CHAPTER 2

1K 23 1
                                        

George POV

Naglalakad kaming dalawa papunta sa school nang biglang may bumusina malapit sa amin, na siyang ikinagulat naming dalawa ni Edgar.

Beeppppppp!!!

Tumigil ang isang motor sa harapan namin at tinaas ng rider ang salamin ng kanyang helmet.

"O mga bakla, lakad na naman ba?" tanong ng lalaki sa amin. Siya si Jonele, ang dakilang bully sa section namin.

"So ano ngayon? Jonele supot!" taas-kilay na sabi ni Edgar sa kanya.

"Ano sabi mo?!" medyo galit na sabi ni Jonele. Hinawakan ko na ang kamay ni Edgar para awatin siya, pero si bakla, pinairal pa rin ang pagkamanyak.

"Pikon si supot, akin na at machupa ko, kawawa ka naman," nang-aasar na sabi ni Edgar, at may patakip-takip pa ng bunganga na parang Maria Clara na tumatawa.

"Gago!"
sabi ni Jonele at pinaarangkada na ang motor palayo sa amin.

"Pikonin as always si Jonele, hahahaha!" tawang-tawa na sabi ni Edgar.

"Ikaw talaga, ang bastos ng bunganga mo," sita ko sa kanya.

"Malay mo, totoo palang supot... shet, sayang kagwapuhan niya pag ganon," natatawang sabi ni Edgar. Natawa na rin ako dahil sa style ng pagtawa niya—para kasing kambing na 50% na horse.

"Tatanggapin ko ang pagiging supot ni Jonele, pero 'di ko tatanggapin ang panlalait mo sakin sa mga readers!"
biglang sabi ni Edgar.

"Hahaha, tara na nga!"
sabi ko at hinila siya papasok sa gate ng school.

Txtmate (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon