George POV
20 minutes later...
Natapos na ang awitan ng happy birthday at everything—kainan na!
Kumakain kaming lahat nang biglang nagsalita si Edgar sa harapan ng nakabukas na pintuan.
"Bes, Food Panda daw!" tawag niya at nilapitan ko ito.
"To sir George po," sabi ni manong delivery rider.
"Ako nga po," sabi ko at na-receive yung order.
Nilapag ko sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at binuksan. Nagulat ako kasi cake pala iyon! At hindi lang yun, may nakasulat pa:
"Can you be my girlfriend, babs ko?"
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, naiiyak na masaya, pero syempre hindi ko pinakita. Panget ko kaya pag umiiyak, hahahaha!
"May pa-ganito pala manliligaw mo, anak," sabi ni mama na nasa likod ko.
"O, may letter pa pala para sa akin," dagdag pa ni mama at kinuha ang papel na ang nakasulat to mama babs.
Syempre si mama yun! Alam na pala ni mama na may manliligaw ako sa text, at ang cute kasi tinatawag siya ni babs na mama babs.
"Ano sabi ng letter, Ma?" tanong ko.
"To mama babs, gusto ko po sanang humingi ng permiso na opisyal ko pong tatanungin sa inyo gamit ang letter na ito, na gusto ko pong maging girlfriend ang anak n'yong lalake na si George. Please naman mama babs, pag di niya ako sinagot ngayon, pagalitan n'yo po siya ng sobra. Hehe. Sorry babs, love you."
basa ni mama.
"Yiiiieeee!" hiyawan ng mga kapitbahay naming palamunin hahaha, dejoke lang!
"O pano yan bespren, sagutin mo na s'ya! Text him!" sabi ni Edgar.
"Sagutin mo na, anak. Pansin ko naman na masaya ka sa kanya. Blooming na blooming ka eh! Kahit stress na stress na kayo sa school, tignan mo si Edgar—stress!" natatawang sabi ni mama.
"Ay si tita, binabara ako!" sabi ni Edgar.
Nakangiti akong nagpaalam muna sa kanilang lahat at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung phone ko at nakita ko ang text ni babs:
"So anong sagot mo?"
Yes, sinasagot na kita, babs ko — reply ko habang nakangiti.
"Yes!!!! Hooo!!!! Wala nang bawian, babs ko ah!" — text niya.
"I love you, babs ko." — text pa niya.
I love you too, babs ko — reply ko.
Nagpalitan pa kami ng I love you sa text, at maya-maya bumalik na ako sa kainan.
Sinabi ko sa kanila na sinagot ko na si babs—and grabe, ang saya ko lang!
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
