Chapter Six

224 13 1
                                    

"I didn't know you are this manipulating and rude," angil niya.

"Just selectively rude, sweetheart." Pagtatama ni Leon.

Sinamaan niya ito ng tingin. "He doesn't deserve that kind of treatment."

"Is it not okay to feel hurt and offended kung 'yong magiging asawa ko sweet sa ibang lalaki?"

"Don't give me that crap. It's too early to pretend you're jealous or something," bwelta niya.

Leon was annoying, pero bakit kinilig siya sa 'magiging asawa' na binanggit ng lalaki.

"Kung mayron ka pang gustong sabihin, sabihin mo na."

"One, I am not jealous. Like you've said, masyado pang maaga para maramdaman ko 'yon... But, again, this is just a show na napagkasunduan natin pareho. Two, I've some rules for you to follow. One, ayokong makikipagkita ka sa kung sino-sinong lalaki nang walang pahintulot mula sa akin - kaibigan man ito ng pamilya mo o hindi. Gusto kong tatandaan mo na kapag kasal na tayo nakakabit na sa 'yo ang pangalan ko at ayokong madungisan iyon sa kahit anong paraan."

"Hindi ba dapat sa sarili mo 'yan sinasabi? Mas malandi ka kaysa sa akin." Deretso at kaswal niyang sagot.

Akala yata ng kumag ay hindi niya alam na kabilaan ang naging affair nito sa kung sino sinong babae matapos ang relasyon nito kay Rapunzel.

Leon chuckled, then gave her a self-satisfied-smirk. "I'll try, but women do like me so much."

Leon wasn't conceited, Hermosa knew that. Alam niyang nag e enjoy lang itong asarin siya.

"Meron pa ba?" tanong niya. "Gusto kong ngayon pa lang magkaliwanagan na tayo."

"Meron pa." Sagot nito. Nag isip ito saglit.

Umingos si Hermosa. Susuportahan niya ang pagpa-power trip ng lalaki. Bored siguro ito kaya gusto ng kausap.

"Ah, I also want you to resign from your job at manatili na lang sa San Fernando. Kapag naikasal ka na sa akin, I'll take care of everything. Hindi mo na kailangang magtrabaho."

"No." mabilis at matigas na tanggi niya. "Mapagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo pero hindi ito."

Nagsalubong ang kilay ni Leon. Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. "Sabi mo maliit lang ang suweldo mo, I don't see any reason para manatili ka pa sa trabaho mo."

"Do I have to give you a reason? Wala akong ibang kondisyon sa kasal na ito kundi huwag mong pakialaman ang trabaho ko."

Hindi agad nagsalita ang binata. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay nito, bukod tanging si Hermosa lang ang hindi mapagsamantala at may paninindigan. Women he met were all submissive to him. They want to marry him dahil kaalwaan na maibibigay ng kanyang salapi. They would rather wait for him to come home at maghintay na lang ng ibibigay niyang pera.

"Kung wala ka ng idadagdag sa listahan mo ng mga dapat at hindi ko dapat gawin, mag iimpake na ko ng gamit ko. Nakabook na ako ng ticket nung isang linggo at mamayang alas cuatro na ang flight ko papuntang Maynila."

"Good. Sasabay na 'ko sa flight mo."

"Bahala ka," flat na sagot niya kahit ang totoo nae- excite siya. First time niyang lumipad sa ere kasama si Leon at bilang fiancee nito.

Nakatalikod na si Hermosa para tunguhin ang sariling kuwarto nang may maalala. "Leon, kung magpapakasal ba tayo kailangan din nating magsama sa iisang kwarto?" Tanong niya. Sinikap na patunuging kaswal lang ang tinig.

Hindi niya iyon naisip kanina nang magdesisyon siyang tanggapin ang offer nitong kasal. Kung ganon kasi ang set up - sigurado siyang mabubura lahat ng resolbang inumpisahan niyang ipunin kagabi.

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon