Kabanata 6

150 5 0
                                    


Alam ko na naman na taga-suporta talaga sila ni Gregory sa mga Tan noon pero nakakagulat pa rin na makitang active silang tumutulong sa mga ginagawa ng mga taga kabilang partido.

Tsaka nakakagulat din na kahit mayaman si Ethan ay nagbubuhat pa rin siya ng mga mabibigat.

"Paano ba 'yan? Hindi yata kayo magkapareho ng partido ng nagugustuhan mo."

Nilingon ko si Nung Manuel. Nakangiti siya ngayon habang nakatingin sa rear view mirror.

Hay naku! Hindi pa rin ba siya nakakalimot? Ilang buwan na ang lumipas simula nang hindi ko na nilapitan si Anthony. Hindi ko na siya hinaharang sa gate. Mabuti na rin at sa summer ay nagkaroon ako ng pinagkakaabalahan kaya hindi ko naalalang naiinis siya sa akin. Pero paki ko naman! Mainis lang siya sa akin, wala akong paki!

"Ay!" Nung Manuel surprisingly looked at the window that made me also look at where he was looking.

Natataranta at nanlaki ang mga mata tinapik-tapik ko ang backrest ng upuan ni Nung Manuel dahil sa nakitang papalapit na si Anthony.

"Nung, start the car!" I'm still tapping the backrest while looking at Anthony.

Kahit na hindi naman pwedeng kabahan ay kinabahan ako habang papalapit si Anthony. Parang lalabas ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

"May harang pa, Nikita."

Nawalan na tuloy ako ng pag asa lalo na ng katukin ni Anthony ang pintuan ng driver's seat.

Kabadong nakatingin ako sa pababa na salamin. Nakasunod pa ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang bumaba ang salamin.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang sumilip siya sa loob. Hindi niya ako tiningnan dahil nasa kay Nung Manuel naman ang mga mata niya pero ayaw pa rin huminahon ng puso ko.

Nakakainis na sa ilang buwan na hindi ko siya nakikita ay ganito ang reaksyon ko.

"Kayo pala, Kuya. Magandang hapon po," magalang niyang sabi sabay ngiti.

Jusko!

Pinisil-pisil ko ang mga kamay ko para pakalmahin ang sarili. Tiningnan ko si Anthony na parang hindi kinakabahan. Kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay parang ang hirap pa ring huminga.

Sa itsura pa naman niya ngayon. He's leaning on the window, messy hair with a small droplets of sweat on his forehead. And from here, I can clearly see his long and thick eyelashes. His pointed nose. Oh, come on! Dagdagan pa ng mapupula niyang mga labi na parang basa naman palagi.

May ganyang klase bang lalaki. He's so manly, for God's sake.

"Pasensya na kayo dahil sa mga sasakyan na nakaharang, Kuya. Aalis din naman 'yan. Kaunting tiis lang po."

"Ayos lang naman. Hindi naman kami nagmamadali. 'Di ba, Nikita? Ay! Ma'am. Wala kayong ibang pupuntahan?"

Dahil sa tanong ni Nung Manuel ay napatingin na tuloy si Anthony sa akin.

I swallowed hard as our eyes met. There was joy and excitement in his eyes, I guess?

Huminga ako ng malalim at umiling.

"Wala po, Manong," tipid kong sagot sabay iwas ng tingin kay Anthony.

Guniguni ko lang yata ang nakita ko sa mga mata niya? Hindi naman pwedeng masaya siya dahil nakita niya ako. Naiinis siya sa akin kaya imposible.

"Ayos lang naman kami dito, Hijo. Hindi naman kami nagmamadali."

Pinilit ko ang sarili na huwag tingnan ulit si Anthony kahit na ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Sobra na ang pagpipigil ko sa sarili ko.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now