CHAPTER 10

633 16 0
                                        

George POV

August na ngayon and this is my birth month. Mahigit isang buwan na rin akong nililigawan ni babs, at ang ipinagpapasalamat ko ay hindi siya nagsawa at hindi rin nagbago yung pagte-text niya sa akin. Parang habang tumatagal, mas lalong lumalalim yung nararamdaman namin para sa isa't isa at ramdam na ramdam mo yun sa palitan namin ng text.

At bukas na yung August 15, birthday ko na, at dun ko balak siyang sagutin sa panliligaw niya. Gusto ko sana siyang tawagan, pero nahihiya daw siya sa boses niya kaya hindi ko na siya pinilit, baka kasi minus points pa 'yon sa kanya pag ipinilit ko.

Ting...

Birthday mo na pala bukas, babs. Gusto ko sanang pumunta pero nahihiya pa ako. Pero may surprise ako. — text niya sa akin.

Okay lang babs, anong surprise yan? — nakangiti kong tinype at sinend ko sa kanya.

Surprise nga, diba babs? — sagot niya.

Hindi na ako nagtanong pa, at masaya kaming nagpalitan ng text hanggang sa makatulog ako.

Nakaligo na ako and everything. Buti na lang at Sabado yung 15, kaya walang pasok at hindi hassle. Time check, 10 AM, at feel ko nakaluto na sina mama ng mga ihahanda.

"Bespren! Happy birthday!" sigaw ng malakas na boses at pumasok sa kwarto ko si Edgar.

"Lakas ng bunganga mo, bahay mo?" pero ngumiti ako. "Pero thank you," sabi ko sa kanya.

"Binara pa talaga ako? Well, it's your birthday kaya 'di kita babarain ngayon. Labas ka na dyan, bespren! Marami nang nakaamoy na kapitbahay ng handa nyo, ikaw na lang hinihintay. Wag kang feeling prinsesa kasi panget ka. Tara na!" mahaba niyang sabi.

"Akala ko ba walang baraan?" tanong ko.

"That is not bara, bespren. That's a fact," sagot niya.

Pinandilatan ko na lang siya sabay pektus, at lumabas na kaming dalawa ni Edgar ng kwarto.

Txtmate (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon