"Bakit naman kita iisipin? Koreano ka ba?"Inilingan ko siya pagkatapos ay inayos ang nagulo na buhok dahil sa pag-iyak at pagpanggulo kay Anthony.
"Isa pa 'yan! Addict ka pa talaga sa mga–"
"Huwag mo nga akong pakialaman! Hindi naman kita ama para pakialaman ako."
Narinig ko na lamang ang pag buntong hininga niya pagkatapos ay pinaandar ulit ang sasakyan.
Kung alam niya lang. Halos hindi nga ako halos makatulog sa gabi dahil sa iniisip ko siya. Pero wala na naman ding malisya 'yun. Curious lang naman ako sa kanya.
Iba din talaga ang nagagawa ni Anthony. Sa napapansin ko ay kapag may hindi ako magandang pinagdadaanan at alam niya ay may kung anong sinasabi siya, nakakalimutan ko tuloy ang mga iniisip kong problema.
Ganun ba siya sa lahat?
Hindi na ako nakapasok sa paaralan pagdating ng hapon hindi dahil sa broken hearted ako. May pupuntahan ako kasama ang pamilya ko kaya hindi ako pwedeng pumasok kahit na ayaw ko namang lumiban.
May mga bodyguards pa din. Kasama ko naman kasi sina Mommy at Daddy kaya dapat may mga security guard kami.
"Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat handa kang lumiban sa klase, Ashanta. May mga susunod pa na ganitong kailangan kitang isama at ang Mommy mo. Kapag nanalo ulit ako ay kahit sa ibang siyudad o probinsya ay kasama ka."
Inisip ko palang na liliban na naman ako sa klase ay hindi ko na gusto.
"Yes, Dad," I answered.
Crossed fingers.
Sa karatig bayan kami pumunta. Hindi ko inasahan na dalawang oras ang byahe. Akala ko sa San Vincente lang. May meeting pala daw ang mga kapartido nina Daddy at Mommy. Paniguradong puro mga politiko ang mga makakasalamuha ko at puro hindi ko kakilala dahil galing panigurado sa ibat-ibang lugar.
"Behave,Ashanta, okay?" Mommy reminded me before we got out in the car.
Isang hotel ang pinuntahan namin. Tama nga ang inasahan ko, maraming tao at puro hindi ko kakilala.
Pakilala doon, pakilala dito. Ngiti dito, ngiti doon. Nananakit na ang paa ko dahil sa kakalipat ng lamesang pinupuntahan.
"This is my daughter," Daddy introduces me again and again.
"You have a beautiful daughter, Governor. May plano ka bang pumasok din sa politika, hija?"
Ngayon ay nasa akin na naman ang atensyon ng mga nandito sa lamesa.
Nakangiting nilingon ko si Daddy. Alam ko na naman ang isasagot ko dito. Malaking hindi pero alam kong hindi matutuwa si Daddy sa gusto kong isagot. Lalo na si Mommy.
"Baka po pero wala pa po sa isip ko. Tinutukan ko kasi ang pag aaral ko."
Nagtawanan ang mga nandito sa lamesa. Tawanan na hindi naman nakaka-offend.
Umayos ako ng upo nang maramdaman ang panlalamig. I am wearing a leather tube dress and the hall that we are at is an air-conditioned. I can feel the chill in my entire skin.
"Oh! I like your daughter, Governor, Mayor. Ang anak ko kasi, matigas ang ulo."
Sa nakikita ko ay ako lang ang isinasama nina Daddy sa kahit saan man sila pupunta na lamesa. Ang mga anak ng mga politiko na isinama din ay nasa ibang mga lamesa naman. Ako lang ang naiiba.
"Ganyan talaga 'yang unica iha namin, Congresswoman. Masipag siya sa pag aaral," Nakangiting sagot naman ni Mommy.
"Alam mo, hija, bagay sa'yo ang politika. Devoted ka nga sa pag aaral, paano na kaya kung pumasok ka na sa politika."
YOU ARE READING
Neglecting the Consequences (HRS#6)
RomanceThe player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadness and pain. Will someone bring her light when she's in darkness or she will just drag that person...