Chapter Thirteen

126 12 0
                                    


Ten years ago...

Busy'ng busy si Leon sa pagkuha ng litrato sa kagandahan ng Isla ng Matukad nang makarinig siya ng paparating na bangkang de motor. Ganunpaman, nanatili ang focus niya sa kanyang subject, ang araw na unti unting lumulubog sa pagitan ng dalawang malaking bundok.

Halos kalahating araw na rin simula nang dumating sila sa Isla. He was supposed to meet a Fil-Aussie date na in-arrange ng isang barkada nang matanggap niya ang tawag ni Leonarda. Niyayaya siya nito na mag island hopping sila sa Caramoan.

Isinama ng mga magulang sa Van papuntang Maynila ang ilan sa pinaka pinagkakatiwalaan na trabahador nila. Inihatid ni Leonarda ang asawa sa NAIA dahil may a-attend-ang  conference sa Shanghai si Mariano na tatagal ng tatlong araw.

Imbes na bumalik sa Villa, mas pinili ni Leonarda na igala ang mga trabahador sa lugar na hindi pa ng mga ito napupuntahan.

Dahil bakasyon naman at minsan lang kung umungot ang kanyang Mama kaya mabilis niyang kinansela ang date para samahan ang una para mag unwind. Life has become suffocating for Leonarda, that's what Leon noticed simula nang magkaisip siya. Kaya naman hindi niya magagawang tanggihan ang madalang pa sa patak ng ulan na request at hiling nito sa kanya.

Nagconvoy sila papuntang Naga, siya at ang kanyang mga kaibigan sakay ng kanyang kotse habang pinili ni Leonarda na samahan ang mga trabahador nito sa Van.

Isinama niya naman ang dalawa sa teammates niya na kagaya niya ay sa dorm lang sana magpapalipas ng bakasyon para hindi siya masyadong out of place sa mga may edad na kasama. They drove from Manila to Naga para sa dalawang gabing camping sa Caramoan Island.

Ang dalawang kaibigan ang naging katulong niya sa pagtatayo ng mga tents sa malilim na bahagi ng Isla. They bought personal camping materials maging food supplies, kulambo, banig at generator. He was worried her Mother wouldn't be able to sleep peacefully at night dahil ayon sa guide, malamok sa lugar.

Mangilan ngilan na rin ang mga dumating na turista simula kanina bukod sa grupo nila. Pero ang sakay ng kararating na bangka ay mukhang kaibigan at kakilala ng kanyang Mama.

Nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang masayang pagsalubong ni Leonarda sa mga ito habang pababa ito sa bangka.

Nahinto si Leon sa pagkuha ng litrato nang tawagin siya ni Leonarda at senyasang lumapit rito. Malayo pa lang ay nakita niya nang kakaiba ang ngiti ng dalawang kaibigan habang nakatingin sa mga bagong dating.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito. Unang nahagip ng tingin niya ang isang dalagitang may dalang pink na jansport backpack. Her enthusiastic eyes were searching the place, then her eyes lit up when their eyes met.

He saw her grinning, grabbing the forearm of a tall lean man beside her habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakita niya nang pabirong kurutin ng lalaki ang dalagita sa kamay. 

The girl's barely fifteen, he thought. She smiled at him as she eyed him but Leon didn't manage to smile back.  Napilitang lumapit si Leon sa kinaroroonan ng kanyang Mama nang marinig ang muling pagtawag ng Ina.

"Marcela, Enrique this is my only son, Leon. Nasa College na siya ngayon. Leon, meet your Tita Marcela and Tito Enrique. Sila ang madalas kong binibisita sa Bicol."

Nagmano siya sa tinawag na Marcela at tinanggap ang pakikipagkamay ni Enrique na bagaman nakangiti ay mukhang pinag aaralan ang anyo niya.

"And this is Isaac or Issa for short, ang inaanak ko at panganay nilang anak."

Ang mestisuhing binatilyo na baklain ang itinuro ng kanyang Mama. Nakakapit pa rin sa braso nito ang dalagitang hindi mapuknat ang mga mata sa pagtitig sa kanya.

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon