Chapter One

7.6K 237 12
                                    

CHAPTER ONE

"Lopez, may tawag ka sa telepono," tawag kay Hermosa ni PO3 Santiago. Pataob nitong inilapag ang telepono sa ibabaw ng desk nito bago dinampot ang isang bulto ng mga papel sa ibabaw niyon para i-photocopy sa xerox machine na nakapwesto sa dulong bahagi ng presinto.

Nag-inat si Hermosa bago tumayo sa kinauupuan at lumapit sa desk ni PO3 Santiago. Nananakit ang batok at likod niya sa maghapong pagbabasa ng hawak niyang kaso.

"Hello?" bati niya, sinulyapan ang orasan na nakasabit sa dingding. Quarter to six na ng gabi.

"Hermosa?"

"Speaking. Sino ito?"

"Si Jona ito, sekretarya ni Donya Leonarda, remember?"

Nagtatakang inilipat niya ang telepono sa kabila niyang tainga. Iyon ang kauna-unahang beses na tumawag ang isang staff ni Donya Leonarda sa kanya. Hindi niya pa personal na nakikilala si Jona, pero dumadaan muna sa babae ang mga tawag niya bago maiderekta kay Donya Leonarda. 

"Kumusta, Jona? Napatawag ka?"

Tumikhim ang sekretarya sa kabilang linya, "Dinala namin sa ospital si Donya Leonarda kagabi. Inatake siya sa puso."

Umawang ang bibig ni Hermosa. May sakit sa puso si Donya Leonarda at inatake pa?  Hindi niya alam na may ganoong sakit ang matandang babae. Ang tanging alam niyang sakit nito ay arthritis.

Donya Leonarda's sixty eight pero malakas pa rin itong tingnan kumpara sa mga ka-edad nito. Siguro dahil tumutulong pa rin ito sa farm tuwing anihan kahit papaano.

"Kumusta siya? Nasaang Ospital siya ngayon?"

"Ang sabi ng doctor ay ligtas na siya sa panganib, wag kang mag-alala. Gusto lang ipaalam sa 'yo ni Donya Leonarda ang nangyari kaya kita tinawagan."

Hermosa sighed with relief. Matapos maulilang lubos, si Tita Leonarda na lang ang natitira niyang pamilya. Ramdam niya pa rin ang suporta at pagmamahal nito hindi man sila madalas na nagkikita sa nakalipas na walong taon.

"S-Si Leon? Alam niya na ba ang nangyari?" naisipan niyang itanong. Alam niyang lumipad patungong Singapore ang binata para sa isang business trip na tatagal dapat ng isang buwan. Ibinalita iyon sa kanya ni Donya Leonarda nang tawagan niya ito may dalawang linggo na ang nakakaraan.

"Kanina ay naitawag na sa kanya ni Atty Salvacion ang nangyari at nagdesisyon siyang iwanan ang conference at bumalik agad rito."

Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga. Nilingon niya ang nakapinid na opisina ng Hepe matapos niyang ibalik ang receiver ng telepono sa craddle niyon.

LUMULUTANG ang isip ni Hermosa nang makabalik siya sa sariling desk. Kalalabas niya pa lang sa opisina ng kanilang Chief at kinausap ito tungkol sa plano niyang pagfi-file ng leave. She needs to see Tita Leonarda and make sure she's alright- kahit sigurado siyang hindi ito pababayaan ng mga Doktor nito.  

Ilang taon na rin ang nakakaraan nang maulila siya pero hanggang ngayon, masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng mga ito. Kaya naman nagdala ng kakaibang takot sa dibdib niya ang balitang inatake si Donya Leonarda sa puso. Death is natural for humans, but she didn't want to see more deaths... hindi siya handa. Parang hindi na niya kakayanin kung mawawalan pa siya ng isang itinuturing na kapamilya. 

Hermosa always thought of Donya Leonarda as strong and lively woman, nawala sa isip niya na tumatanda at nagkaka edad na rin ito. All this time, ito ang laging bumibisita at nagpaparamdam ng pag-aalala at pagmamahal sa kanya. Siguro ito na ang tamang panahon para siya naman ang bumisita rito. Kailan niya pa ba gagawin iyon?

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon