Chapter Ten

10.3K 283 18
                                    

Chapter Ten

"Pulis ako."

Napamura ulit si Leon. That explains the barbers' cut and the get up. Pero gustong mamangha ng binata, Leonarda chose this police officer to be his wife. And he has to admit na napahanga siya sa composure ng dalaga. Kung natakot ito kanina ay hindi niya nahalata.

She looked tough and self-assured. Naalala niya si Angelina Jolie sa pelikulang Salt nang magpatihulog ito sa swing hanggang sa paghugot nito kanina ng baril.

Kung ibang babae ay magtitili at manginginig sa takot pero ito ay hindi. And he thought women are dependent to men, Hermosa proved him wrong that it scared the sh*t out of him. Yet, he felt somehow proud na para bang may karapatan siyang makaramdam ng pride sa katapangan ng babae.

"Hindi nabanggit sakin ni Mama na pulis ka," saad niya.

Marami siyang iniisip na maaaring propesyon ni Hermosa nang magkakilala sila, kagaya ng office girl, entrepreneur, model, influencer, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na isa itong alagad ng batas.

"Are you having second thoughts now?" Tanong nito na parang wala itong pakialam umatras man siya sa kasal

"Iyon ba ang inaasahan mo?"

"Kung mas na-disappoint kita dahil sa trabaho ko, sino ako para ipagpilitan ko ang sarili ko sa 'yo?"

"Again, ano ang nangyari sa 'Wala pa akong kinse, crush na kita?'" Seryosong tanong ng binata.

Hermosa scoffed, pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib.

"Kagaya mo ayokong nasasayang ang oras ko, Leon. Kaya kung hindi mo gusto ang trabaho ko, sabihin mo na sa akin ngayon."

"Bakit magreresign ka ba kung sasabihin kong ayoko?"

Kalmanteng naupo si Hermosa sa sofa. "Mahigit dalawang taon na akong pulis at mahal ko ang trabaho ko. Hindi ako magreresign dahil lang inuudyukan ako ng magiging asawa ko."

"Nakita mo ba ang nangyari kanina? We almost got shot. Sino pa ang posibleng may gawa niyon kundi mga kriminal na malamang ay nakaaway mo na dahil sa trabaho mo?"

"Pipitsuging pulis pa lang ako, Leon. At wala akong mga kaaway. Kung mayroon man, tiyak na nasa kulungan pa at wala pang balitang nakalaya na."

Nagbuga ng iritableng hininga si Leon. Bakit ba napakahirap kausapin ng babaeng ito? Pakiramdam niya lumipat ang puso niya sa kanyang lalamunan nang matanto niyang pinagbabaril sila at wala silang kalaban laban.

He got scared not just for his mother's safety kundi maging kay Hermosa na hindi niya alam kung paano niya poprotektahan.

At pagkatapos ay tila balewala lang pala sa babae ang nangyari?

"Pagkatapos mai-set ang kasal babalik ako sa Naga para ayusin ang leave ko at ang bahay ng mga magulang ko. Kailangan kong maghire ng caretaker dahil tiyak na ilang linggo pa bago ako makabalik."

"Hindi ka na uuwi ng Naga, Hermosa. I'm not letting you," mariing aniya.

"At hindi rin ako makakapayag na diktahan mo 'ko, Leon." tugon ni Hermosa, diniinan din ang paraan ng pagkakasabi ng mga salita.

"For pete's sake Hermosa, tingin mo ba maipagtatanggol mo ang sarili mo if some goddamn SonOfABitch breaks into your house para gawan ka ng masama?"

Ngumiti ito. Still unaffected. Tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, dinampot ang gloc na nasa mesita at isinuksok sa likod bago mahinang nagsalita.

"There's nothing there in my house that is worth risking their lives, Leon. Babae ako but I am not stupid. If someone breaks in, ano ang silbi ng baril ko kung hindi ko gagamitin?"

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon