Ipinaghila ni Leon ng upuan si Hermosa while he let Lizbeth pull a chair for herself. The woman managed to look unaffected by flashing a friendly smile at her when their eyes met.
Pero na-awkward si Hermosa. Halatang sinasadya ng binata na ignorahin ito. Kahit ang pagpayag nitong sumabay sa kanila ang babae na mag almusal nang yayain ni Donya Leonarda, labas sa matangos nitong ilong.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Tita?" Tanong ni Lizbeth kay Leonarda. Sa tabi ni Leon nito piniling umupo kaya napapagitnaan nila ang binata. "Sorry hindi ako nakabisita agad. Hindi ko maiwanan 'yong seminar..."
Dinampot ni Leon ang baso ng tubig at uminom. He swallowed the scoffed of disbelief before it escape in his throat.
"I'm alright, hija and it's alright. Hindi ko inaasahang darating ka ngayong araw..."
Tumingin si Lizbeth kay Leon. Nakangiting inabot ang kamay ng huli na tumiim ang mga bagang.
"I want to surprise him, Tita. Pero mukhang nagtatampo pa siya."
Nagbaba ng tingin si Hermosa. Bukod sa naaawa siya sa babae at nahihiya siya sa sitwasyon nila, nagseselos din siya. Lalo nang hindi nag abala si Leon na bawiin ang kamay mula sa dalaga.
"I'm sorry, hon. Hindi na ako nakapagsabi dahil biglaan talaga ang nangyari. I tried calling you many times pero kung hindi nakapatay ang phone mo, hindi mo sinasagot ang tawag ko."
Hindi sumagot si Leon. Kinagat ni Hermosa ang mga labi nang makitang pasimple na nitong binawi ang kamay sa nobya.
Tumikhim si Lizbeth. Hindi pinansin ang cold treatment. "Ngayon lang kita nakita dito. Magbabakasyon ka rin ba rito?"
Nag angat si Hermosa ng tingin nang ma-realize na siya ang kinakausap nito.
"Ah... Ngayon pa lang talaga ako nakapunta, busy sa trabaho."
"Oh. So, how are you two related?" Tanong nito. Sinulyapan si Leon. "Magkamukha kayo. Are you cousins?" nakangiti at inosente pa rin nitong tanong.
Natigilan si Hermosa. Tumingin siya kay Donya Leonarda, gustong magpasaklolo.
"They're not in anyway related." pagsalo sa kanya ng matanda. Nakita niya tumingin si Lizbeth kay Leon, mukhang maraming gustong itanong pero nagsalita ulit si Donya Leonarda.
"Let's dig in. Hindi magandang paghintayin ang pagkain."
PAGKATAPOS ng hapunan, nagpaalam si Hermosa na magpapahinga na sa kuwarto niya. Si Donya Leonarda ay ganoon din ang ginawa.
"You're going back home early tomorrow. Ipapahatid kita sa driver." Si Leon ang nagsalita matapos maipasok sa loob ng guest room ang maleta ni Lizbeth.
"Nagtatampo ka pa rin ba, Hon?" Malambing na tanong ni Lizbeth. Humawak ito sa dibdib niya, akmang paglalandasin ang kamay pababa sa tiyan niya pero maagap niya iyong pinigil. "Leon, I'm really sorry... Nagkayayaan lang at hindi ko magawang tumanggi."
Huminga nang malalim si Leon. "I know where you've been so cut the crap, Lizbeth."
Natigilan ang babae. "I... I went with my friends."
"Boyfriend." Pagtatama niya.
Namutla ang babae. "Leon... Nagkataon lang na nagkita kami roon."
Bumuntong hininga si Leon bago nakapamulsang hinarap ang dalaga.
"I thought I made everything clear about us, Lizbeth.
"Leon..."
"Yong babaeng kasama natin sa hapag kanina, siya ang babaeng dadalhin ko sa altar."
BINABASA MO ANG
Without You : Key to Leon's Heart
RomansWithout You : Key to Leon's Heart (Published 2015) -La Tigresa Laking gulat ni Hermosa nang biglang magpunta si Leon sa bahay niya at inalok siya ng kasal. Kaso ang dahilan nito, para lang tuparin ang hiling ng Ina nitong malapit nang mamatay. Hind...