Kabanata 21

128 4 0
                                    

Life is really hard. It is easy to be born in this world, but being alive is difficult. Everyday we struggled, but we still continue in order to live. That's life, really.

Kung kailan nagkakaroon ng problema ang isang tao, sunod-sunod na ang pagdating nun. Ayaw dumating ng problema paisa-isa, gusto nila sabay-sabay para isang bagsakan, isang masakit na karanasan.

Now I believe that I was really born to experience the most painful thing in the world. I am alive because I was meant to experience the bullshit in this world.

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang natanggap na isang sobre.

Hannah Rodriguez Montalban, daughter of Brenda Montalban and the late Lester Montalban,
and Anthony James Jimenez, son of Mr. Antonilo Tan and the late Gracelyn Jimenez, request the honor of your presence at their wedding on the thirteenth of June—

I cannot read any further. The more I read it the more I get hurt.

Kaya ba hindi na niya ako kinontak pa? Sa mga panahon na kailangang kailangan ko siya ay hindi siya dumating dahil nasa iba na siya.

He promised me, but I never have a chance to experience his promises.

Ako ang pinangakuan niya ngunit iba pala ang papakasalan.

"Where are you going, Ashanta?"

"Pupunta ako–"

"Are you insane?! Dagdagan mo ang lintik na dinaramdam mo?! Tang-ina! Ang dami-dami na, Ash! Dagdagan mo pa ba?"

Tiningnan ko lang ang galit na mukha ni Kaiden. Bumalik ako ng San Vincente para lang dito. Kahit ayaw kong bumalik ay pinilit ko pa rin ang sarili ko.

Pinadalhan ako ng invitation card kaya dapat ay pupunta ako. Ikakasal na nga ang pinsan ko.

Ang akala kong ako ang mamimigay ng invitation cards para sa aming kasal ay ako pala ang makakatanggap.

"Ihahatid kita. Go home now, Ash. Maawa ka naman sa sarili mo. Kahit kaawaan mo man lang ang sarili mo–"

"Gusto kong makita kung totoo ba talaga–"

"Tang-ina! Totoo," galit niyang sigaw dahilan ng paglabas ng asawa niya sa kusina.

Gulong-gulo ito na tiningnan ang asawa at ako.

"Are you okay, Kai?" She worriedly asked.

"Yes. I'm just pissed," Kaiden answered.

Nagtaas siya ng kilay pagkatapos ay lumapit sa kung nasaan kami ni Kaiden. Nakaupo ako sa sofa samantalang nakatayo si Kaiden, galit na galit.

"May invitation din naman ako, Kai. Bakit hindi ka ganyan kung mag-react?"

Bumuntong hininga si Kaiden pagkatapos ay tiningnan ako.

"She's different. Paano ko ba sasabihin 'to? Bakit ka pa kasi bumalik? Ayos ka na sa Cebu, Ash–"

"Taga-rito pa rin siya, Kaiden. Kahit iba na ang Mayor dito, tagarito siya. Hindi matatawag na San Vincente ang lugar na ito kung walang Nikita Ashanta Perez na naging mayor dito. For three terms in straight."

"George–"

"No! Hindi matatahimik si Ashanta kung hindi niya makakausap 'yang lintik na Anthony na 'yan. Sasamahan ko siya. Babalian ko ng buto ang lalaking yun kung may hindi siya magandang gagawin dito sa bestfriend mo!"

"God!"

Inis na ginulo ni Kaiden ang buhok na mukhang inis na inis na.

"Do you think papayag pa ako? Pagkatapos may nangyari kay Beatrice ay papayag akong aalis lang kayo basta-basta?!"

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now