I thought I am different from my father, but maybe it runs with the blood. He killed someone and using his gun I also killed someone. But I killed a rapist and a pig, not just an innocent person.
Alam kong mali ang nagawa ko pero naglaho na ang bigat sa dibdib na nararamdaman. Wala na. Hindi ko akalain na dadating ang araw na maramdaman ko ulit kung paano magkaroon ng magaan na damdamin. 'Yung walang kahit na anong hinakakit na dala-dala.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa labas. Kung nagkakagulo ba dahil sa may namatay. Nandito lang naman ako sa tahimik at maduming kulungan.
Pagkatapos kong barilin si Vince ay si Mommy na mismo ang tumawag ng pulis para ipadakip ako. Puro iyak ang ginagawa niya habang hinahawakan at tinatawag ang walang buhay na si Vince.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihinagpis siya at sinasabihan ako ng mga masasakit na salita. Mas naging ina pa siya sa hindi niya kaano-ano. Pamangkin ni Dad si Vince kaya hindi siya kadugo ni mommy pero ang ipinakita lamang niya sa akin ay galit dahil sa pinatay ko ang yakap niyang si Vince.
"Ano na lang ang sasabihin ng Tita Clarita?! Ang mga pinsan? Sina Carlos? My God! Even Joseph!"
Iyon nga ang inaalala niya hanggang sa madampot ako ng mga pulis.
Siguro ay malas lang talaga ako. Hindi ko kailanman naramdaman ang magkaroon ng isang pamilya kaya hinahanap ko 'yun sa iba. Nahanap ko 'yun kina Lola Lolita at Lolo Andres. Tinanggap nila ako bilang apo nila kagaya ng pagtanggap ng mga apo nila sa akin. Si Nung Manuel at Manang Belen, itinuring nila ako na parang sarili na din nilang anak. Si Lourdes ay para ko na ding kapatid. Si Aubrielle at Betane, kapatid ang turing nila sa akin, sobra pa nga. Sina Gavin, Kaiden, Alexis, at Arielle, nakakabatang kapatid ang tingin nila sa akin.
Naghahanap ako ng pagmamahal sa iba samantalang may sarili naman akong pamilya. Tinanggap at pinahalagahan ako ng iba imbes na ang pamilya ko naman sana ang gumagawa nun para sa akin.
Nakahanap ako ng bagong pamilya, si Matt. Mahal niya ako sa kung ano lang ang maibigay ko sa kanya. Masyado siyang maintindihan at mapagmahal na anak.
Si Anthony na walang ibang ginawa kundi ang mahalin, alagaan, at pakinggan ako sa lahat ng mga hinaing ko. Minahal niya ako ng walang hinihiling na kapalit.
May mga nagmamahal sa akin kahit na wala naman akong halos na maibigay sa kanila. Ang pamilya ko na ginawa ko na ang lahat-lahat, naging sunod-sunuran pa, wala man lang akong natanggap na kahit anong pagmamahal. Ako pa ang sinisisi sa lahat-lahat.
If other children have been blessed with loving and caring parents, I am not. Malas ko lang.
"Ash, what happened?"
"Ano bang nangyari?"
Tiningnan ko ang dalawang kaibigan na nasa harapan. Hindi ko sila halos na nakikita dahil sa puro na kami busy. Pero masaya pa din naman ako. Magkaibigan pa rin kami kahit na halos ay hindi na kami nagkausap.
"I am so shocked hearing the news. Ano bang nangyari, Ash?"
Hindi ko nakitang umiyak ang mga kaibigan pero ngayon ay nandito sila sa aking harapan. Humahagulgol at nasasaktan dahil sa nakulong ako.
"Hindi…ko maintindihan. Ayos ka pa naman noong nakaraan nating kita, a? You're laughing, cracking jokes, and teasing us."
"May problema ka ba at hindi mo sinabi sa amin?"
Hindi pa rin ako nagsalita. Ang mga kamay ay nakapatong sa mga hita.
"Ash, please. Say something," Betane pleaded.
"Hindi ako naniniwala," umiiling na sabi ni Aubrielle.
"It's true. I killed him."
Nagsinghapan sila dahil sa narinig. Gulat at nagtataka sila pareho.
YOU ARE READING
Neglecting the Consequences (HRS#6)
RomanceThe player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadness and pain. Will someone bring her light when she's in darkness or she will just drag that person...