George POV
Natapos na rin ang dalawa naming subjects at recess na, sa wakas!
"Tara, merienda muna tayo," sabi ko kay Edgar sabay ayos ng laman ng bag ko. Tumayo ako at tumingin sa gawi ni Edgar na nag-aayos din ng gamit niya.
"Lezzgoo, I'm hunger!" sabi niya.
"Hunger o hungry?" natatawang tanong ko.
"Wala ka nang pake, bakla! Basta pareho lang yun, nagugutom yung gustong ipahiwatig nun," sabi niya at inirapan ako.
"Tara na, libre mo ko," sabi ko nung nakatayo na siya.
"Wow! Ang galing mo sa part na yan ah, bespren! Inaabuso mo na pagkakaibigan nating dalawa. Hindi pwede! Lalaban ako! Lalaban tayo!" sabi niya sa akin, at umakting pa talaga ang bakla ng may pataas-taas na kamay na may letrang L pa sa dalawang daliri.
"Yucks, maka-Leni," sabi naman ni Jonele.
"Yucks, supot!" balik naman ni Edgar sa kanya. Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng classroom. Si bading naman, kung makahila parang wala nang bukas, wagas kung wagas.
"Aray!" daing ko.
"Wag kang mag-inarte, ililibre na nga kita," sabi niya habang hinihila pa rin ako.
Kaya nabuhayan bigla ang kaluluwa ko at ako na ang naunang naglakad.
"Ay teh! Balik ka dito! Ang eksena natin, hinihila kita, hindi yung nauuna kang maglakad dyan! Sige ka, wala kang libre sa'kin," sabi niya. Kaya bumalik na lang ako sa likuran niya at nagpahila ulit. Sayang naman yung libre eh, hahahaha!
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
Fiksi UmumPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
