Chapter Seven

5.7K 157 5
                                    

Chapter Seven

Bago pa nakahuma si Hermosa ay marahas nang hinila ni Leon ang braso niya dahilan para mapasubsob siya rito. He grabbed her nape and gave her a nerve-wracking kiss. Kung paano nitong nailipat ang kamay na nakahawak sa braso niya kanina patungo sa kanyang batok ay hindi na niya namalayan.

She swore she wanted to protest, planned to push him and punch him in the face, pero parang nawalan siya ng lakas na gawin iyon sa lalaki. At sa halip, napakapit siya nang mariin sa matigas na braso ni Leon na parang naghahabol at nalulunod siya sa mapangahas na mga halik nito.

Ngunit saglit lang ay nagbago ang paraan ng paghalik ni Leon. His kiss became passionate, sensual and breathtakingly sweet.

When she heard him moaned, naengganyo siyang ibuka ang bibig at salubungin at sagutin ang mga halik nito. Hermosa felt breathless for the first time, yet she didn't mind. At nang pakiramdam niya ay tangay na tangay na siya sa mainit at nakakatunaw na  halik ng binata, naramdaman niya ang pagluwag ng hawak nito sa kanyang batok..

Leon pulled back a little bit. He stared at her, habang hindi naman magawang magbawi ni Hermosa ng tingin. "You have no idea how much I'd love to kiss you, Hermosa pero hindi ko alam kung paano mo itatago ang mga labi mo sa Mama at mga kasambahay mamaya. I swear, they'll be swollen if we don't stop sooner." Leon said, his voice hoarse, his eyes filled with longing and passion.

Lumunok si Hermosa, wala sa loob na paraanan niya pa ng dila ang basang mga labi niya. Nag init ang mga pisngi niya nang mapako doon ang titig ni Leon. Huminga ito nang malalim, pumormal.

"Freshen up," he groaned bago tumalima para tuluyang bumaba para salubungin si Donya Leonarda na palapit sa kanila sakay ng wheelchair nito. Tulak-tulak iyon ng isang nurse na nakapuwesto sa likuran nito.

Hermosa sighed. One moment, Leon seemed like he was burning with desire for her, and then the next minute he was emotionally like a dead fish.

First day of being engaged to her fake fiance at nakahalik na sa kanya agad ang damuhong lalaki. Hermosa pulled herself together, bumaba siya sa sasakyan para batiin si Donya Leonarda na kausap si Leon habang nakatingin ang mga ito sa gawi niya.

HINDI maitago ni Hermosa ang pagkabalisa at pag aalala nang makita ang hitsura ni Donya Leonarda. Wala na ang mamula-mula nitong balat na dati ay kinaiinggitan ng kanyang Mama. Hapis ang mukha nito at tila tumandang higit kaysa sa totoo nitong edad. She could not believe she was looking at the same woman she last saw and chatted with a few months ago.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" puno ng pagdaramdam na tanong niya nang mapag isa sila sa silid nito. Nakaupo siya sa settee na nasa kaliwang bahagi ng kama kung saan ito tahimik na nakaupo paharap sa kanya.

Donya Leonarda gave her a warm smile, "Parehong pareho kayo ng tanong at tono ni Leon."

Maiksi pero mapait ang ngiti ni Hermosa. Minsan na niyang naisip noon - nang mamatay si Isa, ang mga magulang na napaka unfair ng buhay. Sa mga ito lang umiikot ang mundo niya. Mayroon siyang matatawag at ipagkakapuring mga magulang at supportive na kapatid. To her, they were like the rays of the sun. She depended on them so much until suddenly, in a blink of an eye, they were gone. All gone.

Nawala ang mga ito sa kanya sa pinakamasakit na paraan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin malaman ang dahilan kung bakit.

Pagkatapos ngayon, si Donya Leonarda, seeing it her right now doubled her anxiety. She was old, and getting older.

Bakit ba kailangang tumanda at magkasakit ang tao? Bakit kailangang may mamatay? Sana puwedeng mag expand ang mundo at ito ang mag adjust sa mga tao.

"I have no regrets if I die now, Hermosa. Nagawa ko na ang lahat nang gusto kong gawin sa mundong ito," ang tinig ni Donya Leonarda ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Tila nababasa nito ang laman ng isip niya.

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon