Hindi ako hinayaan ni Nung Manuel na pumasok kaagad sa bahay. Pinadiretso niya ako sa kung saan natutulog ang mga katulong. Pinagamot niya kay Manang Belen ang paa ko.
"Baka hindi ka makakapasok bukas, Nikita," si Manang habang ginalaw galaw ang paa.
"Aw!"
Kanina pa ako halos na magsusumigaw sa sakit dahil sa ginagawa ni Manang. Dahan-dahan muna niyang inikot-ikot ang paa ko pagkatapos ay biglang hihilain.
Pakiramdam ko ay hindi naman paggamot ang ginagawa niya. Mukhang dinagdagan pa niya ang strained ng paa ko.
"Ayan! Buhat-buhat pa kasi," si Nung Manuel.
Hindi ko siya pinapansin dahil abala ako paghawak ng binti ko.
"Manang, tama na po," halos magmakaawa na ako.
"Ganito kasi ang ginagawa kapag natapilok. Ganito ang ginagawa ng ama ko noon."
"Mabisang panlunas yan, Nikita," si Nung Manuel.
Silang dalawa ang umuukupa sa silid na ito dahil sa mag-asawa naman sila. Ang ibang mga katulong ay hiwalay dito. Bawal din ang mga lalaki na pumasok sa kwarto ng mga babaeng katulong. Sina Nung Manuel at Manang Belen lang ang pwedeng magsama dahil mag asawa na naman sila bago pa sila namasukan dito.
Taga-Cebu sila pareho at pumunta lang dito sa San Vincente dahil sa may kamag anak sila dito. Walang anak at gustong magtrabaho kaya dito sila pumasok. Family driver si Nung Manuel samantalang si Manang Belen ay siya ang namamahala sa lahat ng katulong dito. Ako lang din ang inaalagaan niya. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin.
"Ano ba kasing pinaggagawa mo sa paaralan para magkaganun ka?" Tanong ni Manang Belen.
Sasagutin ko na sana ang katanungan niya pero naunahan na ako ni Nung Manuel.
"Ginusto niya rin naman yata. Halos magtatalon na sa tuwa nang makita kong nakasampa sa likuran nung isang estudyante–"
"Manong, naman. Hindi ko naman sinadya."
"Sus! Dumaan din ako sa pagiging kabataan, Nikita. Hindi na bago sa akin yan. Masaya ang umibig."
"Aw!" Hindi na ako nakasagot sa kanyang sinabi kahit gustong gusto ko naman sanang kontrahin. Hinila na naman kasi ni Manang Belen ang paa ko.
Masaya ang umibig?! Wala nga akong gusto doon sa tao, e. Puro pambubwesit lang naman ang gusto kong gawin doon at nakakatuwa sa tuwing naiinis siya. Gusto ko tuloy lalo siyang inisin pa.
Hindi din naman ako magkakagusto don, hindi ko type.
"Tapos na yan. Magbihis ka na para makakain ka ng merienda."
"Ayaw ko po, Manang. Busog pa ako."
"Huwag mo akong masabi-sabihan na busog ka. Hindi ko pa nakakalimutan noong binato mo ako ng masamang tingin noong nakaraan."
Ngumiti ako sabay lapit kay Manang at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Sorry na, Manang."
"Ano pa nga ba? E, sa kilala na kita. Naiinis ka dahil sa wala na naman ang Daddy mo dito."
Alam na talaga niya–nila. Rinig na rinig ng mga nandito sa bahay ang mga sigawan ni Mommy at Daddy pero walang pwedeng magsalita o hindi pwedeng pag usapan ang ganu'ng klaseng pangyayari sa loob man ng bahay lalo na sa labas. Walang pwedeng lumabas na salita sa bahay na ito. Ang maririnig nila dito ay mananatiling dito lang.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga nandito ang mga pambabae ng ama ko.
May mga babae pala talagang pumapatol sa lalaking may pamilya na. Alam na naman nilang may pamilya yung tao pero hindi man lang yata nila inisip na nakakasakit sila ng ibang tao. Ang inisip lang yata nila ay ang sumaya sila kahit hindi naman tama.
YOU ARE READING
Neglecting the Consequences (HRS#6)
RomanceThe player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadness and pain. Will someone bring her light when she's in darkness or she will just drag that person...