"Gabi na masyado para umakyat ng ligaw, Mister," came that sexy womanly voice na bahagyang nagpalito kay Leon.
"If this is her house and she lives here pwede ko ba siyang hintayin dito? Importante ang sadya ko sa kanya."
Leon isn't sure if there's any hotel nearby na puwede niyang tuluyan. Pagod na siya sa mahabang biyahe at sa mahabang paghihintay. He doesn't want to sleep inside his car the whole night lalo at hindi niya sigurado kung gaano ka-safe ang lugar.
"Miss..." untag niya nang hindi siya nito sinagot. Napansin ni Leon na kalmante ang babae, hindi halatang natatakot ito sa presensya niya sa loob ng bakuran nito.
"Hindi ako madalas na nakikipag-usap sa estranghero, Mister. Anong sadya mo sa 'kin?" Hinubad nito ang gloves at pagkatapos ay nagpatiuna ng humakbang patungo sa lumang bahay.
"Ikaw si Hermosa?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Sumunod siya dito hanggang sa may pinto.
Hindi ito sumagot. Sinusian ang kandado ng pintong gawa sa matibay na kahoy. Binuksan at pagkatapos ay in-on nito ang switch ng ilaw sa loob at labas ng bahay. Leon started to Inihagis nito ang backpack sa kahoy na sofa bago siya hinarap.
Gustong tumaas ng isang sulok ng bibig niya nang makitang natigilan ito nang mabistahan siya. But Leon was no difference, he had to blink away when she saw her face.
The woman infront of her was a real beauty. Ano nga ba iyong sabi nila, the face that could launch a thousand ships? Her eyes framed with long lashes were her best asset. She has a straight small nose, full pinkish lips na tiyak niyang hindi binahiran ng lipgloss o lipstick.
Hindi type ni Leon ang mga babaeng may maiksing buhok pero ang maiksing buhok ng kaharap na kulay warm brown ay bagay dito. Her hair was short all around maging ang bangs, it gave her that michievous expression. Gustong ma-amuse ni Leon. His mother has a good taste, he decided. But he was sure this was the first time he met this woman. Hindi ito ang babaeng nagtataglay ng mukhang madaling makalimutan.
"Leon?"
Kumunot ang noo ni Leon. He opened his mouth to speak and then clamped it shut again. Tama ang Mama niya, kilala nga siya ng babaeng ito.
Was she one of his fans noong nasa kolehiyo pa lang siya?
"Forgive my manners come in," apologetic na ani Hermonsa. Hindi naitago sa pandinig niya ang bahagyang pag stammer nito. Taliwas sa confidence na narinig niya sa tono nito kaninang madilim pa ang paligid at hindi pa siya nito nakikita.
He was sure she was tensed, pero hindi siya sigurado kung totoong nakita niya nga ang ningning sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Because when he looked at her in the eyes again, pormal na ang mukha ng dalaga.
Mukhang ngayon pa lang naniniwala na siya nga ang hindi inaasahang bisita. Maluwang na binuksan ng babae ang pinto para papasukin siya.
Kusa na siyang naupo sa sofang yari sa kawayan nang makapasok sa loob ng bahay. His eyes roamed over the living room.
Dalawang palapag ang bahay na yari sa kahoy. Maliit ang kabuuan ng bahay kumpara sa Villa sa San Fernando. Luma ang mga furnitures. Ang tanging bago sa paningin niya ay ang forty two inches na flat screen TV na nasa ibabaw ng isang luma din na computer table.
Si Hermosa ay nanatiling nakatayo sa bungad ng pinto. Pinapanood ang bawat kilos ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya inasahang makita nang mas maaga pa kaysa sa susunod na araw.
Well, alam niya namang magkikita at magkikita talaga sila nito. But she wasn't expecting him now.
Sinikap niyang gawing kaswal ang kilos. She didn't want to give him any idea na tarantang taranta na ang mga paru-paru sa kanyang sikmura.
BINABASA MO ANG
Without You : Key to Leon's Heart
RomanceWithout You : Key to Leon's Heart (Published 2015) -La Tigresa Laking gulat ni Hermosa nang biglang magpunta si Leon sa bahay niya at inalok siya ng kasal. Kaso ang dahilan nito, para lang tuparin ang hiling ng Ina nitong malapit nang mamatay. Hind...