George POV
One month na pala kaming nagti-text ni babs. Ayaw niya sabihin yung pangalan niya nung first week pa lang kaming nagte-text kasi tinototoo niya talaga yung panliligaw sa akin. Kaya nag-suggest na lang siya na dapat daw may call sign kami at yun na nga, babs ang naisip niyang tawagan namin sa isa't isa.
Kahit hindi pa kami officially noong first two weeks, kinikilig na talaga ako sa mga sinasabi niya. Kesyo ang cute ko raw, tapos matagal na raw niya akong gusto pero wala pa siyang lakas ng loob na i-chat ako sa Messenger o i-add man lang sa Facebook. Nahihiya rin daw siyang magtanong sa mga classmates ko para kunin yung number ko, at mas lalo siyang nahihiyang lumapit sa akin. Kaya buti na lang daw at sinulat ko yung number ko sa waiting area.
Like, matagal na raw talaga niya akong gusto pero nagmamasid lang siya palagi sa gilid-gilid.
Tinanong ko siya kung anong year siya, pero ayaw pa rin niyang sabihin kasi nahihiya pa raw siya.
Ting...
Biglang may nag-text kaya excited kong tinignan ang phone ko.
"Sino yan, si babs mo na naman?" tanong ni Edgar.
Nasabi ko na kasi kay Edgar na may katext akong nanliligaw sa akin. Sa una, hindi siya naniwala, pero nung pinakita ko yung palitan namin ng text ni babs, si bakla kinikilig pa habang binabasa yung mga messages.
"Oo," sagot ko.
At nung tinignan ko kung ano yung text, ang nakalagay lang ay:
I miss you.
Ayun, nag-blush ang lola nyo!
Nireplyan ko naman siya ng:
I miss YOU too.
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
