Chapter Twelve

103 17 1
                                    


"Mama.."

Nilingon ni Donya Leonarda si Leon na nagsalita mula sa likuran nito. Pababa siya sa hagdan para kumuha ng alak matapos siyang ipagtabuyan ni Hermosa palabas nang mapansin niya ang Ina, itinutulak ng nurse nito ang wheelchair papunta sa patio.

Nagdesisyon siyang sundan ang mga ito roon. Kung tama ang hinala ni Hermosa na siya ang target ng mga namaril kagabi, kailangan niyang protektahan hindi lang ang sarili kundi maging ang Ina.

"Mahamog na, Ma," aniya. Tumingin siya sa nurse na nakatayo sa gilid ng Ina. "Mauna ka na sa loob, ako nang bahala."

"Sige ho, Sir." tango ng Nurse na mabilis ding tumalima.

Lumapit siya kay Donya Leonarda at akmang itutulak pabalik sa loob ng bahay ang wheelchair nang hawakan nito ang kamay niya.

"Gusto ko sana munang magpahangin, hijo," anito.

"Delikado sa labas, Mama. Hindi pa nahuhuli ang mga namaril sa atin kagabi."

"You've hired guards, at mas mahigpit na ang seguridad sa gate pa lang. Hindi sila makakapasok dito sa Villa nang hindi natin agad malalaman."

"May problema ba?" Tanong niya.

Ngumiti nang bahagya si Leonarda. "Ikaw ang gusto kong tanungin niyan. Nahihirapan kang kumbinsihin si Lizbeth na ikakasal ka na sa iba."

"Wala kang dapat ipag alala sa kanya, Mama."

"Si Hermosa ang mas inaalala ko, Leon."

Tumikwas ang makakapal na kilay niya. "Si Hermosa?"

"She liked you since time immemorial. Since she was fourteen, bilangin mo kung ilang beses siyang nakaranas ng heartbreak sa dalas mong magpalit noon ng girlfriends."

Leon chuckled. "It doesn't look like she was that into me."

"Magaling lang siyang magtago ng damdamin. Simula nang maulila siya, hindi na siya masyadong nag-o-open up kagaya ng dati."

"It must've been hard for her."

Nagpatango tango si Leonarda bilang pagkumpirma.

Lizbeth is in love with him, he is sure of that. Unfortunately, Leon is not capable of loving her back. Not that she wasn't desirable, she's been a very good partner kung sex ang pag uusapan ngunit matagal niya ng isinara ang puso sa seryosong relasyon.

He once gave his heart to someone he never thought would hurt him and turn him down. And he thought he wouldn't be capable of caring again pero nakilala niya si Hermosa.

She once cared too much, but never had he felt this possessiveness and the need to protect them until Hermosa.
Bago at banyaga ang lahat ng mga emosyong nararamdaman niya para sa dalaga.

"How do you find her, hijo?" ang tinig ni Leonarda ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. "Everybody likes her. Ikaw, ano ang tingin mo sa kanya?"

Namula si Leon.

"Matagal ko nang gustong itanong sa 'yo kung bakit siya, Mama. Maraming babae na mas mataas ang pinag aralan at estado sa buhay. Mas maganda, classy at mas pwedeng ipagmayabang... Pero isang pulis na may simpleng background ang pinili mong maging manugang."

"Haven't you found the reason yet, son?"

"She's good looking, alright," kibit balikat niya. "But..."

"You know she's more than that."

"She's conceited and stubborn." Dagdag niya na ikinatawa ni Donya Leonarda nang mahina.

"Hindi ba at bagay kayo?"

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon