Chapter Five

5.9K 172 3
                                    

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Leon sa amused na ngiti, "Really? Yun lang ba ang dahilan o dahil alam mong mas marami kang makukuha kapag nakasal na tayo? Women go for money nowadays, you know."

Hermosa leaned forward, plastered a smirk on her face and stared back at Leon. Nasaling siya sa sinabi nito kahit alam niyang biro lang iyon. "Huwag mong ipagmalaki ang kayamanan mo sa 'kin, Leon. Alam kong ikaw ang nag-iisang heredero ng mga Benidez pero wala akong masamang balak sa mana mo," mariin niyang sabi. Pumormal siya, bahagyang pinasingkit ang mga mata. "At huwag mo akong itutulad sa ibang babae dahil malayong malayo ako sa kanila. Ikaw ang nangangailangan ng tulong ko. Madali naman akong kausap, sabihin mo lang kung gusto mo bang tumanggi ako o um-oo."

Hindi nabawasan ang ngiti sa mga labi ni Leon. "You seem like a tough girl to me," komento nito, inabot ang baso ng tubig at uminom.  "I'll sign the check right after the wedding. Inaasahan kong sasama ka na sa akin sa Hacienda Benidez para ayusin ang mga dapat ayusin."

"Kung ang pagpapakasal natin ang makakapagpasaya kay Tita Leonarda, gagawin ko iyon ng walang kapalit. Pareho lang ng dahilan mo, bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa kanya. Mula ng maulila ako siya lang ang tumuring sa akin bilang pamilya. Hindi lang ikaw, ako rin. Kaya kong magsakripisyo para sa kanya."

"My mother really has thing for stray puppies, huh?" ngisi ni Leon.

Ganoon din ang ginawa niya. "Don't call yourself that, mas bagay sayo ang wolf kesa tuta."

Hindi sumagot ang binata pero nakaguhit pa rin ang ngiti sa mga labi. "It's settled then. Kailangang maayos ko ang lahat dahil nagmamadali si Mama. Gusto niyang maikasal tayo agad."

Hindi na siya sumagot si Hermosa at nagkunwang abala na sa pagkain. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang matamang nakatingin sa kanya ang lalaki.

"Ano, may kanin ba ako o ulam sa mukha?" 

"You had a nightmare last night," anito bigla.

Nahinto si Hermosa sa pagnguya. Marahan niyang ibinaba ang kubyertos at nag iwas dito ng tingin.

"Pagod ako kagabi. Hindi ko napansin."

Hindi sumagot si Leon, but his gaze never left her face. Nagbuga siya ng hininga. Natutunaw siya sa titig ng lalaki pero hindi niya naman masaway dahil ayaw niyang isipin nito na wala siyang ipinagkaiba sa mga babaeng nagkakagusto dito.

Napagkit lang ang titig ni Leon sa kanya nang makarinig sila ng mahihinang katok. Bago pa siya makatayo mula sa pagkakaupo nakatayo na si Leon. Dumeretso ito sa pinto at binuksan iyon.

NAGSALUBONG ANG MGA KILAY ni Leon nang mapagbuksan ang isang matangkad na lalaking nagulat nang makita siya.

"Leon Benidez? Ano'ng ginagawa mo dito...?" 

Kumunot ang noo ni Leon. How come this two knew him gayong ni hindi niya ang mga ito makapa sa kanyang isip? 

"And who are you?" pormal ang mukhang tanong niya. Unang kita, mabigat agad ang dugo niya sa bisita. Iyong klase ng pagtatanong nito ay para bang wala siyang karapatang tumuntong sa bahay na iyon.

"Pat!" hindi makapaniwalang tawag ni Hermosa na sumunod pala sa kanya. Tumikwas ang kilay ni Leon nang mahimigan ang excitement sa boses ng dalaga.

"Hi, Moss..." bati ni Patrick na tumingin sa kanya, tila inuutusan siyang pagbuksan ito nang tuluyan nang pintuan. Walang nagawa si Leon kundi bumuntong hininga at luwangan nga ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang bisita. 

"Kailan ka pa dumating?" Tanong agad ni Hermosa. 

Tumiim ang bagang ni Leon nang magyakap ang dalawa sa harap niya.  He better be a cousin, dahil kung hindi may pakiramdam siyang gusto niyang lumpuhin ang lalaki. Ipinilig ni Leon ang ulo. Goddammit, hindi pa nga sila kasal nagiging seloso na siya agad?

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon