviser ni Clyde nung second year ,kaya maiintindihan rin kita kung ako yung nasa kalagayan mo at kung ako yung girlfriend ni Clyde. Sa sobrang talino at bait ba naman ni Clyde ,kahit sino hindi siya malilumutan." - Ma'am D.C.
"Thanks Ma'am."
"Ito na yung mga documents, balik ka na lang dito kung kaialngan mo ng kausap Ms. Oliver ,ok? Andto din naman sina Therese at Hailee ,kaya wala kang rason para hindi ka bumisita dito diba?" - Ma'am D.C.
"Yes ma'am. Sige ma'am ,una na po ako baka po kasi hinihintay na rin ako ni mama sa bahay. Mageentrance exam na din po pala ako mamaya dun sa school na lilipatan ko. Mamimiss ko po kayo."
"Sige, good luck sa entrance exam mo Ms. Oliver. Kamusta mo na lang ako sa mama mo. Ingat ka." - Ma'am D.C.
Pagkalabas ko ng campus dumiretso ako sa café kung saan tambayan ko dati noong hindi pa kami ni Clyde at hindi pa kami nagkakakilala. Sarap din palang balikan yung mga memories kung saan single pa ako at family and friends lang ang iniisip ko all the time.
"Marami na din pa lang nagbago... Bakit kaya hindi ko napansin yun?"
"Hi Demi, tulala ka nanaman. Naku! Anung gusto mo? Treat ko na," -Daniel
"Hello, kanina ka pa ba anjan? Tska bakit ka andito? Pano mo nalaman 'tong lugar na 'to?"
"Ang dami mo naming tanong hahaha! Mamaya ko na sasagutin yan, bigay mo muna order mo para makaupo na tayo." -Daniel
"Hot latte na lang siguro..."
"Sige, Miss. Isang hot latte tsaka isang macchiato for dine-in."-Daniel
"Nainom ka pala ng macchiato, yamanin na ah."
"Naman! Marami ng nagbago. Parang ikaw, dati hindi ka naman natutulala. hahha!"-Daniel
"Loko! Sagutin mo pala yung tanong ko kanina!"
"Ay sorry naman hahah! Uhm, wala kasi akong magawa sa bahay so gumala-gala ako and I found this place. Gusto ko lang gumala bakit ba! ,"- Daniel
"O'di sige na! hahah! BTW thanks pala sa libre,"
"No problem, basta ikaw! Nga pala toto ba yung narinig ko?"-Daniel
"Ano ba yung narinig mo?"
"Na lilipat ka na, is that true?" -Daniel
"For sure either kina Therese or Hailee ang nagsabi niyan noh!"
"Yeah, pero just answer the question, lilipat ka na? why? ayaw mo na ba jan?" -Daniel
"Hindi naman sa ganun! Nakita nyo naman siguro yung pinagdaanan ko after Clyde passed away at the longer I study there ,the longer I still remember him. Daniel, gusto ko na rin makamove on, at kahit buhay pa si Clyde yun din ang gugustuhin niyang mangyari."
"Don't worry Demz, susuportahan kita sa gusto mo. I know you're matured enough to make your own decisions. Basta kung saan ka masaya dun ako."-Daniel
"Thanks Daniel."
"Natapos na natin yung isang topic pero wala pa rin yung order natin,wait puntahan ko lang ok?" -Daniel
"Hahha oo nga noh, sige . I'll wait for you here."
"Yana ng gusto ko sayo, hihintay mo ako!"_Daniel
"Loko! hihintayin kita para dun s order hindi yung iniisip mo. FYI! wala kang chance sa akin noh!"
"Ouch naman! Ang hard nun Demz!"-Daniel
"Ganun talga ,truth hurts! hahha dali na remind mo yung order natin!""Sige na nga hahaha!"-Daniel
At ayun pumunta na si Daniel sa may front desk para sa order namin. Alam kong nasaktan ko si Daniel pero kung maspapatagalin ko pa un mas Lalo siyang masasaktan kasi masmagmukukhang pinpatagal ko pa yung pagasa niya na magkakaroon ng kami. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, ang hirap din pala nung ikaw lang yung nagmamahal 'no? pero masmahirap pag sa girlfriend ng dati mong kabigan. Sa totoo lang hindi pa ako handing magmahal dahil hanggang ngayon nangungulila pa rin ako kay Clyde. Akala ko makakaya ko pero hindi pala ganun kadaling mag move on."Sorry D-Daniel..."
