Nagkaroon ako ng lakas na umalis kaya walang salita na umalis ako.
Hindi ko na hinintay si Mommy dahil sa nararamdaman na takot. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha ng lalaki na sumira sa buong pagkatao ko. Halos hindi ko matingnan ang sarili sa salamin, takot ako kamay may humahawak sa akin kahit sa kamay man lang ay natatakot ako, nanginginig ako sa tuwing naaalala ko ang mga ginagawa niya sa akin noon. Hindi ko makalimutan kahit na malaki na ang anak ko. Ang naging bunga ng pambababoy niya sa akin.
"Hey! What happened–"
Walang salita na pumasok ako sa loob ng bahay ni Anthony. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko namalayan na dito ako papunta. Tsaka ko lang napansin nang tumigil na ang sasakyan ko sa harap ng kanyang bahay.
Sa tuwing hindi ko na kayang sarilinin ang problema ay siya palagi ang naiisip ko. May be because I feel safe when I am with him. I feel secured.
"Susunduin mo dapat ang ina mo, 'di ba?"
Pagkarating ng sala ay tsaka ko lang siya nilingon.
"Can I sleep here?"
Kita ko ang gulat at pagkalito sa mukha niya pero binigyan niya ako ng ngiti.
"Of course."
Kahit 'yun man lang ang sinabi niya ay nabawasan ang takot ko. Walang ibang pwedeng manakit sa akin dahil nandito siya. Siya lang naman ang kailangan ko.
"Kumain ka na ba? I will cook your dinner."
Umiling ako. "I'm scared," I honestly said.
Lumapit ako sa kanya. I hugged him as tight as I could.
"It's okay, Ash. Nandito lang naman ako. Hindi kita iiwanan at pakikinggan kita palagi. I love it when you open up to me."
Sa kanya ko lang naman kayang sabihin ang lahat-lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung mawawala ulit siya sa akin. Hindi ko kaya.
"You need to face that fear in order to be brave."
Umiling ako habang nasa kanyang dibdib pa rin ang mukha at mahigpit pa rin siya na yakap. Ayaw kong bumitaw. Mas natatakot lang ako.
Hindi ko akalain na mas nakakatakot pala bumalik ang nakaraan kesa sa isipin ang kinabukasan. Nakakatakot.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat pero hindi ko pa kaya. Natatakot pa ako.
Ang akala ko ay hindi ko na siya makikita pa ulit. Akala ko ay mamumuhay na ako ng tahimik pero hindi pa pala. Ayaw talaga niya akong patahimikin.
Kahit na hindi ko nakikita ay halos iwanan na ako ng sariling kaluluwa dahil sa takot, paano na kaya ngayong nandito na naman siya?
Balita ko ay nag asawa na naman siya sa ibang bansa. Hindi ko gustong malaman ang tungkol sa kanya pero hindi ko maiwasang marinig ang usapan. Ayos na naman siguro siya kung hindi na siya umuwi pa. Bakit pa siya umuwi? Bakit kailangan pa na magpakita sa akin?
"Sleep, Ash. Babantayan kita. Walang makakapasok dito sa bahay. I will protect you at all cost."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Don't leave me."
He chuckled at what I said.
"Of course. Dito lang ako. You're safe when you're with me, Ash. No need to be scared."
Alam ko naman 'yun. Pero takot ako na ipikit ang mga mata. Takot ako sa dilim. Wala akong ibang makikita pero naalala ko ang lahat. Closing my eyes means seeing the darkest moment of my life and I am scared.
Kahit na ilang taon pa ang lumipas. Takot pa rin ako.
Habang nakahiga ay hindi ko sinubukang ipikit ang mga mata. Tinitigan ko lang ang gwapong mukha ni Anthony na nakatingin lang din sa akin.
YOU ARE READING
Neglecting the Consequences (HRS#6)
Любовные романыThe player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadness and pain. Will someone bring her light when she's in darkness or she will just drag that person...