George pov
(pasensya na babs, biglang nagka-emergency, sana makilala mo na ako bukas, sorry I Love You)
Yan naman ang txt sa akin ni babs, ako kasi yung taong nagpapatawad pag ramdam at kita kong totoo naman ang kanyang dahilan and that is emergency kaya may time naman sa pagkikita naming dalawa, at sana makita ko na sya bukas, kasi sya lang naman nakakakita sa akin, ako naman ay wala akong clue.
excited na ako sa pagkikita namin ni babs, sana matuloy na ito
Nandito na ako sa classroom at recess na
“tara na bespren, nagugutom na ako, hindi kasi ako kumain kanina” sabi ni edgar sa akin
“pass, diet ako” sabi ko
“libre ko” sabi ni edgar
“cheat day ko pala ngayon” bigla namang sabi ko
“alam ko nayang galawan mo, kunwari diet pero wala palang pera” bara ni edgar
Kaya napaikot mat ana lang ako
“you have me bespren, ano pa at I’m rich” sabi ni edgar kaya nagtawanan na lang kami kasi yung style ng pagkakasabi nya ay may pa-pose-pose pa na parang kandidata
Nagpahatak na ako kay edgar at dumirityo na kami sa canteen
Nakabili na kami ng meryenda namin, at grabeh si bakla, dalawang spag, dalawang pancit, dalawang malalaking hotdog, apat na shanghai tapos 2 basong palamig.
“shemmmsss ang dami pala nating nabili” nasabi ko na lang
“kumain ka na lang daming talak, libre naman yan, eat well bespren sana mabilaukan ka” joke naman na bara ni edgar sa akin
“same to you bespren” joke ko namang sabi at napangisi na lang kaming dalawa sa aming jokes
Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain ng biglang may tumayo sa gilid ko na bulto ng isang tao at napaangat naman ako ng tingin para tignan kung sino ito, at nakita si steven my love na nakangiti habang hawak ang tray ng pagkain nya
“ahh.. ano…ano yun?” ,medyo nautal kong tanong sa kanya
“pwedeng tumabi sayo, babs” sabi nya at ngumiti ng pagkatamis-tamis dahilan para mawala na yung singkit nyang mata dahil sa mga ngiti nya.
Pero ang nagpagulat sa akin ay yung babs na sinabi nya
HUH!!! Babs!!!???
Nagkatinginan din kami ni edgar at sabay na binigkas ang
“babs?” at tumingin ulit kay steven
“ako nga babs” nakangiti Nyang sabi, parang nag slow motion ang mundo, yung taong school crush ko nung elementary hanggang ngayon, sya pala yung katxt ko, pero sa wakas nakita ko nadin sya ng harapan ang babs na minahal ko ng txt at ang crush ko sa personal ay iisa.
Hindi ko akalaing dadating ang panahon na yung taong gusto ko ay may gusto din pala sa akin and the best thing is boyfriend ko pa, kaya diko namalayan na pumatak na pala ang luha ko
Bigla namang nilapag ni steven ang kanyang dalang tray ng meryenda at tumabi sa akin at pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang panyo tyaka nya ako yinakap
“wag ka ng umiyak babs, nasasaktan ako” sabi ni steven at humiwalay sya sa yakap, hinawakan ang aking mga pisngi at tinignan ako sa mata.
“totoo lahat ng nangyayari babs, si steven na crush mo at si babs ay iisa” nakangiti nyang sabi
“so let me get this straight, ikaw yung nagpadala ng cake nung birthday ni George?” tanong ni edgar
“yup” sagot ni steven
“ikaw yung babs na matagal na nyang katxt?” tanong ulit ni edgar
“yes” nakangiting sabi nya
“eh akala ko ba gf mo si angela?” tanong ulit ni edgar at doon na ako napatingin kay steven
“yung totoo nyan si angela lang ang nagpapalabas na gf ko sya, pero ang totoo wala namang namamagitan sa amin, at may babs kaya ako” sabi nya at tumingin sya sa akin
“last question, so matagal mo ng alam na crush ka ni George?” tanong ni edgar
“yes, well in fact ako ang unang nag ka-crush sa kanya” sabi ni steven na nagpagulat sa aming dalawa ni edgar.
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
Ficción General(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Pano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023