George POV
Hi, ako nga pala si George, 18 years old, Grade 12, single at virgin... walang kokontra!!! Kasi virgin talaga ako! Hmmmp!
Nag-aaral ako sa Candon National High School. Medyo may kalayuan yung school ko mula sa bahay namin, pero kaya namang lakarin kasi flat highway lang naman ang dinadaanan ko.
"Tita Gladies!! Bespren!" sigaw ng isang higad, at alam ko na agad kung sino yun.
"Bespren!!!" sigaw niya ulit, kaya binuksan ko na ang bintana at nilabas ang ulo ko. Tama nga, si Edgar ang nasa harapan ng pintuan namin.
"Wait lang! Di makapaghintay?" bara ko sa kanya.
"Whatever! Halika na, malelate na tayo," sabi niya sa akin.
Siya si Edgar, ang nag-iisa kong baklang kaibigan. Same barangay din kami...
Buti na lang at nakaligo na ako at nakakain, kaya lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin si mama na naglilinis sa sala.
"Dalian mo d'yan, nasa labas na si Edgar," sabi niya sa akin. Tumango naman ako at nagpaalam.
"Tara na, so bagal mo!" sabi niya sa akin.
"Duh! Ikaw kaya 'tong mabagal! Sabi mo 6:30, tignan mo oras, 8 na!" bara ko naman sa kanya.
"Ah ganun ba? Hehe, sorry naman bespren, namali yata orasan namin sa bahay," biro niya.
Napaikot na lang ako ng mata... Naglakad na kami palabas ng aming barangay nang biglang sumigaw si Edgar.
"Wait!!!!" sigaw niya.
"Ano na naman ba?" gulat kong tanong sa kanya.
"Good morning, good evening, good night sa mga readers! Ako nga pala si Edgarda Droga, representing Barangay MATA, na nag-iiwan ng isang kataga: Wag mo akong tignan, poging kabataan, baka ikaw ay aking matikman... at pagsawaan!" sabi niya na parang candidate sa pageant. Natatawa na lang akong binatukan siya, at nagbunganga na lang si bakla, hahahaha.
Tama ang sinabi ni Edgar: Barangay MATA ang pangalan ng barangay namin.
"Dalian mo ngang maglakad, kebagal-bagal mo," biglang sabi ni Edgar. Sinawalang bahala ko na lang kasi papansin lang siya.
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
