George POV
Natapos na ang klase namin ngayong araw at makakauwi na rin sa wakas! Uuwi na sana ako nang biglang nag-text si Edgar na hintayin ko raw siya sa waiting area sa labas ng school, kasi may kukunin lang siya sa classroom.
Kaya no choice ako kundi hintayin siya sa waiting area. Habang naghihintay, at dahil na rin sa sobrang naboboring na ako, naisipan kong ilabas yung ballpen ko at isulat ang number ko sa pinakagilid na parte ng waiting area. Sinulat ko pa: "txt mo'ko amboring eh #LalakeSanangGwapoAtNagkakagustoSaBakla" oo, ganyan kahaba yung hashtag ko!
Diba!? Ang demanding ko, pero eme-eme lang yun, malay mo lang talaga may makakita. Hahahaha!
"Ginagawa mo dyan?" tanong bigla ng isang boses sa likuran ko, si Edgar pala yun, nakatayo at nakatitig.
"Ano yan?" tanong niya pa ulit, at lalapit na sana siya sa pwesto ko para makita yung sinulat ko, pero pinigilan ko na siya kasi nakakahiya! Kaya naglakad na lang kami pauwi.
Mahirap na, baka ipagkalat pa ni Edgar na naghahanap ako ng katxt. Eh sa chismosa pa naman yung baklang yun! Hahahaha!
Nandito na ako sa kwarto, nakaligo at nakakain na. Matutulog na sana ako nang biglang may nag-message sa akin:
"hi cute"
Yun ang sabi sa text. Natulala ako nung nabasa ko yun. Syempre nireplyan ko agad:
"hello, sino ka?"
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
