Naalimpungatan ako sa narinig kong ingay na nanggagaling sa baba. Bigla akong nagising at napaupo sa higaan ko sabay hawak ko mahaba kong buhok. Tiningnan ko agad yung orasan sa tabi ng bintana.
"9am na pala buti na lang walang pasok ngayon.. Ano kayang nangyayari sa baba."
Inayos ko muna yung kama ko tsaka ako bumaba para tingnan kung ano yung ingay na yun. Nakita ko sina Therese at Hailee na nakikipagtawanan kay Krystal. Nakakamiss din palayung ganito,.. ~Clyde nakikita mo ba ito?, sana masaya din ako ngayon at hindi alintana yung lungkot ng pangungulila ko sayo. Sana hindi na lang ako nagising, sana kasama pa rin kita hanggang ngayon.~
"Shh! Speaking of the devil, hello Demi! Kamusta tulog mo?"-Therese
"Kamusta yung improvement ng relationship nyo ni Daniel? Kwento ka naman! Ang saya daw ng dinner niyo kagabi sabi ni Krystal ah!" - Hailee
"Diba ate masaya tayo kagabi! nag groufie pa nga tayo eh, sayang nga hindi mo nakita Instagram ko halos 30+ yung naglike" -Krystal
"Yeah, masaya nga tayo kagabi, Lalo ka na Krystal! Tsaka walang improvements noh! we're just friends and hanggang friends na alng talaga yun,walang sosobra pa dun! I hope sana hindi na lang ako nagising, ang ingay nyo kaya!"
"For sure si Clyde nanaman napaginipan mo ah!" - Hailee
"Well, pag siya lang naman napapaginipan ni Demi,naku asahan mo na whole day na hindi gigising yan ,pustahan pa!" - Therese
"Ate, akala ko ba magmomove on ka na? Why not consider kuya Daniel? Matagal ng wala si kuya Clyde ah." - Krystal
"Alam nio guys bakit ako palagi gusto niyong itopic? Kumain na ba kayo? Baka gutom lang yan ,tara kain na! Ma! Anung breakfast?"
"Iwas nanaman siya, naku!" - Hailee
"Tara! makakain na nga. hmmm... mukhang masarap yung breakfast natin ngayon Hailee ah, ditto na lang tayo palagi!" - Therese
"Pancake w/ butter and honey tska hot chocolate for breakfast! Enjoy! , naku, kahit dito kayo palaging kumain ayos lang sa akin basta palagi niyong pasayahin yang si Demi." - mama
"Sureness tita!" - Hailee and Therese
"Kumain na nga kayo, saan nga pala gala niyo mamaya at ang aga niyo manggambala ng kaluluwa ngayong umaga?"
"Dadalawin yung condo ni Daniel, sama ka?" - Therese
"Sama ako! Mama, sasama ako kina ate ah!" - Krystal
"So, pupunta pala kayo kina Daniel . Sana sinabi niyo sa akin para napaghanda ko siya ng pagkain,papadala ko na lang sainyo."- mama
"Naku ma, marunong magluto si Daniel, wag ka ng mag abala! Wala akong gana pumunta sa kanila, kayo na lang siguro Therese at Hailee, bitbitin niyo na lang 'tong kapatid ko para walang maingay dito sa bahay."
"Sandali,magluluto lang ako ng ipapadala kay Daniel, hintayin niyo yung foods ok?"-mama
"Thanks tita!" -Hailee
"Drama queen is on!" - Therese
"Ok lang yan ate! Tayo na lang pumunta, pabayaan niyo si ate Demi, Malaki na siya!"- Krystal
"Guys, pupunta na lang ako mamaya sa school. May kukunin akong documents for my transfer next school year. Hindi kasi makakatulong sa akin kung same school pa rin yung pinapasukan ko and it will always reminds me of his memories. Sorry guys..."//
At bigla silang nagsigawan sabay sabay. Iniexpect ko na ganito yung mangyayari, maiintindihan naman nila yung gagawin ko kahit labag sa akin yun. Mas mapapadali yung pagmomove on ko kung lalayo ako sa mga lugar na nakakapagpaalala sa akin ng past ko with him. I need to move on.. para hindi na ako masaktan, at kahit andito siya, maiintindihan niya yung gagawin ko. Gusto niya na masaya ako palagi, at ito yung makakapagpasaya sa akin... Ang lumipat sa ibang school..
BINABASA MO ANG
Forget About Love
Teen FictionNagmahal ka rin ba tulad ng ginawa ko? Binigay ang buong buhay mo Ngunit sa lahat ng ngiti at kilig may kapalit pala ang lahat... Isang umiiyak at nagmamakaawang puso Na hinihiling lang ang bumalik siya...