After a while dumating na si Daniel from the front desk dala yung inorder namin. May nakalimutan pa pala akong itanong sa kanya...
"Daniel, nagustuhan mo ba yung luto ni mama?"
"Did you mean yung dinala nila Therese, Hailee at ni Krystal kaninang umaga sa bahay?"-Daniel
"Yeah, nagustuhan mo ba?"
"Oo naman, si tita yata gumawa nun. Pero ok na sana yun lang ginising nila ako ng sobrang aga for that food. Tapos ang ingay pa nila, nakaktawa kamo."-Daniel
"Oh?, susko! Pasensya na, ahhaha! Expect ka na mangyayari yun lalo na andoon sina Therese at Hailee."
"Ano pa ba, hahahha XD"-Daniel
"By the way Daniel, it's been a while. Sorry pero may aasikasuhin pa pala ako sa new school ko, can I go first?"
"Sure, sorry to bother you Demi."-Daniel
"Sure no worries, thanks din pala sa libre mo. Maybe some other time, let's have a coffee yung matagalan na coffee. I gotta go, bye!"
And after that I leave immediately. Dumiretso agad ako sa new school ko to inquire at siguro mag entrance exam na rin. I want to leave my school as soon as possible, ~Clyde I'm sorry, but I need to move on. Naiintindihan mo naman ako diba?~ .
After 30 minutes, dumating na rin ako sa new school ko. Iba yung hangin dito, for sure iba na rin yung mga magiging friends ko pero Therese and Hailee will always be the best set of friends for me, walang magbabago doon. Hinanap ko agad yung office para mag-inquire ako. Nakita ko naman agad yun then someone approaches me from behind.
"Good morning miss, mag-iinquire ka?"
"Good morning po, opo, magiinquire po sana ako. For grade 11 or senior high."
"Oh, I see. Sige pasok po kayo."
Pagkapasok ko doon sa room, sobrang lamig. Tatlo lang kaming naghihintay to be assist, pero sa tingin ko ako na lang yung magiinquire kasi parang may hinihintay sila,siguro yung results ng entrance exam. Busy din yung mga teachers dun sa computers kaka-in code kung sinong uunahin. Well, maganda yung atmosphere dito and I cant wait na dito ako mag-aral and start to something new and leave everything from my past.
"Good morning miss?"
"Hi po, Miss Demi Oliver, just Demi."
"Yes,Miss Oliver. Wait a moment po ah. Pinatawag ko yung president ng supreme student to assist you, as you can see, medyo busy po kasi sa mga nageenroll. I hope you dont mind please excuse me. And btw, thanks for choosing our school."
"Ah, thank you miss."
And after a moment may pumasok na matangkad, maputi at mukhang matalinong lalaki. Sa kilos niya mukhang siya yung mag aassist sa akin dito, and he's the supreme student president. Not like other boys na nababasa ko, he's not wearing any glasses . He is just wearing a simple white polo shirt, black pants and a rubber shoes. Meron din siyang ID na nagsasabing taga dito siya. Mushroom cut ang hair niya and mukha siyang boring totally, kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit naging popular yung katulad niya dito. Mukha lang siyang normal na tao na makakasalubong mo kahit san ka magpunta. May dala din siyang mga files ,medyo marami ,papunta siya dun sa teachers na busy. Tapos ayon tinuro ako nung teacher kanina at may sinabi na feeling ko tulungan niya ako sa mga gagawin ko dito sa school nila. Hayyy.... Good luck Demi.
BINABASA MO ANG
Forget About Love
Novela JuvenilNagmahal ka rin ba tulad ng ginawa ko? Binigay ang buong buhay mo Ngunit sa lahat ng ngiti at kilig may kapalit pala ang lahat... Isang umiiyak at nagmamakaawang puso Na hinihiling lang ang bumalik siya...