Chapter Eight

5.3K 145 3
                                    

Chapter Eight

Pagkatapos ng almusal, nag umpisa na silang mag ikot ni Daniel sa malawak na lupain ng mga Benidez sakay ng isang kulay itim na Thoroughbred. Just as Tita Leonarda said, kabisado ng binata ang Hacienda. Lahat ng gusto niyang malaman tungkol sa farming, ibinahagi nito sa kanya habang mabagal nitong iginigiya ang renda ng kabayong sinasakyan nila sa nakatanim na hile-hilerang puno ng mangga.

Pahapyaw na siyang pinakikilala ng binata bilang bride-to-be ni Leon sa mga trabahador na nadaanan nila.

Mabait si Daniel, magiliw sa mga trabahador at mahilig din itong magpatawa. Ilang oras pa lang silang magkasama pero magaan na ang loob niya dito. Hermosa realized na kaya niyang maging kaswal at kampante sa harap ng ibang lalaki, pero hindi kay Leon.

Siguro dahil kay Leon, may feelings na involved.

"Kung talagang gusto mong matutong mangabayo pwede kang magpaturo sa kaibigan ko. Leon's the best when it comes to horses. His horsemanship is incomparable. Simula sa pag aalaga hanggang sa pagbi breed at pagpapaanak nito." ani Daniel na halatang ibinibida ang kaibigan sa kanya. Palabas na sila sa manggahan at malawak na parang na ang nakikita nila sa unahan.

Oo nga at halatang magaling si Leon pagdating sa kabayo pero hindi sigurado si Hermosa kung matiyaga ba itong magturo.

"I'd rather stay inside the house than let him teach me to ride horses. Who knows, baka ihulog pa 'ko non?" Hermosa said which made Daniel chuckle.

"Leon could be a little feisty, pero hindi ka nun ilalaglag." nilinga siya nito nang bahagya. "Kung mahuhulog ka, siya ang unang unang sasalo sa 'yo, that I can assure you."

Iniikot niya ang mga mata, hindi kumbinsido. "Pareho kaming may pangil at buntot, tiyak na walang oras na lilipas hindi kami nagtatalo. Iyon lang yata ang ginawa namin simula nang --" kinagat niya ang dila bago niya pa matuloy ang sasabihin. Kabilin-bilinan ng mahal na hari na huwag niyang ipagkakalat ang tungkol sa set up nila. At hindi siya sigurado kung kasama ba sa kailangan nilang paglihiman ang matalik nitong kaibigan.

"Simula nang magkita kayo nung isang araw?" agap ni Daniel dahilan para matigilan si Hermosa. Kumunot ang noo niya, tumitig sa likuran ni Daniel. "Shock that I know about your arrangement? Walang lihiman sa pagitan namin ni Leon, Hermosa. Kaya sinasabi ko sa 'yo na mali ang pagkakakilala mo sa kanya. He's a jerk, yes, but he's dependable and trustworthy. He's the kind who sticks around; isang proof na 'yong pagkakaibigan namin. Kahit sinong tauhan ang tanungin mo, iginagalang siya at nirerespeto."

"Ang ibig mo bang sabihin sa akin lang siya salbahe?"

"Well, you can say that. That bastard was a complete nutcase who doesn't know how to treat a good woman nicely." pabirong kambyo nito sa lahat ng mga magagandang siniabi tungkol sa kaibigan.

HALOS magdikit ang mga kilay ni Leon sa pagsasalubong habang pinapanood ang dalawang pigurang sakay ng kanyang thoroughbred. Hindi niya magawang hiwalayan ng tingin sina Hermosa at Daniel na mukhang nag-e enjoy pa rin sa pagkukwentuhan habang palapit sa isa sa mga puno ng mangga.

"Hoo.." Hinila ni Daniel ang renda ng kabayo para pahintuin sa harap ng mga trabahador na abala pa sa pamimitas. Tumiim ang mga bagang niya nang alalayan nito si Hermosa sa pagbaba. Nakahawak ito sa bandang kilikili ng dalaga.

Jealousy kicked in suddenly na hindi niya mapigil ang pagtitiim ng mga bagang. Ngumiti si Hermosa at bumati sa mga trabahador. Nakipag usap ito saglit kay Mang Bruno bago umuklo para dumampot ng manggang hinog at inamoy iyon.

Hindi pa namamanaag ang araw kanina nang umalis siya ng Villa. Gusto niya itong yayain para mag ikot sa farm dahil narinig niya ang usapan nito at ni Mang Gardo kahapon. It would be his pleasure to show her around dangan nga lang at hindi niya naman makuhang abalahin ito sa pagtulog. Alam niyang kailangan nito ang pahinga.

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon