Kabanata 1

327 6 0
                                    

Simula pagkabata ay lahat ng mga bagay ay nakukuha ko. My family is rich and that's understandable that they will spoil me in everything. I've been living a luxurious life.

I am spoiled, yes. If I want something, I'll do everything to make it mine. No matter what may be the result.

They said I will also become a politician just like my parents, but I won't. I wanted to leave San Vincente, my hometown, when I am given a chance. Hindi ako susunod sa yapak nila dahil hindi ko naman gusto kung ano man ang trabaho nila. I just want to be free from the responsibility. I wanted to live away from my family, especially my parents.

Kung maraming kabataan na gusto itong buhay ko, ako ay hindi ko gusto. Marami kaming pera kaya nabibili ko ang lahat ng gusto ko pero wala namang nagtanong kung ano ba talaga ang gusto ko. Kailangan ko lang naman ng atensyon ng mga magulang. Hindi pera ang gusto ko.

"Where's Dad, Manang?" I asked one of the kasambahays as I walked in the kitchen.

It's early in the morning so I guess they are still here.

"Hindi umuwi si Gov kagabi. May meeting daw sa kabilang bayan. Ngayong tanghali pa yata ang uwi."

Umupo ako sa dining table. Mabilis namang hinanda ng kasambahay ang pagkain ko.

"How about Mom?"

"Tulog pa."

Bakit hindi pa ako nasanay? Nasa iisang bahay lang naman kami tumira ng mga magulang ko pero parang hindi. Hindi kami halos nagkikibuan. Busy kasi sila palagi.

"Tell Nung Manuel to get ready, Manang. Papasok na akong school."

Tumayo ako at planong umakyat na sa taas pero natigil ako dahil sa tanong ng kasambahay.

"Paano ang agahan—"

Nagtaas ako ng kilay. Do I need to tell her what I am going to do? Is she my mother? Wala ngang pakialam ang ina ko sa akin.

Hindi niya na tinuloy ang tanong niya dahil sa alam na naman siguro niyang hindi ko nagustuhan ang tanong niya.

Paakyat ng hagdanan ay kita ko pa ang dalawang kasambahay na nagwawalis pero nang makita nila akong paakyat ay agad silang umalis.

Naghanda ako para makapunta sa paaralan. Kahit na nung paalis na ako ng bahay ay hindi pa rin bumababa si Mommy sa kanyang silid. Umalis na naman ako ng bahay na hindi nakapagpaalam sa kanya.

"Huwag niyo na akong sunduin mamaya, Manong–"

"Susunduin. Okay," wala sa sariling sabi ni Nung Manuel.

Hindi ako agad na lumabas ng sasakyan dahil sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong nakatingin siya sa akin gamit ang rear view mirror.

"Excuse me po?"

"Susunduin kita mamaya," ulit niya.

"Pero ang sabi ko po ay huwag na. Magpapahatid ako sa mga kaibigan ko."

"Sino doon? Arthur Rivera? Isa sa mga De Guzman? Kaiden? Gavin? Alexis?"

"Wala sa kanila–"

"Edi susunduin kita."

Really? Sino bang masusunod sa aming dalawa dito?

"Wala kang ibang lalaki na kaibigan, Ma'am. Kung wala sa kanila edi wag na."

"Pero, Nung—"

"Padala ni Belen. Hindi ka daw nag agahan. Kainin mo muna bago ka lumabas."

He handed me a small lunchbox.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now