V. His Shadow

9 1 0
                                    

Bumaba agad ako pagtapos kong linisin ang lahat ng parte ng bahay namin. Nag-aalala na ako kay Krystal, nasaan na kaya yung kapatid ko? Hindi kaya gumala na ng tuluyan yung babaeng yun?

Aabangan ko na sana siya sa labas ng bahay ng biglang may nakita akong kahawig ng kapatid ko ngunit may kasama itong lalaki. Nagtaka ako, may boyfriend na pala kapatid ko?

"Krystal, sino yang kasama mo?"

"Ate pasensya na po kung ginabi na po ako nakauwi. Ay ate, si Kenneth pala, kuya ni Keith. Yung classmate ko since grade 1."

"Ah ganun ba, pumasok muna kayo may pagkain sa loob pakainin mo muna siya Krystal."

Pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko pinansin yung pinapakilala sa akin ni Krystal, hindi ko rin maaninag ang mukha niya dahil madilim sa labas pero parang may mali.

Naghahanda na ako ng dinner namin nina Krystal pero pagbaba ko ng mga plato sa lamesa sinubukan kong dungawin ang mukha ni Kenneth. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. 

"C-clyde!"

Bigla akong nagulat sa nakita ko. Pero hindi maaring mabuhay ang matagal ng namatay. Hindi ba? Pero kamukhang kamukha niya si Clyde at hindi ako pwedeng magkamali. Sa pananamit niya, sa mga mata niya, sa ayos ng buhok niya, parehas sila , parehas na parehas sila ni Clyde. Hindi ko alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib ko at tulo ng luha ang sinukli ko sa ngiti niya. Hindi ko naiintindihan.

"Ate, si kuya Kenneth siya. Alam kong parehas na parehas sila ni kuya Clyde kaya nga gusto ko siya ipakilala sayo. Pareho silang guwapo hindi ba? Ate magkaidad lang kayo ni kuya Kenneth, hindi ba puwede namang maging kayo para hindi ka masaktan? Pumayag si kuya Kenneth na makilala ka. Ate ito na yun, magiging masaya ka na."

"Krystal anung sinabi mo? Hindi porket kamukha niyang Kenneth na yan si Clyde mapapalitan na niya ang nararamdaman ko kay Clyde! Never! Never Krystal! Naririnig mo ba sinasabi mo ha! Akala ko ba mahal mo ako? Bakit sa ginagawa mo mas lalo mo akong sinasaktan ha Krystal! Bakit!"

"Ate, Sorry hindi ko naman alam eh.. Ate s-sorry..."

"Pauwiin mo na siya Krystal, wala na akong ganang kumain! Ikaw na lang din magbukas ng gate pagdumating sina mama. Pagod na pagod na ako!"

Alam kong nakakahiya ang inasta ko sa kapatid ko, naiintindihan ko naman siya na gusto niyang makatulong kaso bakit pa , para masaktan lalo ako. Sobrang nanghihina lang talaga ako, bakit ba kasi iniwan mo ako Clyde. Buong gabi ko lang kayakap ang unan ko at pilit iwasan ang mga alaala namin ni Clyde, dahil masasaktan lalo ako.

Makalipas ang ilang oras may kumatok sa pintuan ko.

"Ate, sorry... hindi ko naman inaakalang masasaktan kita. Dinalhan kita ng dinner, ilalagay ko na lang sa harap ng pinto mo kung sakaling nagugutom ka. Ate sorry ulit."

Yun lang ang sinabi niya at wala na akong narinig mula sa labas ng kwarto ko. Gusto kong magpasorry sa kapatid ko, pero alam kong hindi pa ito yung oras sa ganoong bagay. Binuksan ko ang pinto ko at ipinasok ang dinner ko sa kwarto, kahit papaano nagugutom na rin ako. 

Nang matapos ang pagkain ko, itinulog ko na lang ang lahat ng alaala niya.

"Cupcake...."

"Pancake... asan ka?"

"Cupcake, wag kang umiyak, please. Ayokong nakikita kang umiiyak, alam mo 'yan hindi ba?"

"Pancake, may nakilala kasi akong lalaki, kamukhang kamukha mo siya. Kahit pananamit at hairstyle niyo pareho. Kahit ang pag ngiti niyo pareho. Hindi ko na kaya, miss na miss na kita!"

"Wag ka nang umiyak, namimiss na rin naman kita, tanggapin mo siya sa buhay mo Demi. Tutulungan ka niya, siya ang gagamot sa paglulumbay mo sa akin."

"Ayaw ko! Ikaw lang mahal ko Clyde! I-ikaw lang C-clyde! I-ikaw l-lang!"

At binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Nung oras na yun sana tumigil ang oras para parati na lang kaming ganoon. Kung alam niya kung gaano ko siya ka-miss. Sobra sobra! Ayaw ko ng bumitiw sa pagkakayakap na yon. Si Clyde siya yung nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, palagi niyang pinapagaan ang pakiramdam ko tuwing malungkot ako. Siya ang Clyde ko..

Forget About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon