Kabanata 23

156 5 0
                                    


"You killed him!" I angrily shouted at my father.

Ang akala kong nadisgrasya ang kapatid ay hindi pala. Nangako siyang sasamahan niya ang kapatid ko sa pagpunta sa bahay ng mga De Guzman. Nangako siyang tutulong siya pero hindi pala totoo.

Ngayon ay puno na ng galit ang dibdib ko. I will pull him down. Iyong tipong hindi na siya makakabangon pa.

"Anong magagawa ko, 'di ba? Matigas naman ang ulo niya. Tsaka lang siya lalapit kapag may kailangan? Gusto niyang ipaalam sa lahat na nakabuntis siya? I am a politician and I want my name clean."

And my brother was the stain of his name?! Sariling dugo niya ay kaya niyang ipapapatay?

"Kapag sumunod ka na sa yapak ko, Anthony. Maiintindihan mo din."

I will never follow his steps. I am going to bring him down no matter what.

"Hindi ako nagtrabaho sa mga Perez para lapitan ang nag-iisa nilang anak. Nagtatrabaho ako para mabuhay. Nagtatrabaho kami ng kapatid ko dahil wala kaming ina at wala din kaming ama."

Tumawa siya kaya mas nadagdagan lang ang galit na nararamdaman ko. Kapag babalik ako ay hindi na niya magagawa pang tumawa ng ganyan.

Umalis ako ng San Vincente. Gaya ng palagi kong ginagawa ay nagtatrabaho ako kapag may bakante akong oras at nag-aaral na din. Ipinagsasabay ko ang dalawa. Kailangan ko lang abalahin ang sarili para hindi ako magkaroon ng oras na mag-isip. Baka kung maalala ko si Ashanta ay babalik lang ako ng San Vincente. Bawat araw na dumadaan ay nangungulila ako sa kanya at sa kapatid ko.

I miss her laugh, smile, voice, and teasing. I hope she's doing fine.

Those beautiful eyes. I miss them.

I am still admiring the same person no matter how many years may passed. She's just different and I am going to love the same person in my lifetime.

"Na-hostage po, Sir."

Ang balitang 'yun ay ang dahilan kung bakit ako umuwi ng San Vincente. Hindi pa sana ako uuwi dahil sa hindi pa tamang panahon pero hindi pwedeng maghihintay lang ako ng balita.

Dahil sa naging mayor siya ay alam ko na agad kung ano ang mga ginagawa niya kahit na nasa malayo siya. I have my own eyes and ears in San Vincente. Malayo man ako ay alam ko ang mga nangyayari sa lugar.

Na-hostage siya pero nang mailigtas siya ng mga sundalo ay nalaman kong dumiretso siya ng ospital para puntahan ang kaibigan na na-hostage din.

Hindi man kita sa panlabas na anyo pero ang dalisay ng kalooban niya. She's kind, selfless, and a loving daughter and friend.

Nakatayo lang ako dito sa hallway ng ospital at nakatingin sa kanya. Umiiyak siya habang yakap-yakap ng isa sa mga kaibigan niya.

Kung noon ay masyado siyang magaling magtago ng nararamdaman. Ngayon ay hindi na niya nakayanan. Umiiyak siya ngayon ng sobra-sobra. Hindi man lang niya inaalala ang sarili. Pinasok ng mga terorista ang bahay niya at na-hostage siya pero ang kaibigan niya ang kanyang inaalala.

"Usap-usapan nga, Sir. May anak nga talaga si Mayora. Tumigil siya ng isang taon sa pag-aaral kaya 'yun ang posibleng dahilan."

Nagtaas ako ng kilay habang kausap  sa cell phone ang sekretarya.

Akala ko ba ay sinamahan niya ang kanyang ina sa pagpapagamot? 'Yun ang sinabi sa akin noong una.

May anak? But she's still single. Hindi naman pwedeng tago ang kasal niya dahil masyadong chismoso ang mga taga-San Vicente. Malalaman at malalaman talaga nila ang totoo.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now