He's unbelievable!"Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi naman ako bumabase sa estado ng buhay."
"Sa ngayon ay nasasabi mo 'yan pero makinig ka na lang sa akin."
"Ewan ko sa'yo!"
Mabuti at nakita ko ang sasakyan na paparating. Hindi ko na kailangang kausapin si Anthony. Kung kanina ay naiinis ako ngayon ay galit na ako.
Nagmartsa na pumunta ako sa sasakyan at halos sirain na ang pinto nang isara ko.
Naninikip ang dibdib ko dahil sa galit.
Paano ko naman siya magugustuhan, e ganu'n na ang sinasabi niya sa akin? Hinuhusgahan na niya ako. Hindi ko lalo isipin na gustuhin siya.
Paano niya naisali ang kahirapan sa usapan? Ano naman ang kinalaman ng kahirapan sa pagkakahulog ng isang tao? Kailangan ba talaga ay ipaalaala niya sa akin 'yun?
Oo na, Anthony, hindi ako mahuhulog sa'yo. Wala akong plano at may iba akong gusto. Baka akala ko mo lang talaga. I won't really fall for you. Not in my entire life.
Nakalimutan ko din naman ang pagka-inis ko kinabukasan dahil sa medical mission. Sobrang abala ko sa pamimigay ng mga gamot sa mga kabataan at mga matatanda, tumutulong ako sa mga nurses at midwife na namimigay.
May mga namimigay ng pagkain, pwede check ups, may libreng gupit at tuli na din. Maraming pwedeng makinabang kaya marami ang pumunta.
Sa isang barangay ng San Vincente inilunsad ang medical mission pero may mga taga ibang barangay din na nandito dahil may sasakyan naman na naghatid sa kanila dito. Yun na din ang maghahatid sa kanila mamaya.
"Mag-ingat kayo, Ma'am. Hindi na namin gustong mangyari 'yung nakaraan," bulong sa isa kong kasamahan. Kasama ko rin siya noon sa pamimigay ng mga pamaypay.
"Ayos lang. Dinagdagan na naman ni Mommy ang bodyguards ko. Nasa tabi-tabi lang ang mga 'yun."
"Basta, ha? Sa dami pa naman ng tao."
"Ayos lang talaga, Jude, keri ko naman."
Tumango siya pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Siya at tagahanap ng gamot na kailangan kong ibigay. May reseta na kasi ang lumalapit sa amin dahil sa galing na sila sa nurse o sa doctor na nasa ibang parte nitong court. Pumunta lang ang mga tao dito para kunin ang gamot na nireseta sa kanila.
Nananakit ang likuran ko dahil sa ginagawa pero patuloy pa rin ako. Marami kaming namimigay pero hindi pa rin yun sapat. Ang dami pa ring nakalinya. Sa sobrang dami ng tao ay baka abutin pa kami nito kinabukasan. Buong probinsya din kasi itong mga nandito.
"Pahinga muna, Ash," si Jude.
Tiningnan ko ang relo ko at nalamang alas dose na pala.
May mga pumalit sa amin para lang makakain kami pero babalik din naman kami doon pagkatapos naming kumain.
"What a very tiring half day."
Tumawa ako dahil sa sinabi ng isang kasamahan. Hindi na din masama ang sinabi niya. Totoo naman.
Nagpaalam ako sa mga kasamahan kong may pupuntahan lang. Kahit na sobrang dami ng tao at sobrang ingay ng paligid na hindi ko malaman kung ano ba ang pinag uusapan ng lahat, nakuha ko pa ring makalusot sa mga taong nagsisiksikan.
Paglabas ko ng court ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Puno din ako ng pawis dahil sa hirap na hirap ako sa makalabas.
"Saan po kayo pupunta, Ma'am?"
Agad na nilapitan ako ng isang bodyguard. Sinasabi ko na, e. Nasa tabi-tabi lang talaga sila, nagmamasid.
"Kailangan kong ipagpahinga ang likuran ko, Kuya. Ang sakit na."
YOU ARE READING
Neglecting the Consequences (HRS#6)
RomanceThe player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadness and pain. Will someone bring her light when she's in darkness or she will just drag that person...