George pov
“yes, well in fact ako ang unang nag ka-crush sa kanya” sabi ni steven na nagpagulat sa aming dalawa ni edgar.
“ano ang ibig mong sabihin?” doon na ako naglakas ng loob na magsalita at tumingin sakanya
“hindi mo man maalala pero sa akin naaalala ko pa kasi dahil doon ay nagkagusto na ako sayo, nung grade 2 nung recess, tapos may mga bata na umaway sa akin, kukunin na sana pera ko ng bigla mong binato ng tinapay sa mukha yung parang leader nila at hinila mo ako para makalayo sa kanila, tinanong mo ako kung okay ako at nung nakita ko mukha mo ay napakacute mo noon at araw-araw na akong nakatingin sayo at sinusubaybayan mga galaw mo at nung grade 4 na tayo doon ko naman narinig yung usapan ninyo ni edgar na crush mo pala ako, hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya noon, na yung taong gusto ko ay may gusto din pala sa akin, at nung time nayun ay gusto kong magmukhang cool sa harapan mo kaya ginawa ko lahat para mas mahulog ka sakin kasi gusto ko ako lang gusto mo” mahabang kwento nya sa akin at napayakap na lang ako sa kanya
Maslalo pa akong napamahal kay babs dahil sa kwento nya, hindi lang pala ako yung nagkakagusto sa kanya, sya pala yung unang nagkagusto sa akin
“wow, sana all, at dahil sa kwento mo ay may naalala na ako, ikaw pala yung binubully noong grade 2, kasi mayaman at ang linis mo kasing tignan, ano ka diamond?!” biro sabi naman ni edgar
At napatawa na lang kami sa sinabi nya.
“kain na tayo napahaba na ang kwentuhan natin” sabi ni babs at nagngitian kami
“tama na yang ngitian, kainan pinunta natin dito” biro namang sabi ni edgar at tinuloy na namin ang aming kinakain.habang kumakain ay nagkwekwentuhan nadin kaming tatlo na para bang matagal na kaming close sa isat-isa
“ay oo nga pala steven, asan si jonele?” tanong ni edgar kay babs
“hindi ko nga din alam, sabi nya may pupuntahan sya” sabi ni babs, pero nakatingin parin ako kay edgar at napakunot ng nuo
“magtapat ka nga sakin” bigla kong sabat
“ang alin?” takang tanong ni edgar habang nakatingin sa akin
“may namamagitan ba sa inyo ni jonele?” tanong ko at nabululan ito. Inabutan naman ito agad ni babs ng maiinom
“so tama nga ako, kailan pa?” taas kilay kong sabi
“ah ehh nung pageant ko bespren” nahihiya sabi nya sa amin
“congrats!, dimo kasi sinasabi!” sabi ko naman
“nahihiya kasi ako” sabi ni edgar
Ng biglang may nagsalita
“anong nakakahiya doon?” tanong ni jonele na nasa harapan na namin
“flowers for you” sabi ni jonele at inabot kay edgar, si bakla ayun nagging pabebe girl na
“ehe! Ene be jonele” sabi nya at may pahampas-hampas pa na parang bulate si bakla
“pre, edgar jowa ko nga pala” nakangiting sabi ni jonele kay steven
Inakbayan naman ako bigla ni babs at sinabing
“pre, si George jowa ko din sya, sya si babs, yung kinikwento ko sayo” nakangiting sabi nib abs kay jonele
“owww shiiii… ikaw palay un” gulat na may ngiting sabi ni jonele sa akin
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
Aktuelle Literatur(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Pano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